Chapter 32

642 11 0
                                    


Elaine's Point Of View.

"I'm sorry" nakayukong bulong ko.

"For what?" Malamig na sagot niya kaya lalo akong napahikbi. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko sinasadyang kalimutan.

"S-Sorryy na…"

"Para saan? I don't know what your talking about Joy."

Umiling ako. "No! Alam kong galit ka sa akin Naithan. P-patawad."

Tumango siya ngunit hindi pa rin makatingin sa akin ng diretso. "It's okay, I understand."

"Bakit ang lamig mo?"

"No I'm not."

"Yes you are, Naithan. Sorry na ng —"

"Kuha lang ako ng pagkain." Sabi niya at umalis.

Napahikbi ako. Kanina pa ako humihingi ng tawad sa kaniya pero pilit niyang iniiwas ang usapan. Alam ko naman, at naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya. Pero bakit parang sobra naman 'ata?

Bumalik siya na may dala-dalang tray ng pagkain. He sat near me but he's still quiet.

Hindi ako sanay sa tahimik na Naithan especially kapag kami lang na dalawa ang magkasama. I love the clingy side of him.

"Eat now." He coldly said.

We're here at his condo unit. Dinala niya ako rito pagkatapos naming ihatid sa clinic si Melisa.

By the way, she's already safe. Nagpapahinga siya no'ng umalis kami, Naithan already told her parents so we don't have to worry about.

"Ayoko, mag-usap tayo " inusog ko palayo sa akin ang tray na may lamang piece of cake and orange juice.

Nangunot ang kaniyang noo. "Kumain ka and after that, we'll talk."

Tila ginanahan bigla ako dahil sa narinig. Mabils kong nilantakan ang strawberry cake na dala niya at ininom ang juice.

Umalis siya saglit habang kumakain ako. Wari ko'y pumunta siya sa veranda ng condo.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng kuwarto. Hinugasan ko ang platito at tinidor na aking ginamit bago sinundan si Naithan.

I saw him standing at the veranda while looking  in the clear sky. I back hug him and burried my face into his back.

"Sorry na" I whispered. "Bati na na tayo."

"I'm not angry Joy. Sorry for making you feel that. May… may iniisip lang ako."

"Are you sure? You're not angry with me?" I asked in a low voice.

He slighty nod his head and lean towards the wall. He faced me and gave me a forehead kiss.

"Yes, sorry hmm?"

"O-okay lang, kasalanan ko naman."

"Hey! Don't blame yourself. May iniisip lang talaga ako okay? I'm not in the mood earlier and I'm sorry for that."

Matipid na ngiti ang isinukli ko kay Naithan. "Bati na tayo?"

"Yeah." Sagot niya at ginulo ang buhok ko.

Alas-sinko y media ng hapon nang magpaalam ako sa kaniya. Hindi niya ako maihahatid ngayon pauwi dahil may importante raw siyang pupuntahan. Marahil ay iyon ang iniisip niya kanina pa.

"Oh anak, nandiyan ka na pala" bungad na bati sa akin ni mama.

Ngumiti ako, halata ang pagod sa aking ekspresyon. "Galing po ako sa condo ni Naithan" pag-amin ko.

Our Forbidden Love | ✔Where stories live. Discover now