Chapter 13

712 17 29
                                    


Elaine's Point Of View

Siguro kung hindi ako tinawag nila mama sa baba ay baka nakatitig pa rin ako hanggang ngayon sa cell phone ko. Ilang beses akong pumikit at didilat ulit pero wala namang nagbago, nando'n pa rin ang message ni Sir Abrientos.

Sa una nga ay hindi ko sana siya re-replyan kaso nakakahiya naman kaya binati ko rin siya ng Merry Christmas and Happy New Year, nagtataka man ay hindi ko na sinubukan pang tanungin kung saan niya nakuha ang number ko. Bahala na.

“Ate paabot po no'ng cake” sabi ni Yasmin kaya napabalik ako sa reyalidad. Inabot ko naman sa kaniya 'yong cake at nagsimula nang kumain. Kanina pa 'ko nakababa pero 'yong atensiyon ko ay nasa phone ko pa rin, napagalitan na nga ako nina lola eh.

Pano kasi sunod-sunod ang bumati sa 'kin, alangan namang hindi ko sila replyan 'di ba? Ano ako famous? Pero ka-chikahan ko talaga ngayon sina Chealsy sa gc, active rin si Melisa kaya ang ingay-ingay. Naka-silent din ang phone ko kasi panay tunog ng notif galing messenger.

Joshie:
Anong gawa mo?

Elaine Alcantara:
Kmakain haha. Ikw?

Actually, kanina ko pa talaga siya ka-chat. No'ng saktong 12 AM niya 'ko binati pero na-replyan ko ng mag-a-ala una.

Sorna.

“'Nak, 'wag kang mag-cell phone sa harap ng pagkain.”

Pang-lima. Pang-limang beses na 'yang sinabi ni mama. Kulit ko 'no?

Kasi naman ih! Reply nang reply sila, ayan tuloy nag-re-reply din ako.

Naghanap ba naman ng masisi.

Sa huli ay tumango na lang ako kasi baka magalit pa si mama, tinago ko ang phone ko pero ramdam ko pa rin ang pag-vibrate.

Saktong 1:40 AM nang natapos ang lahat sa munting salo-salo, sina Hazel ang pinaghugas ni lola kaya tahimik ang buhay ko ngayon kasi walang nangungulit. Nagpa-fire works display din ang ilang kapitbahay kanina kaya damang-dama mo talaga ang pasko.

Marami rin akong nakuhang regalo like shoes, watch, bracelet, necklace at siyempre money. Mayaman ako ngayon, hihi.

Ang regalo ko naman kaya mama ay damit at saka kay lola, kay Hazel naman ay sapatos at sa mga pinsan ko ay laruan. Siyempre, wala pa naman akong source of money kaya ganiyan muna.

Kinaumagahan ay maaga kaming lumuwas sa bayan ni mama, kasama namin si Hazel pero ihahatid niya lang naman kami sa bus station. Hindi na namin pinasama si lola kasi baka mapagod masiyado. Pinaalalahanan niya lang kami na mag-ingat at bumalik sa fiesta kasama si kuya para raw kompleto.

“Uy ghorl, totoo bang pupunta si Gab dito sa fiesta?” Tanong ko kay Hazel na ngayon ay nakatayo sa tabi ko.

Nag-aantay kami ng tricycle para magpahatid sa bus station. Si mama naman ay busy sa cell phone niya.

“Oo raw sabi ni lola, bakit?”

“Wala, natanong ko lang. 'Wag kang issue.”

“Defensive mo naman” sagot niya na ikinatawa ko.

Maya-maya pa ay pumara na siya ng tricycle at sinabing magpapahatid kami sa bus station, mabilis lang naman kaming nakarating doon kasi medyo malapit lang. Pagdating doon ay agad kaming sumakay sa bus, masyado pang maaga kaya masarap umidlip muna. Nagpaalam na kami kay Hazel at sinabing mag-ingat pag-uwi.

Mga pasado alas-nuwebe ng lumarga ang bus na sinasakyan namin, mas pinili kong maupo sa tabi ng bintana kasi mahangin at saka masarap matulog. Mahaba-habang byahe rin 'to.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now