Chapter 22: Triple Kill
"Wolf hidden in a sheep's clothing"
-Kiara II--------------------------------------------------------x
QUENNIE'S POV
"Sa tingin mo ba totoo lahat ng sinabi ni Taylor Maxinne kanina?" tanong ni Tifanny sakin, di ko naman siya sinagot, di ko rin naman alam, nagmistula nalang akong bingi sa kanyang tanong.
Nabugaw ang aming katahimikan ni Tiffany dumating ang attention seeker naming kaklase.
"Ano ginagawa nyo dito?" Patawa nitong wika, agad siyang kumendat nang ako'y tumingin.
"Anong nakakatawa don?" Wika ko sa kanya, agad naman itong natawa at bumanat.
"Natatawa kasi ako sayo, parang wala kang kasiyahan, lagi kang nakasimangot." Patawa nitong wika
"Tsssk!" Maikli kong tugon sa corny nyang joke, joke bayon?
Natuon ang pansin namin nang makita naming papalapit si Jayden samin, sa expression ng mukha nya, kahit malayo ay parang may hinahanap sya.
Nang makalapit na ito samin ay agad nyang hinawakan si Prince sa balikat.
"Pre nakita mo ba si Vincent?" Tanong ni Jayden kay Prince, agad naman sumagot si Prince.
"Wala, bakit? Ano kelangan mo sa siraulong yon?" Pabirong wika ni Prince, agad naman napatanggal sa balikat ni Prince ang kamay nito at agaad umalis.
"Sigurado ako may hinahanap sya." Wika ko.
"May pagkasikreto karin palang chismosa ha!" Patawang wika ni Prince.
"Anong nakakatawa don? Aber?" Bara ko kay Prince di naman ito tumigil sa pagdipensa sa pamamagitan nyang mga waley na jokes, bagay itawag sa kanya ang pangalang korny.
KILLER'S POV
Habang naglalakad lakad ako ay napansin ko ang tarantang grupo ng mga lalaki, parang may hinahanap silang di nagpapahahanap, tsk.
nang makita ko na ang kani kanilang mga mukha ay nagkaroon nako ng ideya kung bakit sila natataranta, natataranta dahil sa nawawalang si Vincent na pinatay ko na kahapon, mga tanga talaga, ngayon lang naghanap.
"Ano pre may nakita na ba kayo? si Vincent?" Tanong ni Stanley, halata sa kanyang mukha ang pagkataranta, namumula na ito sa kakahanap sa nawawalang si Vincent, nawawalang pinatay ko na hahaha.
"Wala pre eh, hinahap na namin sa buong resort pero wala talaga sya." Dagdag pa ni JB, agad naman napahawak si Stanley sa kanyang ulo, sigurado akong namomoblema siya sa pagkawala ni Vincent, di kaya ang isang sachet ng shabu ang hinahanap nila? mga tanga haha.
"Baka tumakas na yun pre?" Wika ni Nathan, agad naman napaisip si Stanley sa nabanggit ni Nathan.
"Susubukan namin ni JB na hanapin sya, magkokotse kami at lalabas ng resort, kung hahanapin kami ni Jayden sabihin nyo lumabas kami para hanapin si Vincent, okay?" Wika ni Stanley, agad naman akong napangiti dahil agad may pumasok saking isip na napakagandang plano.
"Nathan at Alex, kayo na ang bahala maghanap dito sa loob ng resort." Wika pa nito, agad nakong umalis para mauna sa kanilang kotse, dinala ko ang aking bag na puno ng gamit kong pampatay.
Nang nakarating nako sa kotse ni Stanley ay agad kong binuksan ang pinto nito, nakasarado ito kaya agad ko namang sinubukang buksan ang garrage ng kotse, nakabukas ito at hindi man lang nakasarado.
Dali dali akong pumasok kasama ang aking bag na puno ng gamit pampatay, nang tuluyan nakong makapasok ay agad ko nang sinaraduhan ang pinto ng garrage ng kotse.
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Mystery / ThrillerQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.