Elaine's Point Of View.Dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko. Araw ngayon ng lunes kung saan ang araw din ng final defense namin. Maraming estudyante ang naririto, wari ko ay manonood sila.
Nasa loob na rin ng room ang limang panelists at ang head principal ng school. Ang grupo nila Marian ang nakasalang ngayon, sila kasi ang unang grupo.
Hindi ko ikakaila na grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Nanginginig din ang tuhod ko at nanlalamig ang aking mga kamay. Hindi naman ito ang first time ko pero it's always felt like it was my first time. Nothing's change. Mahina talaga ako sa mga ganito.
Nakita kong ginigisa ang grupo nila Marian. Si Shane, ang leader nila ay todo defend naman. I admire her for being brave and confident. Hindi mo man lang makikitaan ng takot at nerbyos sa mga mata niya, hindi rin sya nauutal. Hindi kagaya ko na halos mahimatay na kapag nasa unahan habang nagsasalita.
Facing the crowd is my biggest fear. Ayoko ng attention, takot akong ma-judge, at hindi ko kayang magsalita sa unahan nang hindi man lang nauutal.
Since kami ang group 2 ay kami ang susunod sa kanila. Mas lumala nga lang ang kaba ko dahil sa napansing ekspresyon ng leader namin — which is Joshua.
"A-anong nangyari?" Hindi mapakaling tanong ko.
"Hindi ma-open yung file sa laptop" sagot ng isang ka-grupo ko.
Bumaling ako kay Josh. "Pa'no na?"
"I don't know" nanghihinang sagot niya. Parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha ngayon ni Josh.
Mas lalo akong kinabahan. "Anong puwedeng gawin?"
"We need another laptop, Ele."
"Gagamit tayo ng projector, right?" Tanong ni Hazel Ann, isa rin siya sa maaasahan sa grupo namin. Obvious naman na gagamit ng projector tuwing may defense ah. Dala ba yan ng sobrang kaba Hazel?
Tipid na tumango si Josh. "Yeah. Mas mapapadali ang explanation if we use projector."
"Wait, matagal pa naman sila ano?" Pagsingit ko sa usapan ng dalawa.
I got an idea!
"Yeah, ginigisa pa naman sila." He chuclkled. "Saan ka pupunta?"
"May tatawagan lang ako Josh, saglit." Sagot ko sa kanila, wala naman na silang nasabi kaya nagpatuloy na ako.
Nagpaalam ako at umalis na. Pumunta ako sa room namin habang idina-dial ang number ni Naithan. Nabuhayan ako ng loob nang mag-ring ito.
"Hello Joy? What's up. Kumain ka n—"
"Pahiram ako laptop" ani ko habang naglalakad. Sorry Naithan, nagmamadali ako eh.
"Why? 'Di ba defense niyo ngayon? Why aren't you there?" Takang tanong niya. I can hear some noises on his background.
"Oo kami na ang sunod na sasalang, nagka-problema sa laptop ni Josh and we need another laptop. Available naman ang laptop mo 'di ba?"
Halata sa boses ko ang kaba. Ayokong mapahiya kami, final defense pa naman at nandoon pa si Sir Principal. Ang laking kahihiyan nito kung sakali.

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...