Elaine's Point Of ViewLumipas ulit ang ilang buwan na ganoon pa rin ang nangyayari, lesson — quiz — discussion.
Ang pinagkaiba nga lang ay ang napapansin kong paminsan-minsang tingin ni Sir sa 'kin, ewan ko ba, hindi ko alam kung sadyang praning o assuming lang ako pero nahuhuli ko talaga siyang nakatitig sa 'kin! Minsan pa nga ay kapag nagtatama ang mga mata namin ay bigla na lang siyang ngingisi at yuyuko habang umiiling-iling.
Lah? Crush ba 'ko ni Sir?
Agad kong pinilig ang aking ulo dahil sa naisip. What the fuck, Elaine? Seriously? Are you thinking that Sir Abrientos really had a crush on you?
Bumagsak ang balikat ko at nawalan ng gana. Sinikap ko na lang na ituon ang aking atensyon sa ibang bagay.
'Yong sa office ang last encounter namin and after that hindi na 'ko nag-atubiling kausapin siya o lumapit sa kaniya. Pagkatapos ba naman niya 'kong pagutuman ng time na 'yon?!
**/ FLASHBACK…
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang mag-vibrate ang phone ko, agad ko iyong kinuha sa bag at ngumiti ng mabasa ko kung sino ang nag-text. Bumaling muna ako kay Sir na ngayon ay naka-kunot ang noong titig na titig sa akin bago nagtipa ng reply.
Si Josh lang pala.
Joshie:
Where are you?Omyghad! Bakit niya kaya ako hinahanap?
Elaine Alcantara
Sa Office, bkit?Joshie:
Why? What are you doing there?
Napangiti ako dahil sa nabasa. I know that Josh is just concerned to me because I'm his best friend, right? Nothing more, nothing less.Elaine Alcantara:
Wla, knausp lng ako ni Sir.Joshie:
Can I come?
Namilog agad ang aking mga mata matapos mabasa iyon, nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtikhim ni Sir na nakalimutan kong nasa harap ko pa pala. Isang beses muna akong tumingin sa kaniya at nag-isip sandali kung papupuntahin ko ba siya gayong wala akong maisip na idadahilan sa kaniya kung bakit ako narito sa Office ng aming adviser. Pero ano namang gagawin niya rito? Pero kung hindi ko naman siya papupuntahin baka tuluyan na 'kong mahimatay sa gutom. Mag-a-ala una na kasi hindi pa rin ako pinapauwi ni Sir! Wala naman kaming pinag-uusapan, parang tanga lang.Inalok niya ako kanina ng pagkain pero tinanggihan ko, sumuko rin agad siya lalo na noong halatang-halata na ang iritasyon sa mukha ko.
Elaine Alcantara:
Sge.Hindi na nag-reply si Josh kaya itinago ko na sa bag ko ang phone at agad na niyakap ito. Gutom na gutom na ako!
“You done?” Tanong ni Sir na ikinakunot ng noo ko. Done saan?
Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harapan ko dahilan upang kapusin ako sa paghinga. Damn his intimidating presence!
“Who's that?” Tanong ulit nito na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Anak ng pating! Anong nangyayari kay Sir Abrientos at saka ano namang pakialam niya sa ka-text ko?

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...