Chapter 40: The Truth
"The Truth needs to vanished."
-Saint Paul (Chapter IV)--------------------------------------------------------x
TAYLOR MAXINNE'S POV
Habang nakaupo ako saking desk ay naalala ko ang mga naganap saming seksyon, totoo ngabang si thea ang gumagawa nito? o may naghihiganti para sa kanya? kahit ako ay litong lito na at di na alam ang gagawin.
siguro nga ay deserve namin ang mga nangyayari, deserve naming mamatay sa ginawa namin sa kanya.
Starting of flashback------------------x
"Pinagkalat ni Thea na Pinatay mo ang buong pamilya mo, totoo ba?" bulong kong pagsisinungaling kay Apple, kelangan kong sirain ang friendship nila upang wala na siyang maging kaibigan at layuan na rin sya ni Kyle.
Kita ko sa mga mata ni Apple ang galit na kanyang nadarama sa aking sinambit, agaran siyang pumunta sa room at agad tinulak si Thea.
"Pano mo nagawa sakin to? tinuring kitang kapatid!" Sigaw ni Apple kay Thea. Lihim akong napangiti, iba pala magalit si Apple hahaha.
"Apple wala akong alam sa sinasabi mo." inosenteng wika ni Thea sabay hawak sa kamay ni Apple.
"Pareho kayo ng kapatid mo, mga baliw" sigaw ni Apple kay Thea at agad itong umalis.
Napaiyak si Thea sa ginawa ni Apple sa kanya, agad lumapit si Kyle sa kanya.
"are u okay Thea?" pagaalalang wika ni Kyle sa kanya.
Konti lang ang tao sa room dahil night class namin ngayon, wala daw klase kaya umuwi na ang karamihan.
Tandang tanda ko pa ang mga taong nandon, Si Ysabelle, Jenna, Kyle, Jayden, Kent, Axel, Allyson, Kent, Laura at ako.
Nagulat ako ng biglang tulakin ni Thea si Kyle.
"Akala mo diko alam? pinagpustahan nyoko nila Jayden!" sigaw ni Thea kay Kyle.
"I can explain Thea" wika ni Kyle kay Thea.
Nabigla ako ng biglang nagbago ang tono ng salita ni Thea.
"Alam ko ang mga mababaho nyong sikreto, lahat kayo." wika ni Thea.
Dahan Dahang napatayo ang lahat sa kanyang sinabi.
"Alam kong may relasyon kayo ni Ayah Axel, ginagamit mo lang si Ayah para makapasa." wika ni Thea.
"Alam ba ni Allyson yan?" dagdag pa nito.
Natahimik si Axel sa kanyang narinig, nakita kong napakumo ito ng kanyang kamao.
"That's n-not true Thea!" sigaw ni Allyson.
"Let's ask Axel, diba di ka nagsisinungaling kay Allyson." wika ni Thea, napatahimik si Axel.
"You should shut your mouth Thea." wika ni Ysabelle.
"Nanggaling sayo Ysabelle, diba gusto mo ring mamatay yung kapatid mo na pinatay ni Taylor Maxinne." pagbubulyaw ni Thea.
"kaya wala kang ginawa, tiningnan mo lang na lunudin ni Taylor Maxinne ang kapatid mo." dagdag pa nito.
Napatigil si Ysabelle .
"Please Thea tama na." pakikiusap ni Jenna kay Thea.
"hahaha tama na? nanggaling sayo Jenna, backstabber."
wika ni Thea."Diba pinatay mo rin ang Stepfather mo?" wika ni Thea, agad nagulat ang lahat, pati ako.
"I have my reason Thea!" galit na wika ni Jenna.
"Sumosobra kana Thea." Sigaw ko kay Thea.
Agad siyang lumapit saken, kita ko sa expression ng mukha niya ang galit na pinaghalong masaya.
"Di mo pa'ko kilala Taylor Maxinne, don't mess with me." bulong nito saken.
"Who do u think you are Thea?" galit kong wika, agad ko siyang tinulak.
Nakita kong sumugod si Allyson kay Thea na galit na galit, agad niyang sinambunutan ito.
Lumapit ang iba kong kaklase para awatin si Allyson sa pagsambunot niya kay Thea.
at ang iba ay tumulong pa dito.
si prince lang ang naiwan sa desk na nakaupo, habang nakaheadset.
"Thea, you little brat! masyado ka nang maraming nalalaman." sigaw ni Allyson kay Thea.
"wag nyong awatin si Allyson guys, who do u think you are nga Thea?" wika ni Laura, first time kong nakita si Laura na magsalita ng ganon.
"masyado kang pabibo, tumakbo kapa talaga ng president, you're getting in my nerves!" sigaw ni Laura, sumama narin siya sa sambunutan.
"Stop! bitawan nyo si Thea!" sigaw ni Kyle, agad niyang inawat si Laura at Allyson.
Nagulat ako ng tumayo si Axel at pinigilan si Kyle.
"Bro wag kana mangialam." awat ni Axel kay Kyle sabay hawak sa magkaliwang braso ni Kyle, nakisali narin si Jayden sa pagawat kay Kyle.
Nabigla ako ng biglang nanlaban si Thea, nakawala ito sa mga sambunot at tinangkang tumakbo palabas, agad namang nakaramdam si Jenna at tumakbo sa pinto at sinarado ito.
Bumalik si Thea sa harap ko at agad akong sinambunutan.
"Kasalanan mo tong lahat." wika nito habang hingal na hingal na sumasambunot saken.
pinuwersa kong makawala sa sambunot ni Thea at malakas na tinulak siya palayo.
Agad itong natumba at malakas na nabunggo ang kanyang ulo sa gilid ng kahoy na silya.
"Tumayo ka! Nasan ang tapang mo!" sigaw ko sa kanya.
Agad pumunta saking tabi si Ysabelle ay inapakan ang hita ni Thea.
"wag mokong subukan thea." pasigaw na wika nito.
Nawindang kaming lahat ng may lumabas na dugo banda sa kanyang ulo, bakas sa mukha ng aking mga kaklase ang takot at maging ang naka headset na si Prince ay napatayo.
--------------------------------------------------------x
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Mystery / ThrillerQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.