Chapter 30: Christmas Party
"Tiffany, The Introvert."
------------------------------------------------------x
QUEENIE'S POV
Nakabihis nako at handa na sa gaganaping Christmas Party ng aming section, simple lang ang aking suot, naka dress lang naman ako ng di kabonggahan ang dating at nakatirintas ang aking buhok sa dalawa, nakasandals din ako na di kataasan ang takong at mayroong earings at necklace.
Palabas na sana ako ng aking dorm ng bigla kong nakita ang naghihintay saking si Tiffany sa labas, agad ako lumabas para i entertain sya.
"Kanina ka pa ba dyan? sorry napaghintay kita ah." Masaya kong wika kay Tiffany, napangiti naman ito ng tagingting.
"Ano kaba Queenie okay lang yun, ano? ready ka naba?" Tanong ni Tiffany, agad naman ako napatango, ambait nya talaga saken, sya yung tipo ng taong masarap kasama at kaibiganin.
Napatingin ako sa kanyang suot, napakasimple lang nito pero dalang dala nya ang kanyang kasuotang red dress, namukadkad ang kanyang kagandahan sa kanyang suot, maganda rin ang kanyang earings at necklace lalong lalo na ang kanyang pag kaayos sa kanyang buhok, nakaponytail ito at napakaganda.
Di nako nagpaligoy ligoy pa at sinaraduhan ko na ang aking dorm at naglakad na kami ni Tiffany papunta saming room.
Habang naglalakad kami ay nakita namin si Trixie, katulad ni Tiffany, namukadkad din ang kanyang kagandahan sa suot nito, anggaganda nila.
Nang malapit na kami sa room ay binilisan pa namin ang aming paglakad, hanggang sa narating na namin ito.
Pagpasok na pagpasok namin sa room ay agad nagtinginan ang aming mga kaklase samin.
"Girls! you look gorgeous!" Sigaw ni Ysabelle samin, napangiti naman ako sa kanyang sinabi kahit di ko alam kung pampupuri ba iyon o pangaasar.
Inikot ko ang aking mga mata, napakabongga ng kanilang mga suot.
Nakasuot ng pink dress ng mukhang mamahaling dress si Taylor Maxinne, dalang dala nya ang kanyang suot at napakaganda nya rin, nakalipstick sya ng red at may blush on kaya naman mukha syang kaaya aya, meron din syang kumikinang na kwintas, mukha itong ginto.
Umagaw saking pansin ang pulang malaking telang takip ng aming Christmas Tree, nasa baba ng Christmas Tree ang aming mga hinandang mga regalo sa magaganap na exchange gift mamaya.
Nang dumating na si Laura, ang President namin ay agad na kaming nagsimula, sinimulan namin sa pagdasal, at dumako na kami kaagad sa kainan, ang pinakahihintay ng lahat.
Balak namin pagkatapos ng kainan ay mag exchange gift muna para matunaw naman ang aming mga kinaing pagkain.
Masaya kaming kumain lahat, para bang walang problema at puro tawanan ang bumalot sa room ng Unique Section.
nang matapos na kami kumain ay agad na kaming nag proceed sa pag eexchange gift.
tatanggalin na sana nila Jayden at Kent ang malaking pulang telang nakabalot sa aming Christmas Tree ng bigla nalang umeksena si Ysabelle sa pagsasalita.
"Something weird going on guys?" Pagtatakang wika ni Taylor Maxinne sa buong klase.
"Anong weird? Anong klaseng weird?" Tanong ni Apple kay Taylor Maxinne.
"Last monday, i think napansin kong white yang malaking telang nakabalot sa Christmas Tree? may pumalit ba nyan?" Tanong ni Taylor Maxinne.
"Alam mo Taylor Maxinne, you're talking nonsense! gumagawa kaba ng eksena para mapansin ni Kyle? di ka parin ba makaget over na mas pinili at minahal ni Kyle si Thea keysa sayo ha?" Paniinsulto ni Ysabelle kay Taylor Maxinne.
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Mystery / ThrillerQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.