ICE'S POV
Naaalala ko na naman tuloy, that I like her back then pero napaka duwag ko.
Babe keeps on thanking me until makauwi na kami. Hinatid ko na sya sa pinto ng room nya. You know what? She kissed me on my cheeks and hurriedly said good night, sabay sara ng pinto.
Nag freeze ako from where I'm standing. Then I knocked again kasi gusto ko ulitin nya.
Saka na!
Sumigaw na lang sya sa bintana.
Ayoko tuloy mag hilamos, tsaka hindi ko na feel ng maayos kasi biglaan. I touched my face baka oily, buti na lang hindi.
---
Months go by, ganun parin naman kami, walang pinagbago. Except sa pag sabay kami ng rest day, kung di gagala, sa bahay lang kami and movie marathon. Minsan, ka-videocall namin sila ate or mga parents namin. Si nanay naman simula noong natutong mag chat, palagi kaming kinakamusta and Tori never fails to call her kahit ilang minuto lang. Nag aalala kasi si nanay na baka daw sinasaktan ko sya at huwag daw mahiyang magsumbong sa kanila. Nagtatampo tuloy ako minsan kasi bakit parang mas anak nila si Tori. But kidding aside, she's glad because mas lumaki daw ang family nya. I understand them too kasi babae sya.
Dumating na ang araw na pupunta kami kila mama. Mas excited pa sila sa akin dahil may dagdag daw silang anak na babae. Nako, kung alam nyo lang kung gaano kagusto ng mga ito si Tori na noong college kami ay ayaw na nilang pauwiin kasi nga masarap daw syang pakainin at kahit anong ilatag nila sa mesa ay hindi tumatanggi. Maliban doon, ang sabi nila ay mabait at matalino din.
Pag bukas pa lang ng pinto ng kotse, sinalubong kaagad sya nila mama at niyakap ng mahigpit. Dinala agad nila sya sa kusina at tuwang-tuwa naman dahil ang daming pagkain. Ang tagal din ng usapan nila. Pinagagalitan ako, panay daw ang putol ko sa kuwentuhan nila, magdidilim na rin kasi at pagod sya sa mahabang biyahe.
Sa wakas at tinapos na ang usapan and to be continued na lang bukas. I asked her kung napagod sya sa kuwentuhan nila...
Nag enjoy ako. Thank you for sharing your family with me.
Pumunta na kami sa kabilang kubo at ramdam na ramdam ko na ang pagod kaya pumunta na ako sa dating kuwarto nila ate, naka lock!
Huy Pablo, kunwari ka pa! Tabi kayo matulog!
Si mama parang di ko magulang kung makapag salita. Inaasar nya talaga ako. Of course hindi ako pumayag at sa sala na lang ako natulog. Concern nga si Tori dahil malamok and the girl scout in her, nilabas nya yung anti-mosquito lotion.
Babe, yung mukha mo, lagyan mo na din. Baka mamaya putaktihin yan edi nagmukha ka namang kamatis?
Pinapikit nya ang mata ko habang nilalagyan nya ako sa mukha. Nung napansin kong nasa pisngi ko na sya naglalagay, dumilat na ako at hinawakan ang mukha nya. Tinitigan ko sya ng matagal at unti-unting lumalapit ang mga mukha namin.
Hmm, babe. You're too close. Matulog na tayo ha?
Natauhan ako dun. Don't get me wrong, she's so lovely. But hindi ko dapat pairalin yung urge to, you know. I won't do anything unless she tell me so.
---
Ang aga nya nagising, nakita ko nang nasa labas while preparing breakfast. After daw kumain, punta daw kami sa batis. Turns out, kababata pala ni Mama ang nakabili doon kaya welcome daw kami pumunta doon kahit anong oras namin gusto. They said also na expected na kaming pumunta doon.
Magdala kayo ng payong, mukhang uulan. Ingat kayo mga anak!
--
TORI'S POV
Ang kuwento sakin ni babe, kababata daw ni tita ang nakabili ng lupa. Balo na raw ito at may isang anak pero may sariling pamilya na at piniling tumira sa abroad kasama ang daughter-in-law na foreigner. I feel sad sa kuwento nya but he said that I shouldn't be worried dahil kasama naman nya yung long time kasambahay na hindi na nakapag asawa at katagalan naging bestfriend ng land owner.
Nakarating na kami at may maliit na kubo doon. May naka separate na cr. Bakit hindi nakadikit yung cr sa kubo?
Mga CR sa province usually have separate CR and main house.
So paano yan kung ihing-ihi ka na sa gabi? Nakakatakot kaya?
Of course, may arinola. Ikaw naman.
Buti na lang sa bahay nila tita, di naka hiwalay ang CR. Palaihi pa naman ako sa madaling araw.
Anyway, dumating ang friend nya. Name daw nya is Riza. Nagdala sya ng konting food and drinks because nalaman nya na favorite spot namin ito.
If you want to stay for the night, my mini kubo is available for you guys. Lalo na ngayon, palagay ko mukhang uulan ng malakas. Kung sakali, sumilong na kayo dito ha?
Ang bait naman nya. Ngayon pa lang nya kami nakita pero ang generous nya.
Umalis rin sya kaagad then the place are all by ourselves na!
Nagtanggal na ako ng damit and I'm wearing one piece swimsuit. Of course I'm ready na this time. I really missed this place, kahit isang beses ko pa lang nakita noon yung batis, I feel at ease, ang gaan ng pakiramdam ko.
--
ICE'S POV
I'm taking her pictures through her phone. Sabi nya kuhanan ko daw sya e. Mostly are stolen. Kahit anong anggulo, stolen man or hindi, ang ganda nya talaga. Bakit kasi ngayon ko lang sya nakita? I can't stop thinking at paulit-ulit yan sa isip ko every time tinitingnan ko sya.
Babe, tama na yan. Samahan mo na ako dito!
While nakaupo kami at naka babad, tinitigan ko lang sya while she's looking at the place. She really like this place. Can't blame her, the place is majestic, like sa mga nakikita ko sa palabas.
Ang ganda talaga dito babe, kung pwede lang sana di na tayo umalis ano?
BINABASA MO ANG
Last Chance
RomanceUp's and downs of love and life is Tori and Ice have... but what will happen next?
