Chapter 14

691 17 23
                                    


Elaine's Point Of View

Halos manlumo ako nang ma-recieve ang text message ni Sir. Ang sabi niya ay hindi raw matutuloy ang date na sinasabi niya kasi may emergency sa bahay nila.

Baka prank lang 'yon?

Jusko naman! Uto-uto pa naman ako.

New year na bukas kaya feeling ko ay nag-grocery sila.

Nag-left din pala ako sa gc. Wala lang, trip ko lang.

Jokings!

Nagseselos kasi ako! Bat lahat sila nando'n sa mall?! I mean kasalanan ko naman kasi hindi ako sumama pero bakit?! Bakit pati siya nandoon?!

Huhu! Sayang!

No'ng nalaman ko na si Sir nga 'yong narinig kong boses na nagsabing ‘Hi girls’ ay napasinghap ako ng wala sa oras. Do'n pa lang napansin ni Chealsy na nag-a-audio call pala. Sa sobrang gulat niya ay natanong niya pa na…

“SINO KA?!”

Halos mapamura ako dahil sa tanong niya. Obvious naman na ako si Elaine hays.

Magpapaliwanag pa sana siya pero in-end ko na ang call at saka nag-left sa gc. Bahala sila. Tampo-tampo muna ako!

Immature 'no?

Pero pala-isipan pa rin sa akin kung bakit lahat sila ay nandoon samatalang hindi naman active at hindi nag-seen si Melisa sa gc namin. Imposibleng coincidence lang 'yon kasi bakit kasama si Sir?

✎ᝰ. ‧₊˚ ☁️⋅♡𓂃 ࣪ ִֶָ☾。

Sa sobrang pag-iisip ay nakatulog pala ako kanina. Nagising na lang ako dahil sa ingay ni kuya, medyo madilim na rin sa labas.

Pagbangon ko ay agad kong naramdanan ang sakit ng batok, sa sofa pala ako nakatulog.

Pero may nararamdaman ako…

Naiihi ba 'ko?

Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko pero hindi naman. Imposible ring may dalaw ako kasi hindi pa tapos ang month ng December!

Nakiramdam ulit ako.

Malagkit…

Medyo mabango ang amoy…

Amoy…

Amoy pentelpen!

Anak ng! Bakit amoy pentelpen dito?

Tapos malagkit din!

Agad kong kinapa ang mukha ko, malagkit talaga! Nang hindi na makatiis ay tumakbo ako papunta sa may salamin at tiningnan kung anong mayroon sa mukha ko. At halos mabalibag ko ang salamin nang makita ang kabuoan nito.

Arrrrggghhhh!!!

“KUYAAAAAAAAA!!!!” Malakas na sigaw ko.

“WALANGHIYA KAAAAA!!!!” Dagdag ko pa.

Lumabas naman ang magaling kong kuya mula sa kusina.

“Baki — hoy! Baki — ARAAAAY!!” Sigaw niya nang sabunutan ko siya.

“Napakawalanghiya mo! MUKHA BANG COUPON BOND ANG MUKHA KO??!!!” Inis na inis na sigaw ko.

Tawa naman ng tawa ang walang hiya habang todo iwas sa hampas ko.

“Oo — ouch! BITIWAN MO 'KO!” Sigaw niya ulit nang maabot ko ang buhok niya.

“NAKAKAINIS KA TALAGA!!!”

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now