Chapter 9: Frame Up

31 1 0
                                    

Chapter 9: Frame Up

"Some Secrets are better left untold."
-Steven Wang II

--------------------------------------------------------x

PRINCE'S POV

Tuloy parin ang aking pag imbestiga sa pagkawala ni Dwen at Gaby, ang pagkamatay ni Ashley at ang Paglaho ni Sasha.

Hanggang sa pagtulog ko ay ginugulo parin ako ng aking mga palaisipan, maraming pumapasok na taong saking isipan, isa lang ba ang may kagagawan nito? O marami? pero habang iniisip ko ang mga iyon ay pilit namang sumisingit ang maamo at marikit na mukha ni Queenie, gustong gusto ko ang kanyang katamtamang ilong, di pango at di matangos, makinis na balat, lahat ay gusto ko sa kanya, bakit ngaba? Napuputol ang lahat sa tanong nayan, bakit ngaba ko sya nagustuhan?

Agad akong bumangon at nagsipilyo, nang matapos non ay agad akong kumuha ng sandwich sa aking ref, dinali dali ko itong kinain at naligo.

Ilang minuto ang lumipas ay natapos narin akong naligo, napakabilis talaga ng oras, agad akong nagbihis at lumabas para pumasok sa aming silid aralan, habang naglalakad ako ay nagmasid ako saking paligid, nakita ko ang tumpok na tao na parang may tinitingnan na kung ano, agad 9 pumunta doon para makita ang kanilang kinaaabalahan.

"S-sya ba talaga ang misteryosong pumapatay sa mga taga Unique Section?" wika ng babae habang papalapit ako sa kanilang tinutumpukan.

"Di ako makapaniwala, ang librarian ang pumapatay?" tanong pa ng isa, nang makita nila akong papalapit, agad silang nagalisan, bakit ngaba sila takot saming mga taga unique section? di nako nagtataka dahil sa masamang asal na ipinapakita ng grupo nila Taylor Maxinne at Ysabelle, sa kanilang paguugali, di nila alam na nirerepresenta nila ang Unique Section, Sadista at mga Demonyo, yan ang pagkakakilala ng taga ibang seksyon samin.

Agad nakong nagpatuloy saking paglalakad, ilang minuto ang lumipas ay nakarating narin ako sa aming silid, agad kong nilagay ang aking bag saking upuan, habang abala ang lahat sa kani kanilang ginagawa, naagaw ang aming atensyon sa sigaw ni Apple.

"G-guys! Ang L-librarian Ang Killer!" Dali dali nitong sigaw papasok saming room, agad naman akong nabigla sa kanyang mga sinambit.

"A-ang librarian? B-bakit naman nya gagawin satin to? Ano bang kasalanan natin sa kanya? A-anong patunay? Meron bang patunay?" sunod sunod na tanong ni Queenie kay Apple, hingal na hingal si Apple at halatang tumakbo pa para ibalita samin ang nakakagimbal na balita.

"Sa library! Minurder nya si A-andrea! At m-may deathlist pa sya para sating lahat! At hindi lang iyon, pinugutan nya pa ng u-ulo si andrea, at pinalitan ng ulo ng usa na gawa sa kahoy, at ang ulo ni andrea ay ginawa nyang disenyo sa library, hawak hawak nya rin ang mga ginamit nyang matatalim na bagay para pumatay kay andrea!" paiyak na wika ni apple, agad naman siya nilapitan ni Laura para i-tahan.

"Ah I see, naghihiganti ang bruha, naalala nyo guys? Yung second year tayo, kapag may demo sya satin, palagi natin siyang sinasagot sagot kaya mababa palagi ang grado nya! What a pha
pathetic teacher!" wika ni Taylor Maxinne, agad naman sumangayon ang iba sa kanyang mga sinambit.

"P-pero nasan na ang librarian?" pakabang wika ni Trixie, agad naman sumagot si Apple sa tanong ni Trixie.

"Nahuli sya sa library, sa sobrang pagod siguro sa pagpatay kay Andrea, nakatulog hawak hawak ang kitchen knife at martilyo, at nalagay pa sa mesa ang deathlist nya, agad siya pinahuli ni Mr. Hillton, panay panga ang tanggi, pero sino ba ang kriminal na umaamin diba?" Pagpapaliwanag ni Apple saming klase.

Ngayon ko lang sya narinig magsalita ng matapang, nakakapanibago, agad naman pumasok ni Ma'am Glory Ann, ang Unang subject namin ngayong araw at ang guro sa subject na TLE.

"Ok class, lets all stand, Ms. Arrieda lead the prayer." Wika ni Ma'am Glory, napataray pa ito bago pumunta sa harapan.

Agad itong nagdasal, ngayon ko nalang sya nakitang nagdasal, napakalakas na kasi ng impluwensya sa kanya ang kasikatan nya at kamalditahan, kaya di na nya ito nakokontrol at nadadala nalang sya sa mga ito.

Nang matapos na si Taylor Maxinne, agad naman nagsimula ang klase namin kay Ma'am Glory.

MR. HILLTON'S POV

"Mr. Hillton, maniwala kayo sakin, wala akong ginagawang masama! Ano ba? bitiwan nyo ngakooo!" Pagpapaliwanag ng librarian sakin habang tinataboy nya ang mga gwardyang nakahawak sa kanya, sa katunayan, alam kong hindi sya ang murdered ng Unique Section pero kung papakawalan ko sya, o hindi gagawing may sala, ang pamilya ko ang mamamatay.

Kilala ko ang killers or killer sa Unique Section, kasalukuyan nyang hawak ang buong pamilya ko, wala akong laban sa kanya o sa kanila, napakaimpluwensya nila o nyang tao, kaya nanatili akong walang imik sa kaso nato, kaya patawad Ms. Librarian, ikaw ang mapaparusahan.

"Mga Guards! Dalhin na sya sa Mental Hospital! Baka makapatay pa iyan dito!" Matapang kong wika, pero kailangan ko silang paniwalaan na si librarian ang killer, dapat magtagumpay ang killer or killers sa balak nila sa Unique Section, dapat lahat ng estudyante sa Unique Section, mamatay, di ko rin ito ginusto, pero ang pamilya ko ang dehado dito, paumanhin talaga librarian, pero tutulungan kita kapag nakuha ko na ang pamilya ko.

Agad nakong pumasok saking office, pagpasok na pagpasok ko ay may agad agad na tumawag sakin.

agad ko itong sinagot, wala itong ngalan at number lang.

"Hello?" Mahinahon kong wika, agad naman.

"Hillton! Tulungan mo kami" sigaw ng aking asawa, agad akong napaluha dahil ngayon ko nalang sila nakausap, "pa tulungan mo kami nila mama, pinapakain kami dito ng kung ano ano! pa ayokona dito, ialis mona ako dito please!" Pagmamakaawa ni Lourjane, ang aking panganay na anak, "Good job Hillton! Palabasin mong Si Ms. Librarian ang killer, or else, mapapatay ko tong pamilya mo, think twice Hillton!" Wika ng may hawak saking pamilya, agad naman niyang pinatay ang telepono.

Agad kong kinuha ang aking panyo at pinunasan ko ang aking mga luha, kailangan ko maging matatag di lang para sakin kundi para sa buong pamilya ko.

-------------------------------------------------------x

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now