Elaine's Point Of ViewKinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi naman halatang excited ako 'no?
Narinig ko na nagri-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag, nakita kong nagre-request ng video call sina Marian sa gc kaya walang pag-aatubili ko iyong sinagot.
Wala na si mama paggising ko, nasa baba na 'ata. Masyadong maaga pa naman para sa pamamasyal kaya mamaya na 'ko kikilos, kapag mga 5 minutes nalang bago pumunta gano'n.
HAHA. CHARR!
Nang sagutin ko ang tawag ay mukha agad ni Marian at Chealsy ang bumungad sa 'kin. Siguro tulog pa si Melisa.
“Good morning!” Sabay pa nilang sabi.
“Morning” tamad kong sagot.
“Ang lamig mo naman” komento naman ni Chealsy.
“Kaya nga, akala mo 'ata nakalimutan ko na 'yong ginawa mo 'no? Akala mo ah” dagdag pa ni Marian. Inalala ko naman saglit kung may nagawa ba 'ko — at wait… right!
Tumawa ako, “'yong kay Jeffirie ba?”
“Tanginamo” sagot niya.
“I love you too” sagot ko rin habang tumatawa.
Napansin ko naman ang pananahimik ni Chealsy.
“Ghorl tahimik ka 'ata” sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
Umiling naman siya ng isang beses bago ako tingnan ulit. Luh, problema nito?
“Ele…” napataas naman ang kilay ko, naghihintay ng sasabihin niya. “'Di ba gusto mo si Sir?” Tanong niya na ikinabigla ko.
“Ha? Ah… eh… ih… chappy ka ghorl ano ulit 'yon?” Maang na tanong ko pero nanatali lang ang seryoso nitong mukha. Pati nga si Marian ay natahimik eh.
“Seryoso ako.”
Sabi ko nga.
Inayos ko muna ang buhok ko bago sumagot, “oo slight… bakit?”
“Pa'no kapag nalaman mong may girlfriend na siya, anong gagawin mo?” Sabat naman ni Marian kaya napabaling ako sa kaniya.
Pinagsasabi ba nito?
“Ewan ko, magiging… masaya?” Hindi siguradong sagot ko, nagpilit pa ako sa kanila ng ngiti pero nauwi rin sa ngiwi. Ang aga-aga naman kasi nilang manakit, ano ba 'yan!
“Hmm I see” sabi ni Chealsy na ipinagtaka ko.
“Ano bang problema?” Tanong ko nang hindi na makapag-timpi.
Biglang natahimik ang dalawa.
“Ano ng—”
“Wala” putol sa akin ni Marian pero hindi ko na iyon pinansin.
“Anong problema?” Pagu-ulit ko.
“Wala Ele okay?” Kalmadong sagot naman ni Chealsy.
Akmang sasagot pa sana ako nang marinig kong may kumakatok sa pinto.
“Sino 'yan?” Tanong ko, bahagyang inilayo ko muna ang phone.
“Ate Joy magbihis ka na raw” sabi ng pinsan kong lalaki na sa tansya ko ay nasa pitong taong gulang pa lang.
“Okay, salamat” sagot ko at tumayo na sa kama para mag-ayos.
“Uy sino 'yon? Bakit Joy?” Sunod-sunod na tanong ni Marian.

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...