Chapter 24: Maadari
"There is no real ending. It's just the place where you stop the story."
-Frank Herbert--------------------------------------------------------x
HILLTON'S POV
Naka 9 missed call nako sa number ng may hawak saking pamilya, atat na atat nakong makausap sila, pero di ito sinasagot ng may hawak ng pamilya ko.
Sinubukan ko parin ito hanggang sa tuluyan na itong napasagot ng telepono.
"Bakit ka napatawag Hillton?" Tinig ng taong may hawak saking buong pamilya.
"Maaari ko bang makausap ang pamilya ko? Kating kati nakong marinig ang kanilang mga boses." Mahinahon kong wika, baka sakaling pagbigyan nyako kung magiging mahinahon ang aking tinig.
"Sige" maikling wika nito, biglang nabuhayan ang natutulog kong diwa nang bigla syang pumayag, "Pero sa isang kundisyon." dagdag pa nito.
Agad akong napasagot ng "ano?" sa kadahilanang gustong gusto ko nang makausap ang aking buong pamilya.
"Lahat ng sasabihin ko, susundin mo, at kung hindi, di mo lang makakausap ang pamilya mo kundi papatayin ko sila isa isa, ano?" Kundisyon nito, napapayag naman ako sa kondisyon nya keysa sa di ko na makausap at makitang buhay ang aking pamilya.
"Pumatay ka ng isang teacher, then isend mo sakin, bawat picture ng patay na teacher is equivalent ng isang minutong usap nyo ng pamilya mo, kundi mo susundin, alam mo na ang mangyayari!" Pananakot nito, nagulat ako sa kanyang sinabi, wala na ba talaga syang puso.
Wala akong choice kundi gawin ang gusto nya, patawarin sana ako ng maykapal sa gagawin ko.
Nagsimula nako, nagsimula nakong maghanap ng teacher, nagsimula ako sa faculty, nakita ko ang apat na babaeng teacher na nagkwekwentuhan sa loob ng faculty.
"Patawarin nyoko sa gagawin ko, kelangan ko to gawin keysa sa ang pamilya ko ang madehado, ayokong mangyari iyon." Bulong ko saking isip, nakaramdam kaagad ako ng konsensya sa balak kong gawin.
Sumilip muna ako para tingnan ang mga apat na gurong iyon.
Ang isa ay si Florita, ang magtatatlong taon nang guro dito sa Hillton Academy, 37 taong gulang na sya at wala pang asawa, kilala sya sa pagiging matapang at pinaka striktong guro dito, sana mapatawad moko saking gagawin, Florita.
Ang isa naman ay si Gorgeia, ang magdadalawang taon nang guro dito, 32 taong gulang na sya at wala pa ring asawa, kilala sya sa pagiging strikta din.
Isa naman sa kanila si Hulieta, ang pinakabata sa kanilang apat, mag iisang taon palang siya guro dito at nakikisabay siya sa uso, batang bata pa ito at 28 taong gulang palang.
At ang huling kukumpleto sa apat na guro sa loob ng faculty ay si Yena, ang maarteng guro dito sa Hillton, nagrereyna reynahan lang ito dito at minsan ay di pa nagtuturo.
Humanap nako ng magagamit sa pagpatay sa kanila, nakita ko ang fire emergency kit na nakalagay sa gilid ng faculty, agad kong kinuha fire extiguisher, pumasok ako sa room ng faculty, nagbigay agad sila ng galang sakin at bumati.
"Hi Mr. Hillton!" Bati ni Yena, napangiti ito sakin at agad tumayo.
"Sir bakit meron kayong hawak nyan?" Tanong ni Hulieta, agad ko namang dinahilanan ang dala dala kong fire extiguisher.
"Wala, nasira kasi y-yung, yung a-ano, yung fire emergency, dun sa room ko." Utal utal kong wika, di naman sila nagduda saking utal utal na sinabi.
"Ah sir may kailangan ka po ba?" Tanong ni Florita, agad naman akong napasagot.
"Wala naman." wika ko, nang makatyempo ako na nakatalikod na sila ay agad nakong kumilos.
Hinihila parin ako ng aking konsensya.
"Patawad pero kailangan kong gawin to." Wika ko, nang papalingon na si Yena ay agad kong hinampas siya ng fire extinguisher, agad naman itong nawalan ng malay at bumagsak dahil sa lakas ng pagkahampas ko ng fire extinguisher sa kanyang ulo.
Nang makita nilang natumba na si Yena ay agad silang napalayo sakin.
"Mr. Hillton?" Pagtatakang may kabang wika ni Hulieta.
Gulat parin sila sa nagawa ko, nang makita ko ang walang malay na katawan ni Yena na nakahiga at agad akong inusig ng aking konsensya.
Pero kailangan kong tapusin ang aking sinimulan, para sakin at saking pamilya.
Agad akong tumakbo papunta sa kanilang tatlo, sa katandaan ni Florita ay agad ko syang naabutan, hinampas ko sya ng malakas gamit ang fire extinguisher, agad din itong nawalan ng malay at tumba dahil sa malakas na pagkatama ng fire extinguisher sa kanyang ulo.
Agad kong tumakbo sa pintuan ng bukas na pintuan ng faculty room, agad ko itong sinaraduhan para di na sila makaalis.
Nagsimula na silang magtilian, habang tumitili ang dalawang guro ay nakakaramdam nako ng konsensya.
"Tuloooooong!" Sigaw ni Gorgeia, agad naman akong nataranda at agad tumakbo papunta sa kanilang dalawa.
Nang maghiwalay sila ay agad kong pinunterya si Gorgeia, ang malakas tumili, nang maabutan ko na ito ay agad ko rin itong hinampas ng fire extinguisher sa kanyang ulo, bumagsak din ito at nawalan ng malay tulad ng dalawang nauna.
Nang isa nalang ang natitira ay agad narin itong tumili.
"Ahhhh Tuloooong!" Sigaw ni Hulieta, agad ko naman siyang hinampas sa ulo at natumba din.
Agad kong hinila ang mga wala nilang malay na katawan ng apat na guro sa faculty office, malawak doon at walang makakakita sa gagawin ko.
Bago ako iniwan ang faculty room ay nilinisan ko muna ang mga dugong tumulo sa malakas kong paghampas ng apat na guro.
Nasa loob lang din naman ng faculty room ang faculty office.
Nang nasa loob na ang lahat ng walang malay na katawan ng apat na guro ay agad ko itong pinaghiwalay hiwalay, agad ko itong kinunan ng isa isang litrato at agad sinend sa may hawak ng aking pamilya.
Agad naman akong humanap ng malalagyan ng mga walang malay na katawan ng apat na guro, nakita ko ang mga garbage bag na walang laman.
Isa isa kong nilagay sa loob ng garbage bag ang isa isang walang malay na katawan ng apat na guro.
Nang matapos ko na ito ay agad ko sila hinala palabas ng faculty office.
Naghanap ako ng maaring paglagyan sa apat na gurong nakalagay sa loob ng garbage bag.
Nakita ko ang napakalaking basurahang may gulong sa ilalim, wala itong laman at napakalinis.
Agad kong inilagay sa loob ng malaking basurahan ang apat na gurong nakalagay sa garbage bag.
Nagkasya naman silang lahat sa kalakihan ng basurahang ito, agad kong nilock ang basurahan at dinala sa tagong lugar.
Sa Likod ng Abandoned Building, iniwan ko ang malaking basurahan don na may lamang apat na gurong nakalagay sa garbage bag.
Di rin sila makakalabas sa garbage bag dahil itinali ko ito ng madiin at di rin sila makakalabas sa malaking basurahan dahil nakalock ito ng mabuti.
Kinulong ko nalang sila hanggang mamatay keysa ako ang gumawa non, di ko kakayahin iyon.
Sakto na ang apat na guro para makausap ko ang aking pamilya, sulit na sulit na ang apat na minutong pagkakataon kong makausap ang aking pamilya.
Agad kong nilisan ang Abandoned Building at bumalik saking office.
Agad kong tinawagan ang may hawak saking pamilya para makausap na ang aking pamilya.
--------------------------------------------------------x
Author's note.
-Maadari means "Puppeter"
-Hillton is the Principal at May ari ng Hillton Academy.
-Pinagtatakpan nya ang mga krimen na ginagawa ng killer para di lumabas sa Television, ang kadahilanan ay ayaw nyang magkadumi ang kanyang iginagalang na school at hawak din ng killer ang kanyang pamilya, kaya di sya makapalag sa lahat ng sasabihin ng killer.
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Mystery / ThrillerQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.