Chapter 7: Pain of Death

35 1 0
                                    

Chapter 7: Pain Of Death

"Somethimes, Cats are protecting each other but somethimes, they kill each other one by one."
-James Wan

--------------------------------------------------------x

DWEN'S POV

Dahan dahan kong minulat ang aking mata, wala akong makita kundi itim, napakadilim ng lugar nato, kung nasaan man ako, sigurado akong madilim ang lugar nato.

Nang maalimpungatan na ako, naramdaman kong nakagapos ako, nakagapos sa isang maduming lubid, pati ang aking paa at kamay ay may gapos, nang tuluyan nakong makagising, naramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo, agad ko tong kinapa, may dugo, bakit ako may dugo? Dumudugo ang ulo ko.

Wala akong ibang naisip kundi humingi ng tulong kaya dali dali akong sumigaw hangga't makakaya ko, habang malakas akong sumisigaw, naramdaman kong may papalapit sakin, nilibot ko ang aking mga mata, madilim parin ang aking nakikita, ramdam ko parin ang kanyang paglakad, tao ba ito o isang hayop, ahas o ano? Maraming nabubuong tanong saking isipan ng mga oras nayon pero pinili kong magpakatatag.

Nagulat ako ng biglang umilaw ang bumbilya saking uluhan, agad akong nasilawan, dahan dahan kong minulat muli ang aking mga mata, nang maimulat ko na ito, nakita ko ang isang taong may maskarang pusa, may hawak itong palakol at kulsilyo, labis akong kinabahan saking nakita, pinilit kong makawala pero di ko kinaya ang mga lubid na nakatali saking paa, kamay at katawan.

Habang papalapit ito, nasisinag kona ang baril sa kanyang bulsa, nang makalapit na ito ay agad akong nagmakaawa.

"Tu-tulong, pakawalan moko! Parang awa monaaaa!" Pagmamakaawa ko sa kanya, agad naman siyang napatawa ng mahina.

"Bakit kita tutulungan, aber, magbigay ka ng magandang dahilan." Mapangahas nyang wika, agad kong nakilala ang kanyang tinig, hindi maaari, siya ang pumapatay?

"Kilala kita." Wika ko, agad naman siyang napalapit saking mukha.

"Kilala mo na ba talaga ako?" Mapangahas nyang wika, biglang bumilis ang tibok ng aking puso saking narinig.

"Wala pang nakakakilala sa tunay na ako!" Wala pa!" Sigaw nya, sinundan naman ito ng isang mahinang halakhak, nahihibang nasya.

Nagulat ako ng marinig ko ang lakad ng isa pang tao, nasa likoran ko sya.

"Ba't di kapa nagsisimula? ha? Pahirapan mo nayan! Tanggalan ng ng mata o tenga, wag tayong magsayang ng oras." Mapangahas na wika ng taong nasa likod ko.

Nakita kong inabot ng taong nasa likod ko ang isang tinidor, bigla akong napaluha.

"A-anong gagawin n-nyo?" Utal utal kong wika, agad namang hinawakan ng taong nasa likod ko ang aking ulo, ng biglang lumapit saking mukha ang taong may maskarang pusa.

"I like your brown eyes, Dwen! pwede bang sakin nalang yan?" Mapangahas na wika ng taong may maskarang pusa, agad naman akong napaluha ulit.

"Maawa kayo sakin, please maawa kayo!" Iyak kong wika, di naman sila nagpatinag at tinuloy ang masamang balak, agad tinutok ng nakamaskarang pusa ang tinidor saking mata.

"Noooooooooooo! Maawa kayo please!" Pagmamakaawa ko, nagsilbi silang bingi saking sinambit.

Natigilan sila ng may marinig silang ingay, nagmumula ito sakin bulsa, agad sumagi saking isip ang cellphone ko, sigurado akong si Karlos yan, ang kasintahan ko.

"Kunin mo yung tumutunog, bilisan mo!" Sigaw ng taong nasa likod ko sa taong nakamaskara ng pusa, agad naman itong sumunod.

Agad kinuha ng nakamaskara ng pusa ang tumutunog kong cellphone, agad nilang tiningnan kung ano ang pinagmumulan ng ingay ng telepono.

"Oh Dwen! Tumatawag yung bobo mong boyfriend, gusto mo ba syang papuntahin dito?" Wika ng taong nakamaskara ng pusa, agad naman naipon ang aking inis at bumwelo para makakuha ng sapat na lakas para makawala sa nakakadiring lubid nato, pero di parin ito kinaya.

Narinig kong umalis ang taong nasa likod ko sa pamamagitan ng paglakad nya, tiyak ko na nakatakong sya kaya sa bawat hakbang nya, gumagawa ito ng ingay.

Agad naman itong bumalik at sa pagkakataong iyon, pumunta na sya saking harapan dala dala ang ginagamit sa mga ihawan.
Nakita ko ang kanyang pangangatawan, naka maikling short sya na nakahills, nakahood ng itim at may kulay itim ding mask sa mukha, agad kong tiningnan siya simula sa paa hanggang ulo, napakaputi ng legs nya at saktong sakto lang sa kanyang pangangatawan, tumingin ako sa kanyang mukha, mata lang ang makikita dito dahil ang buong mukha nya ay nakabalot ng itim, di ko mamukaan ang kanyang mata dahil napakahaba ng pilik mata nito ay masingkit singkit ang mata.

"Ito na yung susugbahan natin sa mga lamang loob at parte ng katawan ng babaitang yan." Wika ng taong nasa likod ko kanina.
"Hmmm magsisimula nakong magpaapoy, this night is gonna be fun!" sigaw ng taong nakamaskara ng pusa, agad naman siyang kumilos para makapaapoy na.

Agad akong kinabahan saking mga narinig,mga wala silang puso, mga baliw, kailangan kong makatakas dito, ayoko pa mamatay.

"Dwen! Tingin ko sasaya tong gabi natin kung papupuntahin natin yung uto utong bobong boyfriend nitong si Dwen." Wika ng nakamaskara ng pusa habang nagpapaapoy, biglang naghalo ang aking emosyon, galit na kinakabahan, gusto ko silang patayin! Gustong gusto ko!

"Natext ko na." Wika ng nakamaskara ng pusa, agad akong nagwala, sumigaw ako ng tulong hanggat sa makakaya ko, sigaw ako ng sigaw ng mapagtanto ko na ume-echo lang ang aking boses, nasa isa kaming kwarto!

Nagulat ako ng biglang may tumama saking ulo, agad ko itong nilingon, ang taong nakamaskara ng pusa! nakita kong may hawak hawak syang dos por dos, napagtanto ko na hinampas nya ko ng dos por dos saking ulo, unti unti akong nahilo at lumabo ang aking paningin, hanggang sa bigla nalang ako napapikit at nawalan ng malay.

KARLOS POV

Habang naglalaro ako ng ML, biglang may nag notification saking cellphone kaya agad itong tumunog, agad ko itong tiningnan, nakita ko ang isang text message, si Dwen!
Agad ko itong binasa, alalang alala nako sa kanya, nasan na kaya sya at si Gaby? Kaya agad ko itong binasa.

"Karlos! Tulungan moko! Andito ako sa Abandoned Building, bilisan mo! Tulungan moko karlos!" Basa ko saking isipan, agad akong nagmadaling magbihis, wala nakong tinumpik na oras at agad akong lumabas saking dorm, agad kong tiningnan ang aking relo, masyado nang malalim ang gabi, mag eeleven o'clock na, kaya dali dali akong tumakbo papunta sa abandoned building, alam kong napakalayo pa ng Abandoned Building saking dorm,
Hindi ko sinayang ang bawat oras na tumatakbo, binilisan ko pa ang pagtakbo, hanggang sa natanaw ko na ang abandoned building, binilisan ko pa ang pagtakbo, di ko napansin na may bakod pala ito kaya hindi nako nakapreno, sumalapok ako sa bired wire na bakod, lubhang nasugatan ang aking kanan na paa, pero pinilit ko paring bumangon, di ko napansin ang nakatusok na dulo ng bired wire sa palad ng aking paa, nang nakatayo nako, bilang bumaon pailalim ang dulo ng bired wire sa palad ng paa ko, agad akong natumba, hindi ko ito mahawakan dahil sa hapti, sinubukan ko parin tanggalin ang nakabaong bired wire sa paa ko, ng bigla akong nakakita ng aninong papalapit sakin, may tao dito, agad akong lumingon para humingi ng tulong, sumigaw ako ng malakas, ng naramdaman ko itong tumakbo, natanaw ko ang taong nakamaskara ng isang pusa na may dalang palakol, agad akong umatras sa takot, pinilit kong tumayo, pero di kinayanan ng aking katawan, ng makita ko na syang papalapit ay agad akong sumigaw, agad niya tinutok sakin ang palakol, at walang pagaalinlangan pinalakol ang aking duguang tuhod, agad akong napasigaw ng malakas, pinalakol nya rin ang kaliwa kong kamay, agad umawas ang malapot kong dugo.
Agad niyang binitawan ang kanyang palakol at hinawakan ako, agad niya akong tinayo at itinulak sa bired wire, agad natusok ng bired wire ang aking leeg, agad lumabas ang malapot kong dugo, naramdaman kong itinatali sakin ng taong nakamaskara ang bired wire saking leeg, agad naman lumabas ang napakarami kong dugo ng idiniin nya ang bired wire saking leeg, nakaramdam ako ng pagkahina at dumilim na  ang aking paningin.

SECOND PERSON'S POV

Nang mapatay ko na ang bobitong boyfriend ni Dwen ay agad akong bumalik sa pinaglalaruan naming si Dwen, sulitin na nya ang mga huling oras nya dahil mamaya ay mapapagtong na ang buong katawan lamang loob nya, HAHAHA!

-------------------------------------------------------x

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now