Chapter 43: Prom Night

17 1 0
                                    

Chapter 43: Prom Night

"Kent, The Colorblind."

--------------------------------------------------------x

KENT'S POV

Dumating na ang araw na pinakahihintay namin ni Ayah, ang araw na ng prom, ang araw ng pagpapakilala namin saming mga kaklase.

Ngunit di parin namin nalalaman kung sino ang kumakalaban samin, ang gumagamit sa pagkamatay ni Thea Aquino, sigurado akong nasa paligid lang siya.

Mag hahapon na at 6:00 PM ang start ng prom, agad nakong naghanda ng aking susuotin, naka suit ako at wig na pink na panlalaki, nagdala din ako ng extrang wig at gown na aking gagamitin kapag papalit nako ng katauhan bilang Gwen.

Agad akong sumakay saking kotse at nagsimula nang magdrive papunta sa pinag usapang venue, medyo malayo layo at liblib ang pinag usapang venue ng prom, ang resort nila Ayah, bagay na bagay sa magaganap mamayang gabi.

Ilang oras din ang aking nilaan hanggang sa makarating nako saming venue, napakalayo nito sa syudad at karangyaan.

Nang nakapasok nako sa Gate ay sumalubong saken ang magagarang kotse ng mga estudyante, at ang mga mamahalin nilang kasuotan.

Dahil sa sinuggest kong idea na pink wig ay agad kong nakita ang aking mga kaklase, agad akong bumaba saking kotse.

Bagay na bagay sa mga babae ang pink wig, sa totoo lang medyo akward sa lalaki ang pink wig ngunit nadala naman nila ito ng maayos.

Agad kong nakita si Ayah, sinenyasan niya akong sumunod sa kanya at palihim naman akong sumunod.

QUEENIE'S POV

"ang ganda mo Tiffany." rinig kong pamumuri ni Jayden kay Tiffany, tuloy parin ang pang bibilog niya dito, hinila ko si Tiffany papunta saken para hindi siya ma akward sa pinaggagawa ni Jayden.

Ngunit di naman nagsisinungaling si Jayden, napakaganda ngayon ni Tiffany, naka Violet siyang gown at may makinang na necklace sa kanyang leeg, bagay din sa kanya ang pink wig, yun kase ang theme ng aming seksyon.

"Psst, nice outfit." wika ni Prince habang papalapit samin ni  Tiffany, kahit ba naman dito ay mang iinis siya, kagigil.

Naka white suit siya na parang waiter, napatawa ako ng lihim sa kanyang suot.

"happy pill mo bako hahaha." pambubwisit ni Prince, nahalata niya palang pinagtatawanan ko siya, di ko siya inimik, nakakatawa rin pala siya minsan.

Tama nga ang suggestion ni Kent na mag pink wig ang aming seksyon, nakikita agad namin ang isa't isa at naiiba kami sa ibang estudyante.

Napansin kong magkukulimlim na, napagpasyahan naming pumunta na sa main area kung saan gaganapin ang prom, napakaganda ng resort nila Ayah, malapit sa beach ang venue at napakaganda tingnan.

May malaking disco light din sa tabi ng chandelier, siguradong magiging masaya ang prom mamaya.

Napansin ko rin ang tatlong malalaking mesang nakapalibot samin, punong puno ito ng drinks at mga pagkaing mamahalin.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang prom, sinabi ng MC na magkakaroon ng random dance para sa mga estudyante, kahit sino ang magiging partner mo.

Napahiwalay kami ni Tiffany ng bigla siyang niyaya ni Jayden, naiwan akong mag isa sa gitna ng Ball, ilang sandali pa ay napansin kong lumapit sakin si Prince.

"O ano? wala kang partner no? sungit mo kase." patawang wika niya, agad naman niya akong hinila papuntang gitna Kung saan nagsasayaw ang mag partner.

Agad niya akong hinawakan sa bewang, wala akong nagawa kundi mapahawak sa kanyang balikat.

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now