Elaine's Point Of ViewMadali lang naman natapos ang oras ng pagtuturo ni Sir at gano'n din sa mga sumunod na subject. May isang teacher pa nga ang hindi pumasok kaya nagkaroon kami ng free time, 'yong last subject teacher namin bago mag-uwian ng lunch. Kaya feeling ko ito na ang magiging pinakamahabang oras namin para sa lunch.
Walang namang pumasok na ibang teacher para bantayan kami kaya sabi ni Sir ay puwede na raw kaming mag-lunch kasi wala namang gagawin. Todo ngiti pa ang dalawa kong kasama ngayon kasi hindi raw sila mabibitin aa chika ko about sa nangyari kahapon.
“So bakit ka nga na-late?” Tanong ni Chealsy sabay subo ng shanghai.
Takaw.
Narito kami ngayon sa rooftop ng school. Junior High School pa lang ay tambayan na namin 'to. Bibihira kasi ang estudiyanteng pumupunta rito kasi nakakapagod nga naman talaga umakyat.
Ayaw nila Marian at Chealsy sa cafeteria kasi mainit raw. Natawa na lang ako sa rason nila kasi ang stupid. May aircon kaya sa cafeteria. Mga buang! Alam ko naman kasing may iniiwasan silang makita.
“I-iniwan niyo 'ko eh!” Sagot ko na lang. Totoo naman, iniwan nila ako kahapon.
Tumawa ng bahagya ang dalawa at malisyoso akong tinitigan.
“Hala ghorl, nagpaalam ako sa 'yo ah. May emergency sa bahay kahapon 'di ba?” Ani Marian. Napatango naman ako kasi totoo naman ang sinabi niya.
Sabay kaming lumingon kay Chealsy na ngayon ay tahimik na kumakain. Naramdaman niya 'ata ang titig naming dalawa sa kaniya kaya lumingon siya sa amin ng bahagya.
“Oh bakit kayo nakatingin?!” Sigaw ni Chealsy habang sumusubo pa rin ng shanghai. Anak ng! 'Wag ka sanang mabilaukang bruha ka.
Inismiran ko lang siya. “Ikaw anong excuse mo?” Tanong ko sa kaniya habang sinisipat ang ulam kong adobong baboy. Tira namin 'to kagabi, ininit lang.
“Ahh… ehh… i —”
“Ihh, Ohh, Uhh… i, ga?! Ano?” Sabay naming sigaw ni Marian.
Ngumiti naman ang babae at nag-peace sign.
“Meron ako kahapon eh. Biglaan” humalakhak siya na para bang nakakatawa ang sinabi niya.
Napatango na lang ako.
Nabigla ako nang bigla akong batukan ni Chealsy kaya halos mahulog ako sa bangko na inuupuan ko. Mabuti na lang at wala akong kinakain! Bruhang 'to!
“Tangin — PROBLEMA MO?!” sigaw ko sa kaniya nang makabawi.
Umirap siya ng isang beses, nilunok muna niya ang kanina niya pang nginunguyang shanghai bago magtatalak. “Akala mo ba hindi ko napapansin, ha?! Binabago mo ang topic eh!” Eksahederang sigaw niya at saka nag-pout. Ang oa!
“Agree” walang buhay na sagot ni Marian.
Naawa naman ako sa kanila kaya kinuwento ko na ang nangyari kahapon. Todo ngiti pa 'ko kasi kinikilig pa rin ako.
“Hala! Gaga ka! Totoo?!” Si Marian sabay batok sa 'kin.
'Yong totoo. Kanina pa nila ako hinahampas at binabatukan. Malapit na 'kong mapuno. Konti na lang talaga.
“Malambot?!” Si Chealsy habang namimilipit sa kilig.
“Oo nga!”
Sinabi ko kasi sa kanila 'yong scene namin kahapon ni Sir. 'Yong nag-holding hands kami. Gosh! Nabuhay na naman ang kung anong insekto sa tiyan ko.
"Aaaaahhh ang pogi talaga ni Sir!" si Chealsy.
“Aaaaaaahhhh ang sarap niyang
asawahin!” si Marian.
YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomansaThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...