ICE'S POV
Nung sinabi mo kasing pabalik ka na, hindi na ulit ako umorder ng pastry pero dapat talaga oorder na ako. Gusto ko kasi sabay tayo mag dinner. Tagal natin hindi nagkita, namiss kita.
Hinintay talaga nya ako kahit late na ako nakarating. Partida, na-delay pa ng flight ng kaunti, mga 30 minutes.
Wow naman, namiss ako ng girlfriend ko, isang linggo lang naman tayo hindi nagkita ah?
And so? Mahaba na din ang one week ah. Dami ko ding kwento sayo...
Tumagal kami ng 2 hours sa fastfood resto. Naparami din sya ng kain at kuwento. Napa video call din si ate samin sandali para mangamusta.
--
Bukas na namin malalaman kung sino ang mga hindi na pinalad na tumuloy sa airline. Bali kung sino-sino ang mga hindi nakapasok, obviously...
Umakyat muna ako sa room nya para mag goodnight, maaga schedule ko bukas. Sya naman daw tanghali pa.
Tanghali ka pa bukas, pero ready na agad isusuot bukas ah?
Of course, para mag aayos at kakain na lang ako bukas.
Goodnight babe, I love you!
I love you too, babe!
I kissed her sa cheeks and forehead. Yep, we kissed before pero para sa amin, hindi sya tama. Nadala lang kami ng emotion that time.
Papunta na ako ng room nung nakita ko si Khel sa harap ng pinto. Two bottles daw sana. Pinagbigyan ko na pero tumawad ako ng isang bote, baka mapasarap tulog ko, madaling-araw pa naman ang gising ko. Nag inom kami sa bahay. Nalulungkot daw sya sa mangyayari, at sana daw magkita parin kami bukas.
I appreciate this guy, from day 1, kasama ko na sya. Nakita ko rin kung paano nag progress ang buhay nya, at ngayon, he can finally live his life.
---
TORI'S POV
Tinanghali na ako ng gising. Pero okay lang, closing pa naman ang shift ko.
If you understand, yes, you read that right. This is my first day as ticketing sales agent sa isang travel agency.
I hang my FA uniform as a symbol na kahit hindi ako napili, para sa pangarap, hindi titigil.
I cried so much paglabas ko ng office after they said na hindi na ako included sa airline. First job ko yun, mahal na mahal ko ang trabaho ko. Mahirap pero sulit sa lahat ng lugar na napupuntahan ko, the experiences... At kung hindi dahil sa trabaho kong yun, hindi ko ulit siguro makikita si Ice.
Until now, hindi parin nya alam na hindi ako ang isa sa mga natanggal, ang alam nya tanghali ang shift ko and hindi kami magkikita for the next two days so until then, hindi pa nya malalaman.
Binigyan kami ng 30 days para makapag prepare and para na din makapag hanap ng trabaho, and I'm so lucky na nakahanap agad ako.
Remember Mrs. Medrano? Sya ang isa sa may-ari ng travel agency. Their family usually travel kasi kaya nung kinausap sya ng bff nya about having an agency, she grabbed it agad-agad.
Nagkasalubong kami sa isang building somewhere, doon daw sila nag stay for 2 days para sa isang beauty convention. Saktong lunch kaya kumain na din kami. Gawa ng ninang din naman ako ni Victoria at mag kumare na rin, kinuwento ko sa kanya ang nangyayari sa airline. Nagulat ako sa excitement ni Ma'am.
Tori! I am so lucky today! We really crossed paths for a reason! Doon ka na muna sa travel agency namin ng bestfriend ko mag trabaho. Tatapatan ko ang rate mo sa airline, just be with us. When opportunity knocks, you can leave naman basta sabihin mo sa amin. Basta ha? Please, I believe in your skills. You can't say no to me!
And that's it. Natapos agad ang job hunting ko. One tricycle ride lang daw from our apartment ang office nila kaya hindi na ako mahihirapan sa byahe.
Maswerte parin ako dahil hindi ako pinabayaan ni Lord. Literally another opportunity opened.
Hindi naman ako nahirapang mag adjust sa work kasi yun naman ang ginawa ko noong nag OJT ako. Refresher lang sya sakin kumbaga, then work na. But before that, since bago pa lang ang agency, nag distribute kami ng flyers malapit sa office. Hindi din ako naka attend ng grand opening, last day ko kasi nangyari yun. Kasama namin ang bff nya na si Ms. Casiño. Bihira ka na lang talaga makakahanap ng mababait na boss.
Minsan Vicky, okay lang ba na mag tour guide ka?
Ako namang si wala pang alam, nag oo naman! My gosh ano ba 'tong pinasok ko?
Don't worry, dalawa naman kayo sa bus. Panuorin mo muna yung partner mo, they will help you naman and of course pag aralan mo na din yung lugar na pupuntahan prior to schedule para kahit paano makapag rest ng kaunti ang kasama mo. I'm sure you'll get it in no time.
Ke bago bago ko pa lang, pero yung tiwala nila sa akin, ang bigat dalhin. It's not that nagrereklamo ako ha? I am so blessed! Kaya I will make sure na hindi ko sasayangin ang tiwala nila sa akin.
--
First day was good, mas pagod mentally, daming bagong info but okay lang ganun naman talaga. May moment na nae-excite kasi I will be a tour guide minsan, hindi na masama kasi makakapag-travel parin ako.
Ice texted me, saan daw ako naka assign today. Hindi ako makasagot, baka hanapin nya ko sa mga katrabaho namin dati at kamustahin ako. Nasa layover sila ni Michael sa Hongkong. He is asking also kung ano ang gusto kong bilhin nya but I refuse and said sya na ang bahala. He asked again kung saan pero di na ako nag-reply, hopefully isipin nya na lang na nakatulog na ako.
--
Yung lakas ng katok sa pinto ang gumising sa akin. Tanghali na.
Sandali!
Imposible namang siya yun. Sabi nya hapon pa daw sya makakabalik.
...
Babe... Why? Of all people bakit ikaw?
He's looking at my FA uniform hanging and then to me.
My eyes just watered, pero ayaw bumagsak ng mga luha ko.
Niyakap nya ako at doon ko na sa damit nya binuhos lahat ng luha ko.
You didn't tell me kung nasaan ka kahapon so I checked the schedule, kinulit ko lahat ng pwedeng kulitin, malaman ko lang kung saan ka, gusto ko makita ang pangalan mo pero bakit wala ka?
Hindi dapat ikaw babe. It should be... It should be me. This is your dream, your passion, your career! Why they took it from you?
It's your dream also, we both do. But that's how life works.
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next? Update every 5 days
