Chapter 29

647 12 0
                                    


Elaine's Point Of View

Kasalukuyan kaming nasa byahe. At dahil yayamanin si tito ay naka-van kami ngayon, may sarii kasi silang Van. Siguro nga ay dito na lang din kami sasabay pauwi ng Maynila, taga-ro'n din kasi sila pero mas unahan pa ng tinitirahan namin ang kanilang bahay.

Katabi ko ngayon si Naithan ayon na rin sa kagustuhan niya. Wala naman iyon kina mama at kuya dahil sanay na sila sa amin, nasa bandang likuran kami ng Van dahil matutulog sana ako buong byahe ang kaso nga lang ay nakahilig sa akin ang katabi ko. Wala naman sana 'yon sa 'kin kasi hindi naman siya mabigat, ang kaso ay 'yong pesteng puso ko ang problema.

Natatakot kasi ako na baka marinig niya ang malakas na pagkabog ngayon ng puso ko. Although tulog siya pero hindi pa rin ako mapakali, hindi ko na nga maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Para bang kinikilig ako na kinakabahan na ewan. Siguro natatae lang ako, hindi kasi ko nakapagbawas kanina bago umalis.

Hindi naman kalayuan ang resort na pinuntahan namin sa bahay nila lola. Actually 3 hours lang ang byahe mula roon pauwi.

"Ayos ka lang ba?" nagulat ako dahil biglang umayos ng upo si Naithan, pupungas-pungas pa ang kaniyang mga mata tanda na natulog nga talaga siya. Medyo malapit na kami kaya gustuhin ko mang matulog ay hindi ko na gagawin kasi paniguradong mabibitin lamang ako.

Humarap ako sa kaniya at ngumiti, "oo naman" sagot ko. "Bakit?"

Kinuha niya ang ulo ko at ipinatong sa kaniyang balikat. "Wala, idlip ka muna. Gigisingin na lang kita." Aniya na nagdala ng kakaibang pakiramdam sa aking tiyan. Mukhang natatae nga talaga ako. Para kasing may kung anong gumagalaw ngayon sa tiyan ko, malilikot sila at hindi mapakali.

Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing nagdidikit ang aming balat ay nakararamdam ako ng kuryente. Katulad na lamang ngayon, pakiramdam ko ay napapaso ako dahil sa magkadikit naming mga braso.

"Ssshhh, sleep" ani Naithan na para bang alam niya na gising na gising pa rin ang isip at diwa ko. Inakbayan niya ako at ipinatong ang kaniyang ulo sa aking ulo.

Hindi madaling mag-adjust. Sa totoo lang ay hindi ako komportable sa posisyon namin ngayon pero makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na 'ko ng antok. Unti-unti na rin akong nagiging komportable sa presensiya ng lalaking katabi ko.

Hindi ko namalayan ang oras. Nagising na lamang ako dahil sa marahang pagyugyog ng kung sino man sa aking balikat. "Ah, ano ba mamaya na" nakapikit kong saad.

Muli ay niyugyog ulit ako nito, "mamaya na nga!" inis kong sigaw.

"Isa pa Joy, hahalikan kita" sabi ni Naithan sa tabi ko.

Hahalikan? tsk! Para namang hindi niya pa 'yon ginawa dati ah.

"Edi halikan mo! Wala akong pake" nakapikit ko pa ring ungol habang siya ay marahan pa rin akong niyuyugyog.

'Panaginip pa ba 'to?' Nasa isip-isip ko.

Ngunit agad na nasagot ang katanungan ko nang biglang may malambot na labi ang dumampi sa akin. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagkabigla. I thought it was all a dream!

"Naithan!" Sigaw ko.

"Why? You gave me permission to kiss you" naka-smirk niyang sagot. Prente siyang naka-upo sa katabi Kong upuan. Ngayon ko lang din na-realized na nasa Van pa pala kami, Hindi nga talaga ako nanaginip.

"A-akala ko panaginip l-lang!" Depensa ko sa aking sarili. Totoo naman! Akala ko talaga ay nanaginip ako.

"Bumaba ka na, we're here" pag-iiba niya sa usapan.

Sumilip ako sa labas at napatunayang tama nga siya. Nakita kong naghahabulan sa harap ng bahay nila lola ang mga maliliit kong pinsan. Si Hazel naman ay hindi ko mahagilap kung saan at lalo na sila mama. Siguro ay busy ang mga ito sa paghahanda para mamaya.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now