Chapter 3

1.2K 29 33
                                    


Joshua's Point Of View

"Josh!" sigaw ni Elaine na nasa aking likuran.

"Hoy! Hindi mo ba talaga ako papansinin?" inis niyang sigaw ulit. I can sense the annoyance on her voice, sinalampak ko na lang ang headset ko para 'di na siya marinig.

I don't even know why I feel irritated at her. Wala naman siyang ginawa na maaari kong kainisan but I just can't stop myself right now.

I know that my reason was very shallow and nonsense, but I don't care, really.

"Aray!" agad akong napahawak sa ulo ko nang tumama ang matigas na bagay rito, tumingin ako sa likuran at nakita ko ang nanggagalaiting tingin sa akin ni Elaine.

Problema nito?

"Ano!?" she shouted when she realized that I'm looking at her. Wow. Siya pa ang may ganang magalit, huh.

Inis kong tinanggal ang headset ko at itinutok ang buong atensiyon sa kaniya "bakit mo 'ko binato?" I asked calmly.

Napansin kong wala ang dalawa niyang kaibigan, nasa cafeteria siguro. Break time kasi kaya kakaunti lang kaming nandito sa room, ewan ko kung bakit hindi kumain ang babaeng 'to. But maybe, she don't want to, right? Ayokong isipin na dahil sa 'kin kaya siya narito sa harap ko.

"Bakit hindi mo 'ko pinapansin!?" halos naiiyak na sumbat ni Elaine, kinunutan ko siya ng noo bago lumapit sa kaniya.

I suddenly felt guilty by just looking at her almost teary eyes.

Okay, kasalanan ko na.

Lumapit ako sa kaniya. "Sorry," mahinang bulong ko nang makalapit na, I can't look at her straight in the eyes. Nakakakonsensiya. I know that it wasn't her fault, hindi naman niya alam na naiinis ako kaya siya nagkakaganito.

Lakas ng tama, eh 'no?

Sinimangutan niya ako at tinitigan ng masama. "Ano ba kasing nagawa ko?" naka-pout na tanong niya sa akin, "kanina ka pa 'di namamansin." Dagdag niya pa.

I know. Kaya nga I'm sorry na 'di ba?

"Wala, sorry na nga eh. Sige na, anong gusto mong kainin?" I held her cute cheeks. Tiningnan ko ang relo bago sumulyap sa kaharap ko na ngayon ay nakabungisngis na sa akin, basta talaga pagkain, tss.

May 20 minutes pa naman bago ang start ng next class, bibilhan ko muna siya ng makakain at paniguradong hindi niya kayang tiisin ang gutom. I know her very well.

"'Yong OK laki at tsaka uhm…" sagot niya at huminto upang mag-isip.

Nag-isip pa nga.

"Fudgee bar nalang, 'yong green ah?" she said while playing with the strands of her hair. Sabi na eh, as always, her favourite snacks.

"Noted ma'am, 'yon lang po ba?" I asked playfully, tumango siya ng isang beses sa akin kaya nagpaalam na akong bibili na.

Elaine is so special to me, higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kaniya pero siyempre hindi niya 'yon alam. Normal na sa 'kin ang pagsilbihan siya lalo pa't gusto ko rin naman iyon. Nagkakilala kami dahil sa kuya niyang si Enzo na matalik ko ring kaibigan, madalas ako sa bahay nila noon kaya hindi na rin imposible na close kami.

Kung may isang tao man na nakakakilala sa kaniya ng husto, I'm proud to say that I'm one of those people. I know everything about her, simula sa mga ayaw at gusto niya, sa mga hilig niyang gawin tuwing bakanteng oras at kung anong mga pagkain ang kaniyang paborito.

We've been friends for almost five years. At sa limang taon naming pagkakaibigan ay hindi ko naramdaman sa kaniya na nag-iisa ako kaya ganito na lamang ang pag-iingat kong huwag masira ang kung ano man ang meron kami ngayon. Lagi siyang nandiyan tuwing malungkot ako, saulo na rin niya kung paano ako patatawanin at pakakalmahin.

Ewan ko nalang talaga kung anong mangyayari sa akin sa oras na magkaroon na siya ng boyfriend. Alam ko naman at naiintindihan ko kung magkakagusto siya sa iba at isa pa ay hindi siya nakatali sa 'kin kaya walang rason para pagbawalan ko siya.

Pero siguro naman puwedeng mag-selos 'no? Kahit 'yon lang okay na 'ko roon. Kahit patagong selos, kahit masakit okay lang. Basta 'wag lang siyang mawala sa 'kin, basta  'wag lang mawala sa akin ang best friend ko.

Masakit mahulog sa isang kaibigan. Masakit magbitiw ng desisyon lalo pa't kung ang itataya mo sa desisyong iyon ay ang pagkakaibigan niyong dalawa.

People say that friendship is more important than relationship. Tama naman. Mas tumatagal nga naman ang friendship kaysa sa romantic relationship. Pero paano naman ang feelings? Ang hirap din kayang magselos ng patago, ng walang karapatan.


✎ᝰ. ‧₊˚ ☁️⋅♡𓂃 ࣪ ִֶָ☾。

"Ate pabili po, tatlong fudgee bar na green at tsaka isang OK laki," sabi ko sabay turo sa pack ng fudgee bar. I am silently hoping that there's a pandan flavor, baka kasi hindi ako palabasin ng gate eh.

Mahigpit pa naman si manong guard.

"35 lahat ijo," sambit ni ateng tindera sabay abot sa akin ng binili ko. Siguradong tuwang-tuwa na naman nito si Elaine, ang babaw ng kaligayahan no'n, eh.

She is not a material girl, pagkain ang nagpapasaya sa kaniya. Kahit anong pagkain pa 'yan basta pagkain okay na okay sa kaniya. Wala nga 'atang hindi masarap para sa kaniya na pagkain eh. Her one and only comfort, foods.

Paglabas ko ng canteen ay nakasalubong ko si Sir Naithan, I nodded to him as a sign of respect.

Nang makarating sa room ay boses niya agad ang narinig ko, I smiled when I heard my name coming out from her mouth.

"Ang tagal ni Josh, nagugutom na 'ko," walang kabuhay-buhay na sambit ni Elaine, 'yon agad ang narinig ko pagkapasok ng klasrom.

'Yan kasi 'di pa kumain kanina.

Inilapag ko sa harapan niya ang dala kong mga pagkain, automatic naman ang pag-angat ng ulo niya nang makita ang nasa harapan niya. Nagningning pa ang mata…

She's really hungry, huh.

"Thank youuuuuuu!!" sigaw niya sabay ngiti ng malapad, and for unknown reason ay napatulala ako sa mukha niya. Ang ganda niya talaga, ang inosente pa ng mukha. 'Yong tipong matatakot kang paiyakin. She's like an expensive glass that's easy to break.

"Excuse me," tikhim ng kaniyang kaibigan na si Marian. Napatikhim din ako nang wala sa oras bago umiwas ng tingin.

Maya-maya pa ay dumating na ang sunod naming instructor and as usual nagpa-introduce yourself lang ito. Halata mo na sa iba ang pagkaumay kasi puro pangalan at edad na lang ang sinasabi nila, kahit nga sina Marian at Chealsy na parehong loko-loko eh ganoon nalang rin ang ginawang pagpapakilala.

Mukhang masigla lang sila kapag klase na ni Sir Naithan.

Natapos ang araw na ito na puro pagpapakilala lamang ang ginawa, may iilan namang teachers na nagpaliwanag ng tungkol sa magiging lesson namin pero wala namang masyadong diniscuss or ipinasulat.

Napansin ko ang paglapat ng tingin ni Elaine sa lalaking guro nang pumasok ito sa room — siya ang adviser namin kaya hindi na 'ko magtataka kung palagi kong makikitang tulala ang kaibigan kong 'yan.

Ang sakit lang isipin na ako 'yong palaging nandito at kasama niya pero nasa iba naman ang atensiyon niya.

Ang sakit lang.


————————
Author's Note:
      ✎. Hi! Thank you for reading mga lalovesss!! Don't forget to VOTE po and leave a comment hehe, lovelots!!

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now