Elaine's Point Of ViewHindi ko namalayan na sumunod pala sa 'kin 'yong dalawa. Napapagitnaan talaga nila ako ah, sana i-arrange sit.
Ayoko kasing nasa gitna nilang dalawa kasi siguradong hindi ako makakapag-focus dahil sa ingay ng dalawang 'to.
Hindi naman ako grade concious na tao pero gusto ko na kasing magseryoso lalo pa't senior high school na ako. Halos kaunting kembot na lang ay tutuntong na kami sa college.
"Ang tagal ni Sir," biglang sabi ni Marian kaya napalingon ako sa kaniya. Nakita ko siyang nakadukdok sa arm desk niya.
Hindi naman halatang tinatamad siya 'no?
"Kaya nga, baka nasa Guidance Office pa," sagot naman sa kaniya ni Chealsy na busy rin sa pagngatngat ng sariling kuko.
Eto naman halatang walang magawa sa buhay.
Na-curious ako sa pinag-uusapan nila kaya nakisabat ako. "Sinong Sir ang magha-handle sa 'tin?" pakikisabat ko sa kanila, sa pagkakaalam ko kasi ay si ma'am Abrenica ang may hawak sa section na 'to dati.
"Naithan Abrientos daw ang eh," bored na sagot sa akin ni Chealsy.
Umusog ako sa kaniya ng kaunti. Tama lang upang mabulungan ko siya.
"Bagohan ba? Guwapo?" nakangising tanong ko na naging dahilan ng paghampas nito sa braso ko.
Child Abuse!
Kanina pa 'to ah. Nakakarami ka na.
"Landi ah," sabay irap na sabi niya. Tinawanan ko lamang siya at ibinalik na sa dating puwesto ang upuan, "ewan ko hindi ko pa nakikita eh." Dagdag niya pa.
Suss, kunwari pa. Interested naman.
"Pero..." napatingin ulit ako sa kaniya "... bali-balita guwapo raw," sabi niya sabay tawa ng malakas. Inangyan ang landi! Tumawa rin ako sabay hampas sa kaniya na siyang ikanatigil niya. Naku! Napalakas 'ata.
Ayy sorry!
"Naneto, tumawa ka lang 'wag kang manghampas!" sigaw niya sa mukha ko. Inirapan ko siya at sasagot na sana nang biglang sumabat si Marian.
"Sinong pinag-uusapan niyo?" takang tanong niya.
"WALA!" sabay na sigaw namin ni Chealsy, umarte naman na parang nasaktan talaga si Marian. Jusko, pa'no ko ba sila naging kaibigan?
Natahimik kaming tatlo matapos iyon at bigla nalang akong may naramdaman...
Teka, multo ba?
Pero imposible. Natatae kaya ako? Pero nakapagbawas naman ako kanina ah!
Or baka... meron ako?!
Agad ang panlalaki ng aking mga mata nang dahil sa naisip pero napawi rin 'yon nang maalala na kakatapos ko lang pala last week. Nang maramdaman ko ulit ang kakaibang pakiramdam ay inilibot ko ang paningin ko at halos mapatalon ako sa aking upuan nang magtama ang paningin namin ni Josh.
Pa'no ba naman kasi ay naramdaman ko kanina na parang may nagmamasid sa akin kaya agad kong inilibot ang aking paningin sa buong klasrom at hindi ko pa inaasahan na hihinto ito sa tabi ng bintana. . . kung saan naka-upo si Josh. Mariin at seryoso lamang itong nakatitig sa akin na para bang may malaki akong utang sa kaniya! Inirapan ko nalang siya bago itutok muli ang tingin sa unahan na sakto naman kasi maya-maya lang ay bumukas na ang pintuan at iniluwa nito si. . .

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...