Chapter 42: Who is Gwen?

20 1 0
                                    

Chapter 42: Who is Gwen?

"Everyone have a secret, but yours is very scary!"
-Tristan, The Cortha Book.

------------------------------------------------------x

TRIXIE'S POV

"Sasali kaba sa Prom?" narinig kong usapan ng mga kaklase ko, oo nga't malapit na ang February at mag P-prom na.

Sa mga nangyari ay di ko alam kung matutuloy pa ito ngunit ang mga estudyante sa seksyon na ito ay hindi mga normal, na para bang normal nalang ang pagpatay sa kanila.

Naputol ang kwentuhan nila ng pumunta sa harap si Laura, ang President saming seksyon, nakiusap siyang tumahimik ang lahat at makinig sa kanyang sasabihin.

"Sino ang may suggestion para sa theme ng ating Prom?" tanong ni Laura sa klase, nagbigay naman ng Sari sariling opiniyon ang aking mga kaklase.

Natuon ang aking atensyon sa lalaking ito, nang ibigay niya ang kanyang opinyon.

GWEN'S POV

Habang nagbibigay ng opinyon ang aking mga kaklase sa theme ng aming Prom ay naisipan ko ring magbigay ng suggestion.

Hinanda kong palalimin ang aking boses upang magmukha akong tunay na lalaki, agad akong tumaas ng kamay.

"Pink wig kaya?" suggestion ko, agad naman napatingin ang buong klase saking sinambit.

"May nakita kasi ako na maganda ang Pink ipares sa kadiliman, at magiging highlight tayo if gagawin natin yung strategy nayun." pagpapaliwanag ko.

Namangha naman ang aking mga kaklase ngunit di sumang ayon ang ibang kapwa ko lalaki.

"Pink? pre bakla kaba hahaha." patawang tawa ni Billy, tumawa naman ang barkada niyang sila Hans at girlfriend na si Eljean.

"May gender naba yung mga colors ngayon? why di ako na inform." pilosopong tanggol sakin ni Ayah, di sila nakasabat dahil takot silang kalabanin ang Mala Einstein na talino ni Ayah.

"Billy, Hans and Eljean, Di na kayo makakaabot sa prom, I will destroy y'all in my own hands haha." bulong ko saking sarili.

Napatingin naman sakin si ang seatmate ko na si Ayah at bumulong.

"bakit naman kasi pink?hahaha" bulong nito saken.

"para mabilis nating makita ang mga papatayin natin sa prom, maging highlight sila hahaha." pabalik kong bulong kay Ayah, napangiti ito na parang sang ayon saking plano.

"That's great, I like it." sang ayon ni Taylor Maxinne.

"So agree ba ang lahat sa suggestion na Pink wig?" tanong ni Laura, napasang ayon naman ang lahat, palihim akong napatawa, wala silang kaalam alam na magiging last prom na nila iyon hahaha.

"Uhm President Laura, if wala pang Location pwedeng pwede sa resort namin, breathtaking ang view don at sure na sure akong magugustuhan nyo iyon." suggestion ni Ayah, agad namang napa-sang ayon si Laura sa kanyang sinambit.

"Guys, okay ba kayo sa suggestion ni Ayah tungkol sa location?" tanong ni President Laura.

'"I came there before and totoo ang lahat ng sinabi ni Ayah, 10/10 ang foods and matutulugan." rating ni Ysabelle sa resort nila Ayah.

Napapayag naman ang lahat ng marinig ang rating ni Ysabelle, perfect combination talaga kami ni Ayah.

Napansin kong palihim na nagmamasid si Trixie samin, di ako nagpahalata na alam kong pinagmamasidan niya ako.

TRIXIE'S POV

Napansin kong masyado silang close ni Ayah, akala ko ba si Ayah at Axel ang magka-ibigan? hinanap ko ang upuan ni Axel at wala siya dito.

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now