Chapter 16: Play or Die?
"Take the knife, you know what to do with it."
-Rey Jones IV--------------------------------------------------------x
JAYDEN'S POV
Napakatahimik ng room pagpasok ko, para bang may namatay, may namatay ngaba?
agad akong umupo sakin silya at pinatong ang aking paa sa armchair.
naalala ko ang lakad namin nila axel at kyle dun kasi kami magoovernigt sa bahay nila Axel, kasama nya yung girlfriend nyang bulok, si Ayah.
mamayang gabi na pala yon, di ko lang naman namalayan, agad kong hinalunggat ang aking bag na walang kwenta, napakakalat at basura ang laman, umagaw ng aking pansina ang isang larawan, larawan ng aming dating masayang barkada, nung first year pa kami.
Si Jenna, Apple, Ysabelle, Ayah, Trixie, Taylor Maxinne, Kyle, Laura, Prince, Kent, Ako at si Thea.
Nagbago ang lahat ng mawala si Thea.
Natigil ang aking pagmumuni muni ng biglang may nagsalita sa Speaker, ang speaker ng Unique Section.
"Play or die?" Wika nito ng lima o anim na beses, agad namang nangamba ang mga kapwa ko taga Unique Section lalong lalo na ang mga kababaihan.
Agad silang natakot sa mga pinagsasabi ng Speaker, natuon ang pansin ng lahat ng bigla naging weirdo ang pinagkikilos ni Gerald, tumayo ito ay biglang nangirig, nangamba ang lahat ng makitang may lumalabas na dugo sa kanyang bibig.
Nabigla ang lahat ng bigla itong sumuka ng napakaraming dugo, pero iba ang aking napansin, nakita ko ang papel na lumulutang sa sinukang dugo ni Gerald, sigurado akong galing ito sa sinuka ni Gerald.
Nilapitan ko ito para makita ang nakasulat sa palutang lutang na papel sa sinukang dugo ni Gerald, tumaas ang aking balahibo saking nakita.
"Play or die?" Nakasulat sa papel na palutang lutang sa dugong sinuka ni Gerald, agad natumba si Gerald at namudmod sa sariling suka.
Agad nagsigaw ang lahat, lumakas ang tensyon sa aming room.
"Tumawag kayo ng medic? Ano ba?" Pakabang sigaw ni Laura samin, bakas sa kanyang mukha ang kaba na kanyang nararamdaman.
Walang pagaalinlangan kong binuhat si Gerald kahit nalagyan na ng dugo ang aking uniporme, agad akong tinulungan ni Kyle at Prince na dalahin si Gerald sa Clinic.
Habang nagbubuhat ako sa katawan ni Gerald ay di maalis saking isipan ang nakasulat sa papel na nakalutang lutang sa sinukang dugo ni Gerald.
Nang makarating na kami sa clinic ay agad binuhat ng mga nurses ang katawan ni Gerald at dinala sa emergency room.
Agad kaming napaupo sa silyang mga bakante, di parin maalis saking isipan ang nakasulat sa papel, hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang nakapaloob sa papel.
KILLER'S POV
"May kumakalaban sakin?" Tanong ko saking sarili matapos marinig ang nagsalita sa Speaker at biglaang pagsuka ng dugo ni Gerald.
Bigla kong naalala ang dalawang umakyat nong nasa Abandoned building ako, sila kaya ang kumuha kay Dwen? Kaya siya nawawala?
Agad akong nairita sa mga nangyayari, magiging sabagal lang sila sa mga plano ko, kailangan kong malaman kung sino ang ito, dapat mawala sila sa landas ko, sa landas ng Unique Section.
Napalabas ako dumiretso sa Comfort Room, nang makarating nako dito ay saktong walang tao, agad kong nilabas ang aking galit.
Agad akong sinuntok ang salamin na nasa harap ko, sinuntok ng sinuntok ko ito hanggang sa masira, dala nang aking malaking galit ay agad kong sinipa ng napakalakas ang mga basurahan.
"Papatayin ko kayo, gusto nyo nang laro, pagbibigyan ko kayo!" Pasigaw kong wika habang nasa loob ako ng Comfort Room, labis ang aking pagkakairita at panggigigil sa mga kumakalaban sakin.
Lumabas ako ng Comform Room na parang normal lang, agad akong bumalik saming room at agad napaupo sa aking silya.
Agad kong kinuha ang blood juice na aking baon at agad itong ininom, sa sobra kong galit ay naubos ko ang isang baunang malamig at malapot na dugo.
Nag pamggap akong normal at tumahimik lang saking silya, mananagot talaga sakin ang kumakalaban sakin, maghintay lang kayo.
SECOND PERSON'S POV
"You did it well sis!" Pangpupuri sakin ni Gwen, agad naman akong napatawa saking ginawang pananakot sa Unique Section.
"So pano mo ginawa yung kay Gerald?" Tanong ko kay Gwen, agad naman itong sumagot.
"It's very easy sis! nilagyan ko lang naman ng muriatic acid yung drinks nya at nilagyan ng maliit na papel ang sandwich nya kanina." Pagmamalaking wika ni Gwen, agad naman akong napapalakpak sa kanyang ginawa.
"Very good." Maikli kong pampupuri sa kanya, agad naman akong kumuha ng maiinom naming wine, nilagyan ko ng dalawang glass namin, agad kong binigay kay gwen ang isang glass of wine.
"Cheers!" Sigaw ko kay gwen, agad naman kaming nag cheers at agad uminom ng wine.
"The play is just started, hahaha!" Sigaw ni Gwen, agad naman akong napatawa sa kanyang mga sinambit.
"Yeah, its just started." Dagdag ko, napuno naman ang kwarto ko nang katatawanan.
"So what's our second plan?" Tanong ni Gwen, agad ko naman syang sinagot.
"We have to haunting that Librarian, makakasira sya sa mga ipaplano natin." Wika ko kay gwen, agad naman naging interesado ang mukha ni gwen.
"And then?" Tanong pa nito.
"Uunahin nating ang mga boys, para maging masaya pag girls nalang ang matitira, maraming sigawan, hahaha!" Patawa kong wika, agad naman tumawa si gwen.
"How about... the teachers?" Tanong ni gwen, agad ko naman siyang sinagot.
"Unique Section lang ang target natin diba, kung may haharang edi go! patayin natin sila." Wika ko, napangiti naman si gwen saking mga sinabi.
"Its our time to revenge sis." Wika ni Gwen, napatango naman ako sa kanyang sinabi, tama nga sya, time to revenge na, maghiganti sa Unique Section.
"So sino ang isusunod natin?" Tanong ni gwen, agad naman akong sumagot sa kanyang tanong.
"Diba magsesembreak na, Dun natin sila iisa isahin." Wika ko, agad naman akong napadekwarto at napatawa saming mga pasabog na gagawin.
--------------------------------------------------------x
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Misteri / ThrillerQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.