Verdict

1 0 0
                                        

TORI'S POV

Months passed, of course happy kami as usual. Pag nagkakasabay rest day namin, nag gagala na kami sa mall, trying every resto and nirereview namin menu nila.

Ang nakakatawa is naisipan namin one time na bumili ng same shirt, so couple shirt ang dating at sinuot namin pagkabili, and huwag kayo, nagpa picture kami sa photo studio! We felt like teenagers that day.

I remember na malapit na pala kami mag isang taon. Sa sobrang busy namin sa trabaho, hindi ko man lang naisip magplano ng surprise or gift para sa kanya. Sya kaya? Hmmm, I think meron kasi ginagawa nya yun sa ex nya.

Sa totoo lang, hindi naman mahirap pasayahin si Ice, kahit simpleng milk tea lang ibigay mo sa kanya, abot tenga na ngiti nya sabay thank you. Minsan nga, ayaw nya na ako ang sumasagot sa expenses tuwing umaalis kami which is minsan pinagtatalunan namin kasi parehas naman kami nagta-trabaho. We tried to have a joint account pero hindi natuloy kasi naalala nya yung sa ex nya.

Hindi naman sa wala syang tiwala sa future namin, of course I understand kung saan sya nangagaling. It's traumatizing and a long process for him din yun because matagal din naibenta yung future house dapat nila and pinaghatian which is obviously kailangan nilang magkita. But that was then. Anyway, I'm preparing for work na and sya naman nasa departure area na daw. Magkikita lang kami sandali and ako naman ang lilipad.

--

ICE'S POV

Nagmamadali ako ngayon kasi I'm trying to find a reservation for our upcoming anniversary. Gusto ko sana sa beach ulit kasi I know how she loves the water so much and this time gusto ko dalawa na lang kami. May pupuntahan ako sa Batangas na private resort for checking. Alam kong mahal pero para sa kanya, bakit hindi diba? All-in na naman ang package so wala na akong poproblemahin pa. Gift na lang... Hmmm... Napaisip tuloy ako kung ano ibibigay ko. What do you think?

--

May memo na binaba sa office, importante daw. Gusto ko nga sabihin na ni Khel, mas mabuti daw kung ako na ang magbasa in person. Bukas pa ang uwi ni Tori, sasalubungin ko na din sya at titignan na din ang memo na sinasabi nila.

--

Babe, nag aalala ako. Natatakot ako baka kasali ako sa lay-off.

Yes, you read that right. Magkakaroon daw ng lay-off ang company namin. Kailangan daw nilang magbawas ng empleyado. We both love the company at okay ang benefits pero dumadating talaga siguro ang panahong ilelet-go ka dahil kailangan.

Worried kami sa mangyayari syempre lalo na kay Tori kasi senior na sya and this is her 1st job. She doesn't want to let go. Pero kung isa daw sya sa mapipili ay tatanggapin nya.

I don't think na pati seniors kasama babe. Don't worry about it.

---

Kailan kaya yun sasabihin pre? Kinakabahan tuloy ako, nag huhulog na ako ng future house namin ni Chime. Pag nagkataon...

Hindi ka naman mawawalan ng work pre. Alam kong di magandang sabihin to ngayon pero dapat positive parin tayo.

Sana nga pre hindi...

Two weeks ago since nag baba ng memo ang company pero wala parin silang announcement kung sino ang mga mawawalan ng trabaho. Sa totoo lang, kinakabahan din ako but it won't help us if I will show that I am too, Tori is already worried about her future. It's hard to let go of your first work lalo na kung maayos naman ang sweldo and all tapos malalaman na lang na maraming malalagas sa amin.

Bakit pa pinapatagal ng mga boss ang pang announce? Patagal ng patagal lalo ako kinakabahan. Nakaka nerbyos pumasok. Sana sabihin na nila.

I'm thinking about her. Huwag sana sya ma lay-off. She contributed so much as FA and mentor. She's more experienced than me. Hindi baleng ako, wag lang sya.

--

TORI'S POV

Kakabalik lang namin from Laoag. Pinatawag ako sa office. Madami nang FA na pinatawag but they mum about the issue, so hindi pa namin alam kung sino ang mga aalis at hindi.

Pinag usapan na namin ni Ice ang about dito. I don't know what to feel pero 70% handa na ako sa kung ano man yung maging decision ng management. Pinatawag din si Ice kahapon but he said hintayin daw nya yung sa akin para sabay.

Grabe ang kaba at nerbyos ko. I thought almost prepared na ako for the worst. I believe naman na kung kasama ako sa malalagas may mahahanap agad akong trabaho. Yes, dapat ganito ang mindset. Ayokong panghinaan ng loob. I love this job so much, but as the saying goes, nothing is permanent.

---

1st day next month namin malalaman kung sino-sino ang mga matitira, then the next day, effective na ang lay-off. I don't know sa airline may ganito pang pakulo. Kahit na alam na namin ang resulta, hindi kami nagsabihan ni Ice. Two weeks na lang naman.

Yes, alam ko na din ang sa akin.

We went to a nearby coffee shop ng mga ka-trabaho after ng arrival. Galing kaming Zamboanga. Sabi nila, this might be the last bonding na complete kami at sakto pa na mga closest ko ang mga kasama ko sa flight. Ang tagal din naming nag kuwentuhan at madami na din kaming na order. Kadarating lang din ni Ice from Puerto Princesa, dumaan na sya doon at sabay na kaming umuwi.

--

ICE'S POV

Kinausap na ako ng company 3 weeks after ibinaba ang memo. Hindi ko din sinabi sa kanya na kinausap na ako ng higher ups. She told me na kinausap na sya a week ago. Hindi kasi kami mag kita-kita gawa ng hindi sya nag rest day at salungat ang mga schedule namin, nagkaroon pa sya ng 2 international flights.

Nag aya syang kumain kami sa labas after ko sya sunduin sa coffee shop. After namin iuwi ang mga luggage at nagpalit ng damit, umalis kami kaagad.

Babe, bilisan mo. Gutom na talaga ako.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon