ICE'S POV
I will take care and respect her of course, mabait sya sa akin tsaka sa kanila. Kaya kahit noon na college pa lang kami, gusto na nila siya para sa akin, ako lang talaga ang naghanap ng iba. But anyway, nakangiti lang din si Tori sa tabi ko habang magkausap kami sa videocall nila Mama. Binalitaan namin sila na magkalapit lang kami ng apartment at kailan nga lang ay nag beach kami at doon nya nga ako sinagot. Kilig na kilig sila sa kuwento ko. Syempre ako naman, ang yabang yabang ko na napasagot ko din sa wakas ang babaeng mahal ko.
One year? Or one year and how many months? I can't remember, na niligawan ko sya. Oo matagal, madaming lalake siguro ang maiinip. Pero ako? Of course not! She's Anna Victoria de Santos, she's worth waiting for!
---
Hindi pa alam sa trabaho namin na kami. Wala naman sa rules ng company na bawal magka-relasyon ang magka-trabaho. We chose not to let them know for now because wala lang, gugulatin na lang namin sila.
These past few flights hindi kami nagkakasama pati rest days. Sanay naman kami doon. Hindi tuloy makapag set ng schedule para sa mga parents nya, in 2 weeks pa same rest day namin.
--
Tumawag si Mama sakin, sabi nya pumunta naman daw kami ulit sa bukid. Maghahanda daw sya ng madaming pagkain at gusto nilang i-celebrate kami. Sila mama talaga, mas excited sila kaysa sa amin. Nag set kami ng 3 day leave para hindi naman ganun ka bitin pero matagal pa yun.
Laging kasama ni Tori itong si Darryl. Inaasar nga ako ni Michael kasi mukhang may gusto daw sya sa girlfriend ko. Kahit dumikit pa yan sa kanya, hindi nya magagawang lokohin ako, aba! Mataas ata ang kumpiyansa ko sa sarili, and I know she won't make me worry about our relationship. Hindi din alam ni Michael na kami na ni Tori kaya sobra kung asarin nya ako.
--
TORI'S POV
Hindi kami madalas magkasama ngayon ni Ice. Pero okay lang kasi kahit paano nagkikita naman kami kahit sandali lang. May times na hinahandaan nya ako ng food na baon ko lalo na pag domestic and I make one as well. Hindi rin nya maiwasang bigyan ako ng pasalubong kahit ilang beses na ako nakarating doon, so ang ginagawa ko na lang is bibili din ako for our parents na lang.
May news pala sila Tita na nabili na yung gusto kong lupa. Mabait naman daw yung may-ari and sabi nya na open for everyone parin ang ilog. Well okay na rin, wala naman ako magagawa at di pa sapat yung money na ipon ko.
Natatanga ako, upon searching, batis pala yung pinagliguan namin, hindi ilog! Hay nako, my elementary teacher will be so disappointed! Namimiss ko na tuloy ulit maligo doon, paano ba naman kasi, sobrang linis ng tubig at malamig pa. And of course dinala ako ni Ice dun that made the place unforgettable.
---
Nagkita na rin kami nila Mama at Papa sa wakas, and also, it's their first time na magkasama after separation. It's so refreshing to see na magkasama sila and nagtatawanan, parang tulad ng dati. But of course, that's just my imagination.
Nakita na nila kami at nahuling magka hawak-kamay kaya naman ang dalawa yung ngiti abot hanggang tenga. I formally introduce him as my boyfriend at si Mama! My gosh, tumili talaga sya and apologize agad to everyone in the resto. Ang warm ng pag accept nila sa amin.
Sabi ko na sa'yo Julie, magkaka tuluyan din sila. Nasaan na ang pusta ko?
Ma? Pa? Pinagpupustahan nyo kami?
Haha! Before pa kami mag separate ng dad mo, pinag usapan na namin yan na kung magkakatuluyan ba kayo or hindi. Of course I said no before kasi kakakilala nyo pa lang ni Ice. But you know, we really like him anak. Ayoko na ng iba ha?
Pag ikaw nagkaroon ng bagong boyfriend, hindi namin tatanggapin!
Grabe sila! Kabago-bago pa lang namin, hiwalayan agad at bagong bf nasa isip? I don't think that I will break up with Ice naman, in this day and age, I will date someone to marry.
We talked about everything and anything, hindi na nahirapan mag adjust si Ice kasi they are sharing stories before naman. Ang haba ng pag uusap namin, ang dami na din naming na-order na pagkain hanggang sa inabot na kami ng sunset. Ang gaan ng feeling ko, I'm so blessed to still have my parents after all of what happened and they're supportive of whatever decision I make.
--
ICE'S POV
Namasyal muna kami ni Tori sa mall and sabi nya na iwan ko muna sya kasi matatagalan daw sya maghanap ng makeup. Pumayag naman ako because I thought of giving her a gift. So I went off and bumili na ako.
Mabilis lang ako natapos and I'm just waiting for her outside the store. Tinanong nya kung anong dala ko but I said doon na lang nya buksan sa coffee shop. Though di pa kami nag dinner, medyo busog pa kami, madami kasing inorder si Tito.
Nag hot choco kaming dalawa, french toast and cheesecake. Binigay ko na sa kanya ang gift ko and she's thrilled dahil may new running shoes na sya. Napansin ko kasi na almost pudpod na yung shoes nya and nag iisa lang yun so I think na she'll be happy to receive it.
Sana di ka na nag abala, parehas naman tayong nag ta-trabaho, makakabili rin naman ako nito. But thank you, this is actually my first time to receive something, except for flowers and food.
She's not used to receiving gifts. Sya kasi ang giver sa amin ni ate. Pag birthday man or Christmas, kahit small things nagbibigay sya; and mind you, nakatago parin yun. I remember I received a letter from her thanking me for always being there for her, and kasama ng letter na yun yung wrapper ng chocolate na bigay nya nung nag pasalamat sya for helping her looking for Dave's new flame back then.
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next?
