✡Maria✡
Matapos kong magbihis tinawag na ako ng aking ina at naupo sa sofa na malapit sa pintuang labasan, pero ang lalaking kaninang naroroon ay nakasakay na sa van maliban sa kaklase kong si Jhairra na naroroon at naka-upo din.
"Kamusta ka na Maria?" tanong niya sa akin
Hindi ko siya kaclose noon kase grupo niya halos magaganda tapos may ilan siyang kasama na plastik pang kausap.
"Okay lang" sagot ko na mahalataan niyang wala akong iniisip na kung ano pero nakatingin lang ako sa nakangiting si tita Jonalyn at ang nanay ko katabi na din ng tita Jonalyn.
"So ganito nini" panimula ng tita Jonalyn sa akin at nakangiti pa rin na napatingin ako sa nanay ko na nakangiti din at nakathumbs up pa.
"Ten thousand per head at ang bayad ay once a week" wika ng tita Jonalyn na ikinagutla ko
"Teka ho bakit ang mahal naman? Special ba tuturuan ko?" tanong ko agad alam ko kase mahal kapag mga special students ang tuturuan at once a week? Gaano kayayaman ang mga tuturuan ko?
"Pito ang tuturuan mo na lalaki na naipaliwanag ko na sa mother mo na doon ka muna for one year" pagpapatuloy ng tita Jonalyn ukol sa trabahong papasukan ko.
"O-one year?" utal kong tanong sa kanya at tumango si tita Jonalyn sa tanong ko na bakit aabutin ng one year ang turo ko?
"Ano po bang ituturo ko at aabutin ng one year?" naglakas loob akong itanong kase ako ang titser dapat alam ko ang ituturo ko.
"They are here to learn how to be a perfect husband to their soon future wife" tugon na sa akin ni tita Jonalyn na ikinagutla kong niyakap ako ni Jhairra.
"Ikaw na bahala sa kapatid ko ha?" tanong niya na sa tono niyang sinabi na oo lang ang isasagot ko.
Nakita kong inihanda na ng tita Librada ko at kapatid ko ang mga damit ko na nasa isang bag na dihila, at inabot na lang sa akin ng nanay ko ang pabertdey niyang maliit na bag. Ang laman ng maliit na bag ay ang alkohol na maliit, vicks, pitaka ko at isang sobre.
Niyakap ko muna ang nanay ko syempre mamimiss ko siya na matapos sa kapatid at tiyahin ko. Pinipispis ng tiyahin ko ang likuran ko sabay bulong niya sa akin na, 'Makakuha ka sana ng nobyo sa pitong tuturuan mo ha?' agad akong napatingin sa kanya habang nakangiti pa siya sa akin
"Haluhh ka, naynay ha?" ngiting wika ko na pinisil niya ang pisngi ko at ang mother ko niyakap muli ako hindi niya ako binulungan pero normal niyang sinabi ang katagang...
"Pakabaet ka ha? Huwag kang mang-aaway ng lalake" paalala sa akin ng mother ko na tumango lang ako at niyakap ko muli ng mahigpit.
"Be good huwag yung kapag nainis ka eh, patutumbahin mo instantly" dagdag pa ng aking mudra at pina-alala pa.
"Mii, naman ihh!" maktol ko sa kanya na nadinig ko na natawa siya tsaka niya ako iniharap sa kanya at seryoso ang kanyang mukha
"Pero seryoso anak, wala ng guidance sa pupuntahan mo at be professional nasa work ka" paalala muli ng aking ina sa akin at tumango lang ako.
"Trabaho lang" tugon kong tangu – tango ako sa harapan ng nanay ko nung nagsalita muli si Jhairra.
"Haluuh tita, baka naman po pumalpak ang trabaho niya kung magpapakapropesyunal si Maria" wika niya na paglingon ko seryoso ang mukha niya at tumingin ako sa nanay ko na tumango tsaka ako kinapitan sa parehang balikat.
"Oo nga noh oh anak don't be professional at be yourself pero no suntok ha?" napangiti na lang ako sa sinabi ng aking ina sa akin.
Matapos ng paalaman pina-una akong pumasok ni Jhairra sa loob ng van "Yan tabihan mo yang kapatid kong mukhang shokoy" pang-aasar ni Jhairra sa kapatid niya na tumawa yung isa pang babae
"Grabeh ka ate mamaya hahabulin ka nyan ng palo sa pwet" wika ng babaeng tinabihan ni Jhairra at si tita Jonalyn naman kumaway bago isarado ang van na aming sinasakyan.
Pinaka-ayakong pangyayari eh mamaalam naiiyak ako at kapag naiiyak ako meaning I'm weak, tumatak sa isipan ko yun dahil sa tatay kong sumalangit na. Laging sinasabi ng tatay ko na ang luha ay para sa mahihinang tao kaya kahit napapalo ako hindi ako naiyak.
Inabala ko ang isipan ko kung paano ko tuturuan ang pitong lalaki para maging perpekto sila sa magiging asawa nila.
Pitong lalaki sa tig-iisang araw. Hmm. Tama yun.
Dapat pati may tawag na sweet syempre asawa nga eh dba? Pero walang totohanan kase nga work lang. Hmm. Tama yun.
Paano kung mayroon silang work?
"Huy Maria" tawag sa akin ni Jhairra na kinukuhit pala ako sa ulo
"Ah bakit?" tanong ko na tumingala pa ako para lang makita ko si Jhairra pero sa dulo ng mata ko nakatingin ang katabi kong kapatid niyang lalaki.
"May tanong ka ba? Tahimik mo eh" ani niya na may worry sa tono ng pagkakatanong niya sa akin.
Tamang – tama at tinatanong niya din ako.
"Ano may work ba yung pitong tuturuan ko?" tanong ko na bigla siyang ngumiti; isang ngiting may ibigsabihin.
"Wala 24/7 silang nasa piling mo" tugon ni Jhairra sa akin sabay kindat at nakangiti din yung katabi niyang babae.
Bumalik tingin ako sa harapan nasa high way na kami at nakatigil ang mga sasakyan, medyo makulimlim ang kalangitan pero wala namang nagbabadyang uulan. Tahimik ang aming naging byahe na kung saan hindi ako natulog habang nangangantahan naman sina Jhairra tsaka ang katabi niya.
Ilang minuto natigil tsaka ko kinuhit sa ulo muli ni Jhairra.
"Maria" tawag niya sa akin at tumingin muli ako pero this time nilingunan ko na siya.
"Bakit?" seryosong tanong ko kay Jhairra na nakatingin din yung katabi niyang babae sa gawi ko.
"Ano bang ginagawa mo sa mga lalaki at napapaguidance ka?" tanong ni Jhairra sa akin na iniisip ko pa ang isasagot.
Kase ganito yun...
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Tutor or Suitor
General Fiction[BIRTHDAY 2022] 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘩𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥. Six men come together in the same house, just to learn how to be the perfect husband to their future wife.