Chapter 4

1.1K 29 24
                                    


Elaine's Point Of View

Nang matapos ang klase ay naisipan naming magkakaibigan na bisitahin si Melisa, isa sa kaibigan namin na nahiwalay. Nasa kabilang building ang section no'n, medyo malayo sa amin.

"Saya natin ngayon ah" komento ni Chealsy habang sinisipat ang mukha kong kanina pa 'ata nakangiti.

Pake ba nito?

"Siyempre, magtaka ka kung umiyak ako rito nang walang dahilan" pilosopong sagot ko na inirapan lamang ng babae.

Umisod ako palapit kay Marian para mang-asar, I saw something that can make her day a disaster. Binalingan ko si Chealsy na ngayon ay nakatingin na rin sa tinitingnan ko kani-kanina lang, sabay kaming tumawa nang magtama ang aming mga mata.

Pumuwsto ako at gano'n din si Chealsy, para kaming baliw dito habang naghahanap ng magandang tiyempo para asarin si Marian na ngayon ay nagtataka sa ikinikilos namin. Maya-maya pa ay umusog ako papunta sa direksiyon niya.

"Mayan kita mo 'yon?" tumatawang tanong ko habang nakaturo sa grupo ng mga kalalakihan, agad naman ang pamimilog ng mga mata niya nang makita iyon at automatic na tumalikod. Gosh! Her reaction was so priceless!

Hinawakan ko ang ulo niya at pinilit ibaling sa kaliwa namin, agad naman siyang nagpumiglas pero tinulungan ako ni Chealsy kaya hindi na siya nakapalag.

Sorry my dear friend.

"Ano ba!?" pagpupumiglas ni Marian. Feeling ko natutunugan niya na ang nais naming mangyari. Mas lalong hindi ito nakapalag nang tawagin ni Chealsy ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang babaeng ito.

"Psst! Jeffrie!" sigaw ni Chealsy sabay halakhak.

Napapikit ng mariin si Marian sabay hinga ng malalim. "Hoy tanginamo!" sigaw niya kay Chealsy habang kinukurot naman ako nito, "mamaya kayo sa 'kin talaga!" halos naiiyak na sigaw niya sa mukha namin sabay takbo papalayo, tumawa kami ng malakas dahil sa naging reaksiyon niya. Grabe ang priceless!

Nang mahimasmasan ay tumakbo kami papunta sa direksiyon kung saan pumunta si Marian, papunta 'to sa building nina Melisa. Paniguradong magsusumbong 'yon, but we don't care. Gan'to talaga kami mag-bonding, asaran.

Ngunit napahinto kami sa pagtakbo ni Chealsy nang biglang may matumbang babae sa harap namin. Nilingon ko ito at pagkatapos ay umangat ang aking mga mata sa lalaking nakatayo sa harapan namin. Halos mapapitlag pa ako sa gulat nang nakita ko ang basang-basa na si Sir Abrientos. What the - anong nangyari rito?!

"Sir sorry po talaga!" natatarantang sabi no'ng babae na hula ko ay ang dahilan kung bakit basang-basa ang guro, "sorry po" umiiyak ito habang pinupunasan ang suot ni Sir na wala namang naitutulong. Mas lalo lamang kumalat ang mantsa sa suot ni Sir Abrientos.

Ngunit hindi ko maipaliwanag ngayon ang aking sarili dahil sa kakaibang pakiramdam nang makita ang pangyayaring iyon. Ewan ko, baka awa para sa babae.

"T-tara na" 'aya ko kay Chealsy na ngayon ay tulalang nakatitig din sa harap namin, lumingon siya sa akin bago hawakan ang kamay ko sabay takbo ulit.

Pero habang tumatakbo kami ay wala sa daan ang buong atensiyon ko kundi sa nangyari kanina, kakaiba talaga sa pakiramdam. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi rin maalis sa aking isipan ang seryosong titig na ipinupukol ni Sir kanina sa akin, nakakapanibago dahil halo-halong emosyon ang nakita ko sa kaniyang mga mata.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nasa harap na pala kami nina Melisa at Marian, napabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang tanong ni Melisa na ngayon ay natatawa sa hitsura namin ni Chealsy. Para kasi kaming hinabol ng sampong kabayo eh, nagulo tuloy buhok ko.

"Oh, anong nangyari sa inyong dalawa?" natatawang tanong ni Melisa nang maabutan namin silang naka-upo sa isa sa mga bench sa school, sarap buhay.

Umirap ang katabi ko.

"Eh 'di ano pa ba!? Hinabol lang naman namin itong magaling mong kaibigan!" hinihingal na sigaw ni Chealsy sa tabi ko bago tiningnan ang nakangising si Marian. Ngunit agad nawala ang kaniyang ngisi nang mapadako sa akin ang kaniyang mga mata, bakas ang pag-aalala at pagkalito roon.

Tinuro niya ako sabay baling kay Chealsy na ngayon ay umiinom ng tubig "oh, anong nangyari sa mahal na prinsesa?" Tanong niya, itinaas naman ni Chealsy ang kaliwang kamay para ipahiwatig na 'wait lang.'

Umiinom pa rin kasi.

Nang natapos siyang uminom ay sinagot niya ang tanong ni Marian, "ewan ko diyan. Bipolar 'ata 'yang kaibigan nating 'yan eh! Ang saya-saya kanina tas ngayon tingnan mo" sagot niya with matching making face pa, napailing nalang ako sa sinabi niya.

Tumabi ako kay Melisa na ngayon ay busy sa cell phone niya. Mukhang may ka-chat ang isang 'to.

"Kamusta naman sa section niyo Mels?" tanong ko na ikinagulat pa yata niya. Hindi niya siguro naramdaman ang pag-upo ko kanina sa tabi niya. Tiningnan niya ako at pilit na ngumiti, dali-dali niyang in-off ang kaniyang cell phone sabay tago nito sa bag.

Suss... may tinatago.

"Okay naman, tahimik" maikling sagot niya sabay tingin sa dalawa naming kaibigan na ngayon ay naghahampasan. Pero agad ding napatigil nang maramdaman ang titig naming dalawa sa kanila.

"Oh ano?" sabay nilang sagot.

Umirap ako. "May pina-plano ba kayo?" naniningkit na tanong ni Marian, hinampas ito ni Chealsy kaya napa-aray siya.

Napailing na lang ako sa kalokohan ng dalawa at gano'n din si Melisa, "sana naging magka-klase tayo" natatawa kong saad.

Tumawa siya ng mahina "bakit naman?"

"Eh ang ingay-ingay kaya palagi ng mundo ko!" I exaggeratedly said as I rant at her.

She pointed at the two girls beside us and laugh, "dahil ba sa kanila?" she asked, the smirk on her face is now visible.

I nodded.

"Oo. Nakakainis, unang pasukan pa lang pero grabe!" tila namo-mroblema kong tugon.

She laughed because of my sudden outburst. "Hayaan mo na, mabuti nga't magkakasama kayo eh." Malungkot na aniya. "Ang malas ko naman kasi! Nahiwalay pa ako" she added.

Oh my God! Is this really her?

Napanganga tuloy ako nang wala sa oras.

I've known Melisa for years and I met her as a calm and shy girl. Ngayon ko lang siya nakitang ganito at 'yan na 'ata ang pinakamahabang sinabi niya. Mostly kasi more on acads ang napapag-usapan namin, kaya nakakapagtaka lang.

"Hoy bibig mo" napabalik ako sa ulirat nang maramdaman ang kaunting hapdi sa braso ko. Tangina nito, nanghahampas!

"Aray ko naman!" singhal ko kay Marian na ngayon ay kahampasan na naman si Chealsy, the heck! Hindi yata nakakaramdam ng sakit 'tong dalawang 'to eh.

Nawala ang tingin ko sa dalawa nang biglang magsalita si Melisa sa tabi ko.

"Baliw talaga 'yang si Marian" maya-maya'y saad niya na tinawanan ko lang habang hinihimas pa rin ang braso. "Sinong adviser niyo Ele?" pag-iiba niya sa usapan.

Tamad akong lumingon sa kaniya at ngingisi-ngising sumagot, "si Sir Abrientos. Kayo ba?" sagot ko.

Ngumisi rin siya, tingin ko'y alam niya na ang naiisip ko ngayon. Tumawa ako at inulit ang tanong kani-kanina lang...

"Ahh, si ma'am Labarete sa 'min" sagot niya. Kilala si ma'am Labarete bilang istriktang guro at mababa magbigay ng grades. "Lalaki pala adviser niyo" tawa niya pa.

Natahimik ako saglit at natulala. Yeah, true, lalaki nga ang adviser namin. And it feels so weird. Tuwing nakikita ko kasi si Sir Abrientos ay iba ang nararamdaman ko, pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

"Oo eh, kilala mo?" tanong ko.

Natigilan siya sa tanong ko ngunit agad namang nakabawi. Umiling siya ng marahan sa akin sabay iwas ng tingin.

--------
Author's Note:
✎. Hi! Thank you for reading mga lalovesss!! Don't forget to VOTE po and leave a comment hehe, lovelots!!

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now