Chapter 14: Visitor

25 1 0
                                    

Chapter 14: Visitor

"They don't call me insane for nothing."
-Freddy Crugger

--------------------------------------------------------x

JENNA'S POV

Nagmistulang alarm clock ang makakabagot na sigawan ng mga magaaral ng Hillton Academy, agad akong napabangon sa ingay na kanilang ginagawa, napatingin ako sa orasan, pasado 6:30 palang, napakaaga pa, agad kong sinilip ang ingay na aking naririnig, nanggagaling ito sa Room 111, ang stock room ng Hillton Academy.

agad akong nagdiretsyo sa banyo para maghilamos, pagkatapos nyon ay agad narin akong kumuha ng loaf bread, patty at mayonnaise sa loob ng ref, binilisan ko ang pagkain hanggang sa may kumatok saking pintuan.

agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sakin si max, nakapantulog pa ang kanyang suot at halatang bagong gising palang nya.

"Goodmorning Jenn! Anong sigawan ang nangyayari sa baba?" Pabungad nyang tanong sakin.

"I don't know din eh, pero parang may ganap sa baba, nagmamadali ngakong magbreakfast para matingnan kung anong pinagsisigawan nila eh." pagpapaliwanag ko kay max.

nabulantang ang lahat ng tumunog ang emergency alarm ng hillton academy, agad nagtakbuhan ang mga bagong gising na magaaral ng hillton, agad narin kaming bumaba para alamin ang nangyari.

"Ano ba yun?" rinig kong tanong nang aking kamagaral.

"Diba pinipindot lang iyon kapag may emergency?" Tanong pa ng isa.

agad kong narinig ang sigaw ng isa sa mga kamag aral ko.

"Guys nasa Room 111! Nasa Room 111!" Sigaw nito, agad ko namang hinila si Taylor Maxinne papunta sa Room 111, gusto koring malaman kung anong nangyayari dito, kung bakit nila pinatunog ang emergency alarm at kung ano ang dahilan nito.

Agad akong nagulat saking nakita, nakita sa loob ng Room 111, ang nasunog na stock room, sinilip ko pa ang loob, nagulat ako saking sunod na nakita.

Ang bangkay ng isang sa mga guards ng Hillton, wala na itong mga mata at namumuo pa ang natuyong dugo nito sa kanyang leeg, mukhang ginilitan sya.

"P-planado ang lahat?" Tanong ko saking isipan, agad kong naalala si Ms. Librarian, nagbalik ngaba sya?

Nagilbal naman ang lahat ng makita  ang sunog na bangkay ni Gaby, dala dala ito ng mga guards gamit ang stroller.

Agad akong napakapa saking bulsa ng tumunog ang aking cellphone, nakita kong may nagmessage sakin, di ko ito kilala dahil wala naman ito sa phonebook list ko at number lang ang nagtext, agad ko itong binasa.

"Me-meaxtre di liviero?!" Pakaba kong wika saking isipan, agad akong umalis sa siksikang mga kapwa ko estudyante.

agad naman akong sinundan ni Taylor Maxinne.

"Something wrong Jenn?" Tanong nya sakin, agad naman akong nagdahilan.

"Wala max, nahihilo lang ako." Pagdadahilan ko, agad naman akong hinatid ni Taylor Maxinne saking dorm at nagpahinga, sigurado naman akong suspend ang klase ngayon dahil sa nangyari.

HILLTON'S POV

"Mr. Hillton? ano bang nangyari sa mapayapa nyong school?" Tanong sakin ng reporter habang tinututukan ako ng camera, gusto ko sanang magsalita pero baka kapalit nito ang paghihirap ng aking pamilya.

"Wala akong masasabi." Maikli kong sagot, agad naman silang nagtanong pa pero tinanggihan ko ang kanilang mga tanong.

Hanggang sa masawa na ito sa kakatanong, paalis na ito ng bigla akong magsalita.

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now