Chapter 32: Jealousy
"Ysabelle, The Ruthless"
-------------------------------------------------------x
YSABELLE'S POV
"Maybe pinatay nyo si Thea." wika ni Queenie samin, di parin ito maalis saking isipan kahit napakatagal ko na itong narinig.
Kaybilis lang ng panahon at January nanaman, araw nanaman ng pasukan, naglalakad nako papasok saming classroom.
habang naglalakad ako ay naalala ko ang mapait kong sinapit dahil kay Taylor Maxinne, pinagbintangan ako sa salang di ko naman ginawa, at ang masaklap pa ay sarili ko pang magulang ang nagpakulong saken, magugulang talaga.
Starting of flashback--------------------x
Simula nang pinanganak si Yesha, ang kapatid ko, lahat ng atensyon ay napunta sa kanya, naiinis ako kapag nakikita ko sya, kaya I always keeping a distance sa kanya.
Isang araw, napagpasyahan ng friends kong magpicnic, dahil magkaibigan ang kapatid kong si Yesha at kapatid ni Taylor Maxinne na si Ice Lynn ay nalaman ng pabibong kapatid ko ang aming plano.
"Mommy I heared kay Ice Lynn na magpipicnic daw sila ate, can i come? please." panglalambing niya kay mama habang kumakain kami.
Pinipilit kong itago ang pagkamuhi ko sa kanya but malapit nako mapuno sa kanya, konting konti nalang.
"Sure Yesha! Ysabelle pasamahin mo na'to, kasama naman si Ice Lynn e, di ma o-out of place ang kapatid mo don." panghihimasok ni mama saken, napatango nalang ako kahit sa loob ko ay inis na inis na sa kanila.
"Yehey!" sigaw nito, naririndi ako sa kanya.
Nang makarating na kami sa picnic ay agad kaming nagsaya, tanda tanda ko pa non ang mga kasama, sila Kent, Laura, Apple, Jenna, Jayden, Prince, Kent at Taylor Maxinne.
at ang kapatid ni Taylor Maxinne na si Ice Lynn.
Sumama lang naman ako dahil andito si Jayden, I like him matagal na.
"Yesha let's enjoy, di ka ba magsiswimming?" Tanong ni Ice Lynn kay Yesha, alam kong di marunong lumangoy ang kapatid ko.
Sasabihan ko na sana si Ice Lynn ngunit parang may bumubulong sakeng wag mangialam at pabayaan sila.
"Di ako marunong lumangoy eh." Nahihiyang sagot nito kay Ice Lynn.
"Sa mababaw lang naman e." pamimilit ni Ice Lynn, napapayag naman si Yesha at pumunta na sa swimming pool.
Babalik sana ako sa bahay dahil may naiwanan ako ngunit naiwan ko ang susi sa lamesa ng pinag picnican namin kaya bumalik ako.
Habang pabalik ako ay nasaksihan ko si Yesha na humihingi ng tulong, nasa harap nito si Taylor Maxinne, nalulunod na ang aking kapatid habang siya ay nakatayo lamang sa harap nito.
Tutulungan ko na sana siya ngunit nanaig ang sama ng loob ko kay yesha kaya napagpasyahan kong di sya tulungan, tumago ako at nanood na malunod si Yesha.
ng makita kong huminto na ito sa paghingi ng tulong ay dali daling tumakbo si Taylor Maxinne palayo, sigurado akong namatay na ang aking katapid.
"Help! Help! Help! Help!" sigaw ni Ice Lynn ng makita niyang nalunod na si Yesha sa swimming pool, kita ko ang tarantang nararamdaman ni Ice Lynn ng makita nyang nalunod ang kanyang best friend.
Di ko alam ngunit naging masaya ako sa naganap, wala nang agagaw sa atensyon nila mama at papa.
You loose Yesha. I win.
End of flashback-----------------------------x
Pinagbintangan nila Mama at Papa na kriminal sa pagkamatay ni Yesha kahit wala naman akong sala, actually meron pero hindi ako ang pumatay kay Yesha kundi ang mapagbalatkayong si Taylor Maxinne.
Nakarating nako sa room, bumungad saken ang kilig na kilig kong kaklase.
Na curious ako at agad agad pumunta sa sulok Kung san sila tumitili.
Nabigla ako saking nakita, magkatabi si Jayden at Tiffany sa upuan habang inaakbayan ni Jayden si Tiffany sa balikat, pakipot namang tinatanggal ni Tiffany ang kamay Ni Jayden sa balikat niya.
"Lumabas narin ang pagkakati mo Tiffany, mali ka ng kinalaban." pagalit kong bulong saking isipan, napakumo ako saking nakita.
JAYDEN'S POV
Ilang araw ko nang kinukulit si Tiffany, ginawa ko na ang lahat ng pagsusuyo, nung Christmas break ay hiningi ko ang kanyang numero at araw araw ko syang tinetext ng matatamis na salita.
At nakikita kong bawat araw ay nagiging komportable siya saken, palagi siyang nagrereply at alam kong mafafall na siya, konting konti nalang.
kelangan kong mapafall siya at manalo sa pustahan namin ni Axel, makukuha ko ang 50k no matter what.
Habang inaakbayan ko si Tiffany ay nakikita kong nakangiti sa gilid na nagmamasid si Axel, maganda nang makikita nya ang mga kilos ko.
Nakita ko rin ang nakatayong si Ysabelle, sa expression ng mukha niya ay galit na galit na ito. Dati pa siya naghahabol saken ngunit wala akong interest sa kanya, kahit konti.
Malapit na ang prom at kelangan ko nang bilisan, kelangan ko nang mapasagot si Tiffany.
Habang nakaupo ako ay napaisip ako kung san napunta ang weeds na iniwan ko kala Stanley nung Sembreak Vacation namin, umabot din sa 30k ang ginastos ko dun at labis akong nanghihinayang.
"Bro let her go." wika ng taong nasa aking likoran, pamilyar ang boses nito, napalingon ako at nakita ko ang kakarating lang na si Kyle.
May gusto ba sya sa babaeng to?
"who are you to command me Kyle?" balang kong sagot Kay Kyle, ramdam ko ang presensya ng kanyang galit sa pagkakatitig nya saken, parang gusto niya akong patayin.
Ilang sandali pa ay sinuntok niya ang aking mukha gamit ang kanyang kaliwang kamao, tila ba'y tumigil ang mundo saking naramdaman.
sa lakas ng kanyang suntok ay napayuko ako ng ilang segundo,
Gagantihan ko sana siya ng suntok ngunit nang mapansin kong hinila ni Kyle si Tiffany palabas ay wala nakong nagawa.
Iniiwasan kitang kalabanin Kyle dahil naging matalik kitang kaibigan dati but gumagawa ka ng sarili mong hukay, di ko palalagpasin to, humanda ka saken, my old friend.
TAYLOR MAXINNE'S POV
"Bro let her go." salitang kumuha ng atensyon ko, agad ako napalingon, tama ang aking hinala, boses iyon ni Kyle, ang aking first love.
nakita kong inaakbayan ni Jayden si Tiffany, ano nanamang plinaplano ni Jayden?
Nabigla ako ng biglang sinuntok ni Kyle si Jayden, matapos niyang masuntok si Jayden at hinila nya palabas si Tiffany.
"may something ba sa kanila? di to maaari, akin lang si Kyle." bulong ko saking sarili.
'It's starting all over again Taylor Maxinne." wika saken ni Ysabelle, matagal nya naring gusto si Jayden kaya alam kong parehas kaming naiinis kay Tiffany.
"Tiffany, you're getting off my nerves, katulad ni Thea, mga mang aagaw kayo." galit kong bulong sakeng isipan, may araw karin saken Tiffany, just wait for it.
-------------------------------------------------------x
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Mystery / ThrillerQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.