Nagpaalaman na ang mga barkada ni Maria na inabot ni Sarah ang selpon niya kay Maria.
"Bawal kaya" balik ni Maria sa selpon ni Sarah.
"Gaga baka may ipapabili ka or what" ani ni Sarah na itinulak muli ang selpon.
Ini-abot muli ni Maria ang selpon sa kaibigan "Ikaw ang gaga tuwing Lunes ang aming grocery delivery" wika naman ni Maria.
Napa-iling na lang si Sarah at wala siyang nagawa na kung saan kumaway sila habang nababa ng hagdananng yari sa semento. Inantay ni Maria na maka-alis ang mga barkada hanggang sa makasakay ang mga ito sa kotse ng nanay ni Sarah.
Pagkapasok ni Maria ay isinarado na niya ka – agad ang pintuan na kung saan hawak – hawak na nila Ren at Jack ang parehong kwelyo, habang sina Kyle at Raymond ang pumipigil sa dalawa.
✡Maria✡
Sana pala kinuha ko yung selpon para may musika ako dahil kahit karaoke o telebisyon wala kami dito as in aral lang. Tapos eto na-abutan ko magbabanatan yung dalawa parehang nagkakagusto sa akin kaso isa sa kanila may fiance na at kabarkada ko pa!
Sus ginao!
Suitor na ang nangyari sa mga ito...
"Sino ba pulang manok sa inyo?" tanong ko na natahimik silang pareha.
Medyo lumapit ako para hindi ko na need na lakasan ang boses ko para lang marinig ako.
"Para kayong tandang na panabong" dagdag ko pa at nakapamewang na ako.
Hindi ko pwedeng ipakita kung ano ako syempre isasave ko yun mismo sa asawa ko...kung magkaka-asawa nga ako.
Naupo na ako "Oh start tayo sino'ng gustong magtanong?" tanong ko tsaka lang naupo sina Jack at Ren.
Nagtaas ng kamay si Lester "Bakit bawal ang hawak eh yun ang gawaing pang-asawa?" tanong niya na medyo nagsisimulang kumulo ang inis ko mula sa tyan ko.
"Dahil hindi kita fiance o asawa" tugon ko sa tanong niya.
"Dba ang pag-ibig hindi pinupuwersa?" tanong naman agad ni Ren.
"Hinde" sagot ko na hindi na siya natahimik at nagtanong pa.
"Eh bakit kami pinuwersa sa mga fiance namin na hindi naman namin mahal?" tanong niya muli.
May punto siya pero...
"Ipinuwersa ka kase hindi ka makapagdesisyon ng iyo at hindi ka pa makamove-on dun sa ex-gf mo" tugon ko sa tanong niya.
"Eh ikaw nga gusto ko!" hiyaw na niya sa akin.
"Hindi ako option! Nasaktan ka kaya naghahanap ka ng panakip butas sa nasaktan mong parte ng puso" hiyaw ko sa kanya na ikinatayo ko.
Medyo...naiinis na ako nasa dibdib ko na yung inis akala mong may alam wala naman.
"It doesn't mean na paulit – ulit kang nasaktan kukuha ka ng taong magmamahal saiyo paano naman yung mamahalin mo? Paano kung nasaktan din siya? May pake ka? Ha!" hiyaw ko pa.
Walang makapagtanong halos dama kong nasa leeg ko na ang galit kaya naglabas muna ako ng paghinga tsaka naupo muli.
Need kong kumalma natatanggal ang maskarang matagal kong hindi magalusan...
Tahimik kami pati ako.
Nag-iintay sila ng pagsasalita ko.
Nag-iintay kung kakalma na ulit ako.
May oras na dama ko na magkakasakit ako at gusto kong alisin ang akin maskara para makita ng ibang tao kung sino ako.
"Ano bang nagustuhan mo sa akin at kung makagusto ka kilala mo ako?" mahinahong tonong tanong ko kay Ren.
"Mabait at maalagaen" sagot ni Ren sa akin.
"Kailan mo huling naging kasama si Mimi?" tanong ko dahil panigurado ako hindi na niya kilala ang barkada ko.
"Grade four pa kami" tugon niya.
"Hindi kaya nagkakachat nitong twenty na kayo?" tanong ko muli na umiling lang siya.
Sabi na nga ba...hindi niya kilala si Mimi.
"Nakaka-awa ka cupcake" wika ko at medyo nasa tiyan ko na yung inis ko.
Nakalimutan kong ipaalala ukol dun sa pag-aalaga sa may sakit...shit naalala ko ulit sinabi ni Jack kaninang umaga.
(⊙_◎)
"Panigurado ang unang gagawin mo kapag nakasama mo si Mimi eh magdedeyt kayo" wika ko.
Dahil Linggo ngayon ehhh... nga pala ang mga labahin.
"Nga pala bago ko malimutan nakatoka sa paglalaba kayo Darl at cupcake" ngiting wika ko na wala akong narinig na reklamo. Good.
Walang nagsasalita sa kanila talagang very good napapakalma ako hindi matigas ang ulo nila this time.
"Na alala ko ukol dun sa kapag nagkasakit ang fiance nyo sisiguraduhin nyong kayo ang mag-aalaga, bakit? Dahil kapag kayo ang nagkasakit hindi kayo aalagaan ng fiance nyo o soon to be wife nyo" wika ko at inaantay na sila'y magsalita o magtanong.
Napansin kong napakagat labi na lang si Lester pati si Jon.
"Ed may puntos na si Jack saiyo?" tanong ni Ren ulit.
"Ganun na nga pero it doesn't mean na may puntos siya ay paborito ko hindi tayo bata dito" ani ko na tumango lang sina Gary at Kyle.
"May tanong pa ba?" tanong ko na umiling silang lahat tsaka lang ako tumayo medyo antok pa ako. Kaso wala akong tutulugan ng tanghali kaya sa sofa na lang at bago ako maupo kinuha ko yung piatos na nacho pizza ang flavor tsaka ako naupo.
Napa-isip ako dapat may labas din kami at hindi pwedeng bahay lang...siguro pa minsan minsan tsaka open ang linggong araw teka eh bakit andito pa si Raymond? Supposed to be wala na dba?
"Raymond" tawag ko na agad siyang lumapit at naupo sa tabi ko.
"Bakit Ate Maria?" ngiting tanong niya.
"Bakit andito ka pa eh kayo na ni Jennica?" tanong ko.
"Ah bukas aalis din ako kaso sure ka ba? Kase ang pinsan ko-" tigil ni Raymond.
Halatang nag-aalala siya kay Jack ano bang meron sa pinsan niya eh wala naman sa bio data niya na sakit o kung ano man?
"Don't tell me may sakit si Jack na cancer?" mahinang agad na tanong ko.
"Wala ah!" gutlang agad na sagot ni Raymond na napa-iling ako pero nakangiti.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Tutor or Suitor
General Fiction[BIRTHDAY 2022] 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘩𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥. Six men come together in the same house, just to learn how to be the perfect husband to their future wife.