ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟸

39 22 0
                                    

Jack

Araw ng Martes ke-aga-aga bromance itong dalawang 'to kabadtrip, kaso nung napangiti si Maria...halos napatitig ako.

Tsk

Kainis kung lagi niya lang gagawin yun baka magkaruon pa ako ng ganang makinig sa itinuturo nya.

"Isusulat nyo dyan sa papel so eto tanong...nakuhang hostage ang fiance mo ano ang gagawin mo?" wika niya sa amin, hindi naman siya maganda pero may awra siyang parang gusto ko siyang alamin.

Nagsulat ako ng sagot nung unang tanong niya ilang minuto pa ang pinalipas niya tsaka siya nagsalita muli.

"Ika-apat na tanong, kung nakita mong hubo't hubad ang fiance mo at nasa kotse mismo ng dating matalik mong kaibigan...ano ang gagawin mo?" wika niya na ikinakunot ko ng noo na mapapatanong ka na lang na bakit ito ang tanong niya?

Nanunubok ba siya?

Tumingin ako sa kanya na medyo nagutla ako dahil nakatingin siya sa akin at paniguradong nanunubok lang siya mostly sa akin dahil kahapon kong sagot.

"Napangiti ka kanina, bakit?" mahinahong tonong tanong ko sa kanya

"Ha?" ani niya sa tanong ko na parang ayaw niyang sabihin ang dahilan pero basa ko kung ano ang dahilan.

"Napangiti ka kanina sabe ko" pag-uulit ko sa aking tanong kanina sa kanya.

"Kailan?" tanong niya na hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya at baka umamin siya dahil sa titig kaso...sadyang iba ang titser naming ito aba, dahil pito na kaming guwapo sa buong bahay na ito hindi man lamang siya tumitili, tumatawa o kinikilig.

Pero yung nakita ko alam ko pati si Lester nakatingin din dahil kita ko sa dulo ng aking kanang mata.

"Hindi lang ako nakakita pati si Lester" tugon ko para malaman niyang hindi lang ako ang nakakita.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko at nakita kong nakatingin na sila halos kay Maria at doon lang...

"Wala may na-alala lang" tugon niya pero nakatingin siya sa lahatan at hindi sa gawi ko.

Tumayo ako at inilapit ang mukha ko sa kanang bahagi ng mukha niya at bumulong na...

'Kinikilig ka kanina dun sa bromance nung dalawa ano?'

Alam ko naman ito ang sagot eh...dahil nung nakatingin siya kina Gary at Jon na kung saan nagbromance na yung dalawa doon ko lang napansin yung pag-iiba ng kanyang paghinga.

"Mind your own" tanging wika niya sa akin tsaka lang ako bumalik ng upo sa upuan ko.


Raymond

Napansin ko pagkaka-upo ng kuya Jack ko hindi na siya matinag sa titig sa titser namin, hindi ko rin nadinig kung ano ang ibinulong niya dito na medyo sa tono ng boses ngayon ni Maria parang may sasapakin siya any minute.

"Ika-limang tanong, nakita mong mayroong band-aid sa kamay ang fiance mo ano'ng gagawin mo?" wika ni Maria sa amin. Para kaming mga batang nagsasagot dito pero hindi ko alam kung ganito talaga para maging perpektong mga asawa kami.

Pero sa nakikita ko para sa pinsan kong si kuya Jack? Okay na ganito medyo kalmado siya ngayon.

"Last, ano ang pinaka-ugat ng away sa tingin mo ng mag-asawa?" matapos niyang sabihin ang huling tanong halos abala kami magsulat ng kasagutan sa papel niyang inabot.

Ilang minuto pa ang lumipas habang nagsasagot sila at ako ngumunguya galit na nakatingin sa akin ang pinsan ko.

"Takaw mo aba" wika ni kuya Jack na napangiti ako sa kanya.

"Wala masarap yung fries eh" tugon ko pabalik pero napatingin ako sa gawi ni Maria na nakatingin siya sa akin.

"Buwaya ka, bakit mo inubos?" tanong niya na halos akala ko iiyak siya or masasapok niya ako.

"Luto na lang ako ulit?" suwestyong tanong ko sa kanya na tumango na lang siya at doon lang ako nakahinga ng maluwag.

Napa-isip ako na paano kung maging sister in law sa pinsang side? Saya siguro teka hindi lang pala masaya lagi ko pang maaasar ang kuya Jack. Dahil hanggang sa pagtayo ko nakatitig pa rin ang pinsan ko kay Maria na hindi naman siya tinitingnan.

Naubos ang maghapon namin na nagkukuwentuhan at tagaluto ako ng fries nakita kong medyo sweet sina Lester at Maria na napapabalik tingin ako sa pinsan kong si Jack, hindi ko sure kung saan siya nakatingin...kung kina titser Maria o sa telebisyon. Katabi ko si Kyle na naghuhugas ng pinggan.

"Feel ko nagseselos ang pinsan mo na feeling nobya na niya yung titser natin" wika ni Kyle at ikina-iling ko.

"Ngayon lang ganyan ang pinsan kong yan kaya masaya ako para sa kanya" tugon ko at ichineck ko ang fries na pinatay ko na yung apoy, nagluluto kase ako sa gasul baka masunog lang ang langis.

"Dba bawal?" paalalang tonong tanong ni Kyle sa akin.

Naalala ko ang sabi sa bawal...

1. No touch: labi, batok, leeg, dibdib, pwet, sensitive part sa harapan at sa ilalim ng dibdib.

2. No kissing: labi, pisngi at kahit saan sa mukha

3. No falling in love. Sapak aabutin.

"Bawal nga" tangu – tangong sang-ayon ko sa sinabi ni Kyle.

"Babalaan mo na at baka hindi makalabas yan dito" dagdag pa ni Kyle pero napa-isip ako paano kung sinasadya ni kuya Jack?

"Paano kung sinasadya ng pinsan kong hindi sundin ang bawal para magstay siya?" tanong ko kay Kyle na ikinatingin niya sa akin at nandilat ang kanyang mga mata. Medyo mahaba ang buhok ni Kyle siguro ang gupit ay three by three imbis sa tulad kong gupit ay three by two.

"Oo nga noh pwede din" sang-ayon niya sa sinabi ko. Kilala ko ang pinsan ko at panigurado yan ang dahilan niya, na mukhang tinamaan siya mismo sa titser namin ngunit ayaw pa niyang aminin kahit halata na.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon