Elaine's Point Of View"Oh apo, kanina ka pa hinihintay ng mga pinsan mo. Magbihis ka na at maliligo raw kayo sa dagat" 'yan agad ang pambungad sa akin ni lola. Matapos kong mag-ayos at magmuni-muni kanina sa taas ay sumunod na 'ko kay mama rito sa baba. Ang kaso nga lang si lola na lamang ang naabutan ko rito sa cottage, mukhang hindi maliligo ang matanda.
Sa totoo lang ay hindi pa naman gaanong katandaan si lola. Medyo malakas pa siya at hindi niya pa kailangan ng tungkod para lamang makalakad.
Ngumiti ako kay lola at kumuha ng sandwich sabay upo sa upuan. "'Di ka la maliligo?"
Ngumiti pabalik si lola na naging dahilan ng pagwala ng mga mata nito. Chinita si lola at maputi, sa kaniya ko rin Siguro 'yon namana. Puwede pala 'yon 'no? Si mama at si papa kasi at medyo moreno, pati si kuya Enzo pala. Ako lang 'ata ang biniyayaan ng kaputian sa aming pamilya. Kaya nga madalas nila akong asarin na ampon daw ako o kaya naman ay napulot lang daw ako nila mama sa gilid ng kalsada.
Madalas noon ay umiiyak ako kapag sinasabihan ako ng ampon. Ayaw na ayaw ko talagang sinasabihan ako ng ganoon kasi uto-uto pa naman ako. Tapos kapag naiinis na ako ay nagsusumbong kay Naithan, siya palagi ang hero ko noon sa mga kaaway ko. Kaya siguro wala na 'kong naging kaibigan bukod sa kaniya at sa mga pinsan ko.
"Hindi apo, baka mapagod ako masiyado. Marami pa namang gagawin mamaya at bukas" sagot ni lola. Napatango-tango naman ako, sabagay, magiging sobrang busy nila mamaya pag-uwi.
"Nga pala la, matagal na po bang nakalaya si papa?"
Tanong ko na ikinagulat ni lola.
"Bakit mo naitanong apo?" Kalmadong saad niya.
Kinagat ko ang sandwich na kanina ko pa pinapapak at nilunok iyon bago sumagot. "Eh kasi po curious ako, hehe" awkward na sagot ko.
Hinawakan ni lola ang buhok ko at hinimas-himas iyon, pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Maligo ka na at maaga tayong uuwi mamaya" tanging naisagot niya.
Wala na 'kong nagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ni lola. Labag man sa loob ay iniwan ko ito sa cottage at pumunta kila Hazel na masayang naliligo. Namataan ko rin sa Naithan na nakatayo malapit sa niyog kung saan hindi siya maiinitan. Bahagya pa 'kong nagulat nang mapansin kong nakatitig siya sa akin.
"Tara na Joy!" Sigaw ni Hazel na nagpabalik sa akin sa ulirat. Awtomatikong lumingon ako sa kaniya at tumango sabay ngiti. Hindi ko na ulit binalingan ng tingin si Naithan at nagsimula nang hubarin ang pink na dress ko, sa ilalim nito ay ang swim wear na sinadya ko talagang ipailalim sa dress para hindi na 'ko mahirapan.
Simpleng maikling shorts lang naman at bra na color black ang suot ko. Dahil sa maputi ako ay mas lalo pang piinatingkad ng itim na kulay ang kutis ko.
"You look beautiful" halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot si Naithan sa harap ko. Aba't kanina lang wala siya rito eh! Sinong 'di magugulat do'n?
Pero I wonder... if boyfriend ko na ba siya ay pagbabawalan niya 'kong magsuot ng ganito? Mostly kasi ay nakikita ko sa Internet videos 'yong mga lalaki na masyadong conservative sa mga suot ng girlfriend nila. Pero for me ay okay lang naman ang ganitong suot lalo na't nasa beach naman kami, natural na talagang mag-swimsuit sa lugar na 'to.
"Uh thank you." Nagpilit ako ng ngiti. Bigla kasi akong nahiya sa kaniya. Hindi naman sa first time niya 'kong makita na ganito pero we are not a kid anymore! Madalas noon ang pagbi-beach naming mag-anak at palagi siyang kasama, at dahil doon kaya nasanay akong magsuot ng ganito sa gan'tong lugar kaya hindi na big deal sa akin 'to. Pero ewan ko ba, bigla akong nailang sa kaniya.
YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...