ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟽

46 27 0
                                    

Maria

Kung hindi ko bubugbugin yung lalaking nang-aasar sa akin kinakaladkad ko na may tali hanggang labasan dba parang bully ako? Pero ganti lang yun kase nilala-et nila ang kapatid ko as bakla hindi naman...lalaki yun oy~

Tsaka sino'ng hindi maiinis eh kapatid ko ang sinasabihan nila ng kung anu – ano? Grr...kakagigil ng laman.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras nang umandar ang sasakyan namin dahilan at hindi na ito tumigil, pansin kong dirediretso lang ang sinasakyan namin tapos lumiko sa isang gate na may sikyo.

Nagpakita ng i.d. ang drayber tsaka pumasok sa loob halatang mayayaman lang ang nasa loob ng isang subdibisyon na ito. Lumiko muli kami sa kaliwang bahagi tsaka tumigil ang van na sinasakyan namin.

"Andito na tayo~!" masayang tonong hiyaw ni Jhairra sa likuran ko at pina-una ko muna sila tsaka ako sumunod.

Nakita ko na niyakap si Jhairra ng isa pang babae na matanda pa sa kanya. Nakuha ng atensyon ko ang anim pang lalaki sa kanang gawi nila na nakatingin sa gawi ko, lahat sila anak ng kapre...ang tatangkad aba.

Bumalik tingin ako kina Jhairra na kinapitan na niya agad ang kamay ko at iniharap sa matandang babae na nakangiti.

"Ako si Jasmine kapatid ako ni Jonalyn bale ganito titser naipaliwanag na ba ng kapatid ko kung ano ang ituturo mo sa pitong lalaking estudyante mo?" tanong ni Jasmine sa akin medyo hawig nga sila ng tita Jonalyn maliit na babae, maputi, mahaba ang buhok pero hindi katangusan ang ilong hindi katulad ng tita Jonalyn.

"They are here to learn how to be a perfect husband to their soon future wife" tugon kong ulit sa kanya na ikinangiti niya at inabot ang isang kard na kulay berde.

"Dyan namin ilalagay yung suweldo mo every week yung groceries every Monday ang bills naman kami na ang magbabayad tapos anu pa ba?" tigil niya na parang kausap niya ang kanyang sarili.

"Labandera tita" paalalang wika ni Jhairra kay tita Jasmine

"Ay oo ang labandera every Sunday pupunta teka kokontakin ko muna" wika ni tita Jasmine na kinapitan ko ang kamay at tumingin sina Jhairra pati si Jasmine sa akin na ikinagutla sa ginawa ko.

"Bumili po kaya ng washing machine yung auto? Para sampay na lang gagawin namin" suwestyon kong sinabi sa kanila na nagkatinginan pa sila tapos balik tingin sa akin.

Ngumiti si tita Jasmine sa akin "Talagang pwede ka na mag-asawa aba" ani niya na kulang na lang kilitiin ko siya kaso hindi ko siya kaclose, kaya nagpilit na lang ako ng ngiti bilang reaksyon sa kanyang sinabi.

"Sabi ng tita ikaw lang daw ang walang sariling kuwarto" singit ni Jhairra na ikinakunot ko ng noo.

"Bakit ho?" gutlang tanong ko na ngumiti lang si tita Jasmine sa akin tsaka ako kinapitan sa parehang balikat.

"Syempre ikaw asawa nila kaya wala kang kuwarto at ang ilang damit mo dapat meron ka sa bawat asawa mo" paliwanag niya sa akin habang may ngiti sa kanyang labi.

May choice pa ba ako?

10,000 pesos per head so meaning meron akong 70,000 pesos per week? Saan ka makakakuha nun? Kahit ibenta mo atay mo hindi ka makakakuha ng ganyang kalaking pera. Kaya lang naman ako gusto magwork para may maishare ako sa family ko.

Sinabi na lang din sa akin ni Jasmine na may cctv camera sa buong bahay na tanging ako lang daw ang may alam; para daw alam ko na safe ako just in case na may gawing kabalbalan ang pitong lalaki. Inabot din sa akin ang isang brown envelope na naglalaman ng bio data ng pitong estudyante ko tsaka sila umalis pareha ni Jhairra.

Bitbit ang dalawang bag na naglalaman ng gamit ko papaloob, pati ang inabot sa aking envelope habang nasa loob ang credit card na kulay berde.

Hindi ko alam kung sumunod ang anim na lalaki sa akin pero dumiretso na ako sa loob, na kung saan itinabi ko muna ang bag ko sa unahang sofa na kulay balat. Doon ko nadinig na kasunod ko lang sila. Medyo hindi ko pa naihanay sa isipan ko gagawin ko at tanging sabi lang sa akin ng tita Jasmine eh sa lalong madaling taon ay magsimula na ang turo ko.

Bukas siguro ako magsisimula. Kapag bagong lipat ang mag-asawa malimit silang nag-aayos ng kanilang gamit at dahil wala akong kuwartong akin eh sa kanila ako makikikuwarto depende pa kung sino ang asawa ko sa araw na yun...

Teka wala pa yatang araw.

Σ(゜ロ゜;)

Kapit ang envelope naupo muna ako sa lamesa pero nagsimula muna akong magluto ng kanin. Wala akong nakikitang lutong ulam pero puno ang refrigerator ng mga panganga-ilan sa pang – araw-araw.

Matapos kong isaklang ang hinugasan kong bigas sa rice cooker doon ko ibinaba ang button tsaka tinakpan. Umupo na ako sa upuan at hinarap ang envelope tiningnan ang bawat bio data ng pitong lalakeng tuturuan ko, may katabi na din akong isang kuwaderno na nakasaad doon ang araw kung kelan ko sila asawa at tawag...


Dba nga? I need to teach them to be perfect husband para sa kanilang asawa, so need kong magpretend or umarte as a wife for them.

Pretend no feelings.

Ang boring kong tingnan kung titingnan nila ako...

Tumingin ako sa gawi nila at oo...shek! nakatingin nga sila...langya.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa sinusulat ko, at ano bang araw ngayon? 

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon