ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷

102 37 0
                                    

Napwersang pumunta si Maria sa kanilang reunion dahilan sa ibinili pa siya ng kanyang ina ng bagong sandals na kulay brown ay yari sa abaca, sinuot na rin niya ang tokong na kulay itim at blusa na kulay balat. Dahil mahaba ang buhok na kulot ang buhok ni Maria lagi niya itong ipinupuyod imbis na ilugay kapag lalabas siya ng bahay.

Nasa isang resort si Maria sa Mactan na nagutla ang mga kaklase niya sa kanyang presensya na siya'y nakadalo sa reunion. Doon sa may silong naka-upo si Maria. Nilapitan siya ng kaklase niyang si Lavinia pareha silang nagkangitian.


"Musta na? Maigi at nakarating ka." saad ni Lavinia.

"Napilitan gawa ni Mami." tugon ni Maria sa kanya.

"Maigi at napilitan ka ilang beses na tayong nagrereunion at ni-anino mo wala akong nakikita ngayon lang," wika ni Lavinia.

"Ano'ng mayroon sa reunion ngayon?" tanong ni Maria.

"Hay naku! Ang dating akala kong kayo na naging sila na ni Neriza." tugon ni Lavinia.

"Ano'ng ibig mong sabihini?" kunot-noo na tanong ni Maria.

Napansin ni Maria na may ilang nakatingin sa kanyang gawi at biglang bulong ng dalawang babae na kaklase niya siguro sa isa't-isa, medyo matatanda na ang mga mukha ng kanyang kaklase hindi katulad niya na pinagkakamalan pang eighteen year old.

Ilang oras ang lumipas nakita ni Maria ang kakarating lang ni Neriza kasama nga ng dati niyang kras at tinapik na ni Lavinia ang kanyang hita paulit-ulit pero hindi malakas ang pagkakatapik. Mahaba at straight ang buhok ni Neriza, medyo may halong blonde habang kapit-kapit niya sa kamay ang kaliwang kamay ng kras niyang si Adrian.


"Tingin ko sa inyo mayaman ah!" hiyaw ni Rochelle.

"Thanks!" ngiting tugon ni Neriza sa kaklase.

Si Adrian naman ay maputi, matangkad, kulay itim ang buhok at naka-couple shirt ang dalawa na ikinakikilig ng ibang kaklase. Alas nueve pa lang ng umaga pero dama na ni Maria na alas tres na ng hapon, medyo nasasaktan siya sa nakikita dahil akala niya siya ang pipiliin ni Adrian.

"Bagay nga sila," wika ni Maria, "Pero hindi ako aatend sa kanilang kasal." dagdag pa ni Maria.

Hinarap ni Lavinia si Maria, "Bakit nga ba ikaw wala ka pang nobyo?" tanong nito.

Umiling si Maria, "Sabi kasi ni Adrian sa akin na antayin ko raw siya at mag-iipon lang siya." pigil ni Maria na hindi maluha pero halata na sa boses niyang kumakarag na.

"Huy, okay lang baka mayroong iba para saiyo." pispis ni Lavinia sa likuran ng kaklase.

"Sa tanda kong ito? Ewan ko lang Lavs...feeling ko magiging sugar mama na lang ako." tugon ni Maria.

"Hindi yan, hala tahan na." aniya.


Nagutla na lamang si Maria sa pagyanig ng selpon na nakita ang teks ng kanyang ina...

Maria, ika'y umuwi muna alam ko naman na napilitan ka lang sa reunion na yan, kaso andito ang Tita Jonalyn at may work siyang irerekomenda saiyo bago siya lumipad patungong Japan!


"Hi Maria!" ngising bati ni Neriza sa kanya habang si Adrian ay nagutla ang reaksyon sa kanyang presensya, "Musta na?" tanong muli ng kaklase.

"Ayos lang," ngiting tugon ni Maria sa kanya.

"Bakit yata naiyak ka?" tanong ni Neriza.

"Nanalo lang sa taya ko kaya napatears-of-joy lang ako at congrats!" pagpapanggap ni Maria na hindi siya nasasaktan.

"Well, salamat at maigi kami ang nagkatuluyan 'dba baby?" sabay harap ni Neriza kay Adrian.

"Yes baby ko." tugon na lamang ni Adrian sa dalaga na nagtungo na sa kanyang kaibigan na si Bernie.


"Maigi at hindi naging kayo ni Adrian ko," medyo mahinang sambit ni Neriza kay Maria.

"Siguro ikaw ang iiyak ngayon hindi ako." seryosong wika na ni Maria.

"Heh, galing mong magpanggap ha?" sumbat ni Neriza.

"Syempre mag-aartista ako eh!" tugon na lamang ni Maria.

"Napag-iiwanan ka na lola ang matress mo aayaw kapag nakatikim ng ligaya," nakapamewang na wika ni Neriza at lumapit na sina Rochelle, Jillian, Ruth, Roselle, Clarissa, at Erika.

"Neri, huwag dito." suway ni Lavinia.

"Wala akong ginagawa klasmeyt I'm just warning this old hag na susuko na ang matres niya for being an old bitch." tugon ni Neriza.

"Until today ganyan ka pa rin klasmeyt." wika ni Maria tsaka tumayo.

"Maria teka," nag-aalalang tawag ni Lavinia sa kaklase.

"At papalag ka?" taas-kilay na tanong ni Neriza.

"Papalag saan klasmeyt? Nakuha mo na lahat-lahat. Popularity, my soon to be husband, and friends tapos here you are parang may...kulang. Kulang pa ba Mrs. Neriza Madrigal ang mga good luck na nakukuha mo? O baby na lang kulang. Don't worry focus to Adrian at magkakababy din kayo pwera na lang kung baog ka." wika ni Maria.


Sinampal ni Neriza si Maria at napatingin lahat ng naroroon. May ilang guro na kakarating pa lamang ay napatingin na rin sa gawi nila.


"Baby?" tawag ni Adrian na nadinig ni Maria.

"Pinapahiya mo sarili mo sa lahat klasmeyt. Last mo na iyan because the next time papatulan ko kayo kasama ng mga alipores mo." babalang wika ni Maria tsaka tuluyang umalis.


Sumakay na lamang ng taxi si Maria at inabot ang isang maliit napapel sa drayber na nagsasaad ng kung saan siya ibababa. Ilang oras ang lumipas na bumaba si Maria sa taxi at sumakay na siya ng bus.

Naupo si Maria sa bandang gitnang parte ng sasakyan at natatangi na lamang ang bus pabalik ng Laguna. 

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon