ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟺𝟹

27 16 0
                                    

Maria

Namaalam na kami nung nakita na naming kakadating lang nila Kyle at Yurie bahala na silang magpaliwanag, sakay ng taxi need ko pang umayos ng upo na parang dalagang pilipina.

Sino bang nagsuot ng ganito? Malamang ako namili...

"Sana nagshort ka sa suot mo" wika ni Jack.

"Ang alam ko kasi single pa ako kaya hindi ako nagsuot ng short" seryosong tugon ko sa kanya.

"Ayako din maniwala" aniya na napatingin siya sa bintana.

"Saan ba tayo?" tanong ng drayber na ngumiti ako.

"Ah, kuya sa sagradong pook po tayo" tugon ko na napatawa ang drayber alam na nila yun.

"Patawad hindi ko din masabi dahil ayakong maniwala sa binalita ni Raymond sa akin that time" wika ni Jack na nakatingin pa rin sa bintana.

"Sino kausap mo, hal?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin "Ikaw, alanganing si kuya...naman ihh" nagmaktol na siya sa harapan ko.

"Bakit kasi nakatingin ka sa bintana akala ko may kausap ka dyang iba" pagkasabi ko agad niyang kinapitan ang leeg ko at inilapit sa kanya; parehang mukha namin halos magkadikit.

"Magdeyt na lang tayo sa bahay nyo at least kumportable ka" wika ni Jack na tumango lang ako.


Pagkadating namin sa bahay ko tumigil si Jack na naroroon pala ang nanay ko na agad akong niyakap.

"Akala ko yung kasama mo kaninang lalaki ang fiance mo" wika niya na hinarap ko na siya pero hindi pa pala tapos ang nanay kong magsalita "Itineks ko pa si Emon para lang magsend ng larawan ng fiance mo" tsaka siya tumingin kay Jack at niyakap din.

"Jusko kaguwapo mong bata ka na ang shunga ng nanay mo aba hindi man lamang ako iniwanan ng larawan mo" wika niya na napa-iling ako.

Pumasok na kami sa loob at nakasunod lang sa akin si Jack halata mo sa itsura ng bahay namin nasa general cleaning na naman ang nanay ko at nadadamay lang ang nanay lebi ko. Habang sa pumasok ako sa kuwarto ko nakasunod sa akin si Jack.

"Ano nahihiya o natatakot?" tanong ko kay Jack.

"Wala sa pagpipilian" tugon niya sa akin.

"Kuwarto ko ito...Jack" aniko sa kanya at tumango siya ng isa tsaka...

"Alam ko" tugon niya na itinuon na niya ang kanyang kaliwang kamay sa hambana ng aking pintuan.

"Alam mo pala alis dyan" utos ko sa kanya.

"We are fiance" aniya at alam ko ang gusto niyang ipahiwatig kaso seryoso ba siya?

Napabugtong hininga ako.

"Alam ko Jack kaso kuwarto ko nga ito meaning kahit fiance kita bawal" inis kong wika sa kanya.


"Ah! Dyan na ba kayo magkukuwentuhan? Enjoy your time anak" wika ng nanay ko na tumingin pabalik sa akin si Jack.

"See" aniya na kinapitan niya ako sa bewang at itinulak papasok sa sarili kong kuwarto.

Siya na mismo ang naglock ng pintuan at tumabi sa akin na naka-upo na ako mismo sa aking kama nakatingin ako sa kanya at tumingin siya sa akin.

"Saan mo gusto magsimula?" tanong ni Jack.

"Simula saan?" tanong ko pabalik sa kanya na hindi ko tinugunan ang tanong niya at umaayos ako ng upo medyo may distansya sa kanya.

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon