Chapter 37

658 11 0
                                    


Elaine's Point Of View.

"Malayo pa ba?"

"Malapit na."

"Kanina mo pa ako inu-uto sa 'malapit' na 'yan eh. Baka nililigaw mo 'ko ah, sabihin mo na agad ngayon para makatawag na 'ko ng pulis."

"Do I look like a kidnapper Ele?"

"Hindi, mas mukha kang drug lord Josh."

"Tss."

Napahalakhak ako dahil sa naging tugon niya. Kasalukuyan kaming bumabyahe papuntang condo unit niya na siya rin ang nagmamay-ari, I mean he owns the whole building. Apaka-rich kid. Oh sorry, hindi na pala siya bata. He's a man now.

Actually hindi alam ni Marian na umalis ako ngayon. Paano kasi eh paggising ko ay wala na ang bruha. She just sent me a text message na umalis na muna raw siya kasi kikitain niya ang ipinunta niya rito sa Laguna.

"Malapit na tayo, isang liko na lang. Handa ka na ba?" Josh asked me without turning his gaze on my direction.

Nagtaka naman ako. "Okay? At bakit ko naman kailangang maghanda?" I fired back.

He just chuckled and winked at me.

Maya-maya pa ay nag-park na siya ng sasakyan. Matapos niyang maipark ito ay sabay kaming lumabas at tumungo sa loob ng building.

"Sa 'yo rin 'to 'no?"

"Yup!"

"Ang yaman mo na pala."

"Nagsisisi ka?"

"Huh?"

"Nothing, I'm just kidding Ele. You're so serious." Halakhak na tugon niya.

Bumuntong-hininga ako. "Kinakabahan ako for no reason."

"Baka natatae ka lang, may C.R. kami."

"Joshua!"

"What?" Maang na tanong niya habang natatawa. "I'm just helping you my dear friend."

"Ghad! You're acting like a child. You're a grown-up man now Josh, act like one" pikon na ani ko at tinarayan siya.

Humagalpak naman ng tawa ang lalaki. Ang saya-saya naman niya, sana lahat ba.

"Okay okay, sorry hmm? Let's go upstairs."

Tahimik akong sumunod sa kaniya sa taas. Mabuti na lang at hindi na siya nang-asar pa kasi hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. 'Wag naman sana akong lagnatin kasi mahirap na at maraming maka-cancel na meeting kung sakali.

Pagkarating namin sa condo unit niya ay nag-door bell siya. That made me think again, bakit kailangan niya pang mag-door bell kung may own key naman siya or card para mabuksan ang room? Jusko hindi talaga ako nasisiyahan sa nangyayari or maybe, it much better to say na 'sa mangyayari'.

Matagal bago bumukas ang pinto. Pero laking gulat ko na lang nang hindi babae ang tumambad sa amin. It was a guy. A very familiar guy.

Ang buong akala ko ay ang asawa ni Joshua ang magbubukas ng pintuan para sa amin. But… what the hell is he doing here?!

"Naithan?" Gulat na gulat na bulong ko.

He smiled at me. Pero hindi puro ang ngiti niya, ni hindi nga umabot hanggang mata niya eh. "Hi Joy, long time no see."

"A-anong ginagawa mo r—"

"Daddy!"

Naputol ang sasabihin ko sana nang biglang may sumigaw na batang babae galing sa loob ng condo. Masama ang kutob ko rito. Feeling ko ay masasaktan na naman ako. One wrong move Naithan, just one wrong move… paniguradong mawawasak na naman ako.

Hindi ko na mabilang kung ilang santo at santa na ba ang tinawag ko para lang hilingin na sana ay huwag siyang lilingon sa bata na tumawag na 'daddy'. A very cute little girl based on its voice. Pero halos manghina ang tuhod ko nang bigla siyang lumingon sa likod. Is that his… his child? Wow. May anak na pala siya. Good for him.

Sayang hindi na niya ako nahintay. Kami 'yong nangarap na magkaanak na babae pero sa iba naman niya tinupad. Pwede bang panaginip na lang 'to? Pwede bang magka-amnesia na lang ako after nito? Nakakasawa na kasing masaktan eh, pagod na pagod na 'kong masaktan.

Bago pa man magsibagsakan ang mga luha ko ay tumalikod na 'ko sa kanila nang walang pasabi. Wala akong pakialam kung nabastusan sila sa naging asal ko kasi kung sakaling magtatagal pa ako roon ay paniguradong madudurog lang ako ng puro.

Ayokong makita niya akong umiiyak ulit sa harapan niya. I'm not the same Elaine Joy before, hindi na ako ang mahinang babae na palagi niyang nakikitang umiiyak noon. Ayokong makita niya akong durog-durog pa rin dahil malalaman lang niya na hindi pa ako nakakapag-moved on, na hindi pa ako okay at ayokong malaman niya lalo na umaasa pa rin ako sa kaniya na babalik siya sa akin kapag okay na at puwede na.

Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong mali noon para durugin ako ng ganito ngayon. Do I really crossed the line? Wala na ba talaga akong karapatang sumaya? Tangina naman kasi ni Josh eh, akala ko asawa niya ang kikitain eh hindi naman pala! Ang tanga lang.

Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako palabas ng building. Patuloy na rin ang pag-agos ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sakit. Umasa ako eh. Umasa ako sa sinabi niya na kung puwede na, sana puwede pa tayong dalawa, pero wala eh. Mukhang hindi na niya ako nahintay. Ang bilis naman niyang sumuko. Paano naman ako.

"Joy!"

Bigla akong napahinto nang marahas niya akong hilahin dahilan para mapasubsub ako sa matigas niyang dibdib.

"Ano ba?!" Sigaw ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Magpapakamatay ka ba?!" Galit na sigaw niya sa akin. I can see in his eyes how mad he is to me right now. Ngayon ko lang din napagtanto na nasa gitna kami ng kalsada.

"I-I'm sorry…" napahagulhol ako at tumakbo ulit pagilid. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin pero wala na akong lakas pa para lingunin siya. I sat in the bench beside the mango tree and cried.

"Bakit ka ba umalis kanina?" Tanong niya. Seriously? Is he asking me that kind of bullshit question right now? Ngayong nasasaktan ako ganito? Ngayong nadudurog na naman ako nang dahil sa kaniya?

"Ayokong magmukhang tanga." I stifle my sobs.

"At bakit ka naman magmumukhang tanga Joy?"

"Please Naithan!" Galit akong tumingin sa kaniya na siyang ikinagulat niya. "Stop playing games with me! With my emotion! Oo na! Mahal pa kita! Kaya nga ako nasasaktan ng ganito 'di ba? Ang tanga ko ba?! Oo, alam ko naman na napakatanga ko."

"W-What are saying Joy?"

"Putangina, anong sinasabi ko?! Ang sinasabi ko lang naman ay tumigil ka na! Bat mo pa ba kasi ako sinundan? Ha?! Para ipamukha sa akin na ang tanga tanga ko? Oo na! Ako na si tanga na umasa sa wala! Okay na ba?!" I shouted with so much anger. Wala akong pakialam sa mga taong napapahinto sa harap namin para maki-usyoso. Eh tangina pala nila eh. "Umalis ka na lang please? Bumalik ka na sa loob…" I cried. "… b-baka hinihintay ka na ng anak mo."

"What?" He confusedly asked.

I chuckled. "Maang-maangan? Nice acting Naithan. Pero tama na ha? Ang sakit na eh. Congrats pala sa i-inyo ng asawa m-mo. N-Natupad na ang p-pangarap mo, m-may anak ka n-ng babae." I wiped the tears on my cheeks and run to the nearest cab. I don't want to hurt myself anymore. Mas lalo lang akong nadudurog kapag nakikita ko siya. I felt betrayed na dapat ay hindi ko naman talaga maramdaman.

He has the right to get married so why I am hurting like this? Bakit ang sakit-sakit pa rin? Hindi naman masamang magkapamilya 'di ba? It is his own decision at hindi niya rin kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Ako naman ang nang-iwan eh so I think I deserve this kind of pain. Pero bakit sobra naman yata?

————————
Author's Note:
      ✎. Hi! Thank you for reading mga lalovesss!! Don't forget to VOTE po and leave a comment hehe, lovelots!!

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now