Elaines's Point Of ViewNapatalon ako dahil sa gulat nang marinig ang pagkabasag ng tasa.
'Yong kape ko!
“Ma naman” biglang sabi ni Kuya na ngayon ay naka-upo na rin sa harap namin.
“Enzo, naki-usap ang lola mo at alam mo naman 'di ba? Na kapag naki-usap 'yon… hindi ko kayang tumanggi.”
Nagpapabalik-balik lang ang mga mata ko kina Kuya at mama, hindi ko maintindihan pero ramdam ko ang tensiyon sa pagitan nila. Alam ko naman kung bakit ganito ang inaakto nila, naiintindihan ko rin si kuya kung ayaw niyang pumunta sa probinsiya. Kahit naman ako ay may parte sa aking ayaw nang bumalik doon. Pero alam ko ring miss na ni mama sina lola, ewan ko! Hindi ko na alam, bahala na silang mag-desisyon tungkol sa bagay na 'yan.
“Akyat lang po ako” sabi ko sa gitna ng mahabang katahimikan, lumingon silang dalawa sa akin at marahang tumango si mama.
Feel ko kasi need nila ng space kaya ako na ang kusang umalis.
Nakakahiya naman sa kanila.
✎ᝰ. ‧₊˚ ☁️⋅♡𓂃 ࣪ ִֶָ☾。
“Good morning class” sir Abrientos greeted us as he walked in front. Tumayo rin kami para mag-good morning too at pagtakatapos ay pina-upo niya na kami.
Nang dumapo ang aking mga mata sa unahan ay agad na nagtama ang mga mata namin pero ako rin ang unang umiwas ng tingin, naalala ko na naman kasi ang napag-usapan namin noong nakaraang araw. Hindi na 'ata 'yon maaalis sa sistema ko kahit kailan.
Buong klase ay lutang lamang ang utak ko, naririnig ko naman na nagle-lesson si Sir pero wala akong maintindihan kahit isa. Naalala ko kasi ang reaksiyon ni Kuya tungkol doon sa pagpunta namin sa probinsiya, naiintindihan ko naman kung hindi kami matutuloy ngayong pasko pero nakakalungkot lang kasi siguradong inaasahan kami roon nila lola.
Paniguradong tututol si Kuya, kaya malabong matuloy.
Pero naaawa rin naman ako kay Kuya, alam kong sa aming tatlo ay siya ang labis na naapektuhan sa insidenteng naganap doon ilang taon na ang nakalilipas. Si kuya na ang tumayong ama sa 'kin kaya nga wala pang asawa ang mokong na 'yon eh, tatandang binata na 'ata siya.
Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang mga classmate ko na nagsabing ‘goodbye sir.’ Agad akong tumingin sa paligid at napansin kong tapos na pala ang oras ni Sir, nakita ko itong bumalik na sa likod kung saan nakalagay ang table niya. Napansin niya rin siguro na may nakatitig sa kaniya dahil maya-maya lang ay halos mahulog ako sa upuan nang magtama na naman ang paningin namin. Pero sa mga oras na ito ay walang nagpapatalo, pareho kaming titig na titig lang sa isa't isa na para bang walang tao sa paligid namin. Naputol lang ang titigang iyon nang dumating na si ma'am Zaragosa, ang second subject teacher namin.
Katulad kanina ay nag-lesson lang din ito, buong klase ay nakalutang na naman ang utak ko. Hanggang sa matapos ito at pumasok ang huling subject teacher namin, nag-discuss lang ito saglit tapos maya-maya lang ay napansin kong nagsisilabasan na ang mga kaklase ko. Napansin ko ring tahimik ang dalawang babaknit sa side ko, hindi nila ako ginulo mula kaninang umaga. May part sa 'king nagustuhan iyon dahil nakapag-muni-muni ako pero may part pa rin sa aking nag-aalala dahil bibihira silang ganito. Minsan pa'y ang dahilan kung bakit ang tahimik nila ay may sasabihin sila o galit sila sa akin.
But I would pick the first choice, wala akong maisip na dahilan kung bakit sila magagalit sa 'kin, eh.
“Ako na” nagulat ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Josh sa harap ko, kinuha niya ang bag ko at isinukbit iyong sa kabilang balikat niya. Tinitigan ko ang dalawang kaibigan at tinaasan ng kilay. Napaatras naman ang dalawa dahil sa inakto ko.

YOU ARE READING
Our Forbidden Love | ✔
RomanceThis is an UNEDITED copy of OFL. Status: COMPLETED Date started: JULY 31, 2023 Date finished: DECEMBER 06, 2023 A novel written by ❝ ashixxlu ❞ Elaine Joy Alcantara didn't intend that his childhood best friend, Naithan Gabrielle Abrientos, would c...