✡Raymond✡
Pang-ilang babae na ba ang pinapatay nitong pinsan ko? Halos lahat ng pamilya ng babaeng pinapatay niya walang salitang reklamo o makapagdemanda.
Sino ba naman ang enggot idemanda ang pamilya? Kilalang pamilya ang pinsan ko Dincht Family mga mayayaman kilala sa iba't – ibang ampunan at foundations, at kilala ng mga pulis na pamilyang may prinsipyo pero this?
Etong ginagawa ni kuya Jack?
Wala nadamay na din ako kase lagi ko siyang kasama at matanda siya sa akin kaya kung ano iutos niya sumusunod ako. Tapos ngayon sapilitan siyang ipinapakasal kung kani-kaninong babae? Lalo na siyang mabwisit. No choice this time.
Ngayon nasa labasan kami sa isang restaurant with our tita na si Rachel mahaba ang buhok na nakatali ang buhok pabilog sa likuran ng kanyang ulo. Singkit at manipis ang labi pero pangahan at matanggos ang ilong.
"So may kakilala ako ang ngalan niya si Jonalyn since kausap na niya ang magtuturo I just want you both know na magsasama – sama kayo sa iisang bahay at ihanda nyo ang inyong gamit" wika ng tita Rachel namin na napatingin na lang ako kay kuya Jack at wala siyang pake kung ano ang sabihin ng tita namin sa amin.
Halos walang kulay ang pinsan ko siguro'y kaka-isip niya sa mga stress na ibinibigay sa kanya ng tito at tita ko.
"Eh ilan po ba kami halos doon?" tanong ko na napatingin sa akin ang kuya Jack at sa titig niya para niya akong kakatayin sa tanong ko na ngumiti naman agad si tita Rachel sa akin.
"Pito kayo lahat kasama si Jack" tugon niya at tumingin kami pareha kay kuya Jack na halos hindi ma-ipinta ang kanyang mukha.
"Ano'ng ibig mong sabihin tita?" tanong niya na kahit inis siya kanina may galang pa rin siya sa tono niya sa pagkakatanong sa aming tiyahin.
"Sabi ng kuya ko na tatay mo na isama na din daw kita kay Raymond, para turuang maging perpektong asawa sa magiging asawa nyo" tugon ng tita sa tanong ng kuya Jack.
Isinandal na lang ng kuya ang kanyang likuran sa inuupuan niya at hindi na nag-usap pa hanggang sa ipinapaliwanag ng tita Rachel namin na 10, 000 per head ang bayad sa magiging titser namin na kailangang ibayad ng aming mga magulang at per week yun na kung saan doon napakunot ang noo muli ng kuya Jack ko.
"Ten per head at tuwing isang linggo? Tita ano ito sinabi niya?" inis na tonong tanong ng kuya Jack ko kay tita Rachel namin
"Actually hindi, kami ni Jonalyn ang nag-isip nun at dahil isang titser na babae ang kasama nyo for the whole year, seryoso? Pitong lalaki at isang babae syempre wala siyang laban sa inyo" paliwanag ng tita Rachel namin at may kasamang depensa niya sa magiging titser namin.
"Hindi naman siya makikipag-away ah" singit agad ng kuya Jack na parang umaayaw siya sa bayad na sinasabi ng tiyahin namin sa amin.
"Mangken, mayroon din kami ni Jonalyn sa bayad nyong yun, masaya ka na?" medyo nalumanay na tanong ng tiyahin ko sa pagtatapat niya kay kuya Jack.
Hindi naka-usap ang kuya Jack nakita ko pang napalunok siya tsaka...
"Saan nyo nakilala yung titser?" tanong niya na tonong interesado siya.
Doon ako napangiti at tumingin sa pinsan ko "So Kuya interesado ka nyan?" medyo may tonong pang-aasar na tanong ko sa kanya, tumingin siya agad sa akin at parehang kilay niya nakasalubong.
"Nagtatanong lang ako" depensa niya na hindi ko maialis ang ngisi ko dahil dama kong pers taym niyang magkaruon ng interes sa titser.
"So type mo ngayon titser, ganun?" tanong kong tono pero hindi ko nakita sa reaksyon sa mukha niya na galit siya.
Hindi na siya nag-usap at tumingin na lang sa tiyahin namin na tumingin na din ako kay tita Rachel.
"Kapitbahay ni Jonalyn ang nanay ni Maria" tugon ng tiyahin namin sa tanong ng kuya Jack na nagutlang reaksyon ang ipinakita ni Jack sa sinabi ng aming tiyahin.
"Maria ang ngalan nung titser?" tanong ni Jack na talagang nahahalataan kong interesado siya na ayaw lang niyang aminin.
"Oo" sagot na lang ng tiyahin ko nakasuot ang tita ng one piece dress na kulay puti habang kami ng kuya Jack parehang nakapangjogging na kulay puti na kung sa kanya ay hoodie na itim akin ay hoodie na puti.
"Hala ngumiti siya oh!" wika ko na nakaturo pa dahil inalis din niya afterward yung ngiti sa labi niya
"Hinde ah! Tumigil ka dyan" inis na babalang tonong tanggi ni Kuya Jack sa sinabi ko
"Wow inlab sa ngalan nung titser namin" wika ko na nakangisi pa dahil ngayon ko lang siyang nakita ganyan na magkaruon ng interes lalo pa sa isang babaeng guro pa namin.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Tutor or Suitor
General Fiction[BIRTHDAY 2022] 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘩𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥. Six men come together in the same house, just to learn how to be the perfect husband to their future wife.