Chapter 39: Thea Aquino?
"Thea, The root of all."
--------------------------------------------------------x
QUEENIE'S POV
Habang nakatambay ako saking dorm ay biglang pumasok saking isip ang dairy na aking kinuha sa library.
Dali dali ko itong hinanap sa desk ko, nang mahanap ko ito ay agaran akong umupo saking higaan.
Nang binuklat ko ito ay bumungad saken ang malaking sulat na 'Diary', isa pala itong diary, diary ni Thea.
Malalaman mo agad na ito'y matagal na dahil maypag ka luma na ang mga bawat pahinang papel ng diary.
bago ako magbasa ay tiningnan ko muna ang mga litrato na nakaipit dito, napansin kong karamihan ay litrato nila Apple at Thea, siguro ay malapit na malapit sila sa isa't isa.
May litrato din sila ni Kyle, masayang masaya ang ekspresyon ng mukha nilang dalawa.
May litrato din sila ni Jenna na para bang masayang kumakain ng ice cream.
Nakita ko rin ang litrato ni Ysabelle at Thea na tumatawa, bakas sa mukha nila ang kasiyahan.
Meron din silang litrato ni Taylor Maxinne, nakadikit ang pisngi ni Taylor Maxinne sa pisngi ni Thea.
Makikita sa litrato na masaya sila at malapit sila kay Thea, pero bakit kaya takot na takot sila kay Thea ngayon, sigurado akong may dahilan.
Napunta nako sa pagbuklat ng mga pahina, ngunit bago iyon ay napansin kong sa bawat litrato ay may nakasulat sa likod na mga numero, inisip ko na baka numero lang ito nang pagkasunod sunod ngunit napansin kong numero pala ito ng mga araw sa diary niya.
Ang laman ng diary niya ay kanyang karanasan araw araw, may mga numero ito na parang nagsisilbi ng araw kung kelan niya ito sinulat.
nakita kong may numero 11 ang litrato nila ni Apple kaya binuklat ko ang diary sa Day 11.
Nakalagay dito na naging magkaibigan sila ni Apple nung araw na iyon at nagdiskusyon sila ng kani kanilang sikreto.
binahagi ni Thea ang sikreto nyang may kapatid siyang baliw na kasalukuyang nakatira sa Mental hospital at ang sikreto naman ni Apple ay napatay niya ang kanyang mga magulang dahil gusto na niya magpakamatay, magpapabunggo sana siya sa sasakyan at di niya inakalang ang kanyang magulang pala ang nakasakay don, umiwas sila sa daanan dahil nakaharang si Apple at nabunggo and kanilang sasakyan sa puno, nasaksihan niyang sumabog ang kotse, wala siyang magawa ng araw nayon.
Saka ko lang napagtanto na meron palang mga lihim ang diary na to, dahil sa nabasa ko ang sikreto ni Apple ay nagkaroon ako ng interest sa iba pang sikreto ng mga kaklase ko.
Nakita ko ang numerong 21 sa likod ng litrato nila ni Ysabelle, agad ako pumunta sa Day 21.
Nakapaloob dito na nakita niyang nagiisa si Ysabelle sa library kaya sinamahan niya ito, napagaan ang loob ni Ysabelle sa kanya at gusto ni Ysabelle na maglabas ng sama ng loob dahil punong puno nadaw ito.
Kwinento niya kay Thea na naiinis siya sa kanyang kapatid dahil kinukuha nito ang atensyon ng magulang nila para sa kanya, imbes na tulungan ni Ysabelle sa pagkalunod ang kapatid niya ay pinanood niya itong malunod hanggang sa mamatay, ikwinento din ni Ysabelle na gustong gusto niya si Jayden ngunit nakikita niyang walang interest ito sa kanya, humingi sya nang payo kay Thea at sinabi ni Thea na balang araw ay mapapansin rin siya ni Jayden.
Sa mga nabasa ko, hindi pala inosente ang mga kaklase ko sa inaakala ko.
Naingganyo akong magbuklat buklat pa hanggang matuklasan ko pa ang ibang sikreto ng aking mga kaklase.
Nabasa ko rin ang sikreto ni Taylor Maxinne, magkababata sila ni Kyle at gustong gusto niya ito, isang araw ay nagtapat ito ng pagibig kay kyle ngunit di gusto ni kyle si Taylor Maxinne, mas lalo padaw siyang nabaliw kay Kyle hanggang ngayon, nakidnap din daw si Taylor Maxinne ng yaya niya nung 6 years old palang ito, kaya nagkasakit siya ng bipolar, nakita rin daw ni Taylor maxinne na nalulunod ang kapatid ni ysabelle sa harap nito ngunit sumumpong ang kaniyang bipolar kaya di niya ito natulungan.
Ang sikreto naman ni Jenna ay napatay niya ang step father niyang gagahasain sana siya, palagi daw itong umiiyak tuwing gabi at natatrauma sa nangyari.
Nahuli naman ni Thea na ginagamit lamang ni Axel si Ayah para makapasa, nagpanggap na nagbreak si Allyson at Axel upang maging jowa ni Axel si Ayah, pinapaikot lamang nila ito at pinaglalaruan, palaging top 1 si Ayah kwento ni Thea.
Nahuli din ni Thea na nagdodroga si Jayden, ngunit di nalang niya sinabi ito sa iba at dito nalang sinulat sa dairy.
Nakikita nya rin daw na nagsasalita mag isa si Laura kapag nag babanyo siya at minumura si Thea dahil siya ang nanalong presidente ng Unique Section.
Di ko inaakalang ganon si Laura, palagi ko syang nakikitang mabait na presidente.
Di ko pa sila kilala, kelangan ko mag ingat.
-------------------------------------------------------x
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Mistério / SuspenseQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.