ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸𝟺

34 16 0
                                    

Sarah

"Teka kaninong kaarawan?" tanong ni Maria sa akin.

"Hay nako Aling Maria kay bugok na maganda ikaw gusto nya kasama sa kanyang wonderful bertdey na busted ng kababata nya" wika ko sa kanya.

"Ah! Kay Mimi" naalala din ni Maria...kaloka.

"Don't tell me halos abs ng mga" tigil ko sabay lumapit ng konti kay Maria na hininaan kong wika na "Papops ang nasa isip mo at nilimutan mo ang bertdey ni krung krung ha?" tanong ko na sinuntok ako sa tyan.


Napayuko ko saket ha infairness hindi siya nagbabago tibs ang isang to.

"Ikaw krung kapag hindi mo tinigilan kakasuntok walang manliligaw saiyo maliban sa isang kilala ko" ani ko na dahan – dahan akong tumunghay.

"At sino'ng mangangahas?" tanong niya na kinuha na niya yung paper bag sa akin.

"Si Ilo your labs" ngiting tugon ko sa kanya at nahampas niya ako sa baraso.

"Gaga kita mong nang-iwan" mahinang wika niya na napansin kong malapit na ang mga papops kaya hinarap ko at nakapamewang ako habang nakanguso.


"Ano'ng tinatanga nyo dyan? Nag-aabang na malaglagan ako ng panty? Kase papops kayo? Kapal lang ha?" iritang tanong ko sa mga lalaki isa sa kanila umiling yung medyo masungit ang mukha. Yung mukhang inchik beho na kasing payat ng kawayan nagback-out pero isa ang nakangisi at lumapit pa.

"Bakit malalaglagan ka ng panty?" nakapamulsa ang pareha niyang kamay sa suot niyang panjama na kulay puti, medyo maputi at astigin ang peg baka si Mimi ang malaglagan pa ng panty sa isang ito pero ako? Hah! Asa.

Ngumisi ako "Kapal naman ng mukha mo tutoy baka gusto mong ibagsak kita dyan oramismo" puma-unahan ako kay Aling Maria at nakatapis pa habang sinisilip yung paper bag kong bitbit.

"Wow dapat ba akong matakot?" tanong niya.

"Sino ba ito Aling Maria ha?" tanong ko kay Maria na sinilip ko lang siya saglit pero balik tingin sa lalaking kaharap ko.

"Si Darl" tugon ni Maria na nagutla ako at napatingin sa kanya.

"Kayo na?" tanong ko.

I know it sounds stupid but this kind of guy? Mas matino pa si Ilo dito eh.

"Hindi ah" tugon ni Maria sa akin.

Matapos nya doon sa paper bag ibinalik niya sa akin ang paper bag tsaka niya kinapitan maigi ang nasa gitnang bahagi ng mismong dibdib niya. Dumiretso siya sa isang kuwarto at sinenyalesan lang akong mag-intay habang ang limang lalaki kasama na yung Darl daw niya andito.

"So kaanu – ano mo si Darl?" tanong niya sa akin na ikinataas ko ng kilay.

"Barkada at hindi ako maniniwalang kayo na ni Aling Maria dahil mas matino pa si Ilo saiyo" wika ko na medyo napakunot na sila ng noo as in pati yung mukhang masungit pati yung guwapong mukhang intsik beho.

"Sino'ng Ilo?" tanong nung matangkad...kapre.

Nagutla ako nung lumabas na si Maria sa kuwarto nakapanjama at nakanight gown na itim may bra naman kaya ayos pero seryoso?

"Kailan ka pa naging chicks?" tanong ko na tumingin sa akin si Maria na seryoso ang mukha.

"Last week nung nagsimula ako magwork" tugon niya sa akin at hindi ako makapaniwala.

"Wow ganda mo pala kapag chicks eh" ani ko.

"Gaga saan daw ba?" tanong niya at pag-iiba ng konbersasyon.


"Pwede ka bang lumabas?" tanong ko bago ko siya sagutin sa tanong niya.

"Nope 24/7 akong nasa bahay" sagot ni Maria sa akin.

"Daig mo pa ang may-asawa" ani ko at umiling.

"Malamang yun ang tarbaho ko eh" sumunod lang ako sa kanya at nilagpasan yung pitong lalaking akala mong badygard hindi naman.

Hanuraw?

"Tarbaho mo ano? Maging asawa? Chaka ka" ani ko at boses kong hindi talaga ako as in hindi talaga ako makapaniwala.

"Gaga ang tarbaho ko pagpretend as asawa" tugon niya na lalo akong naguluhan.

"Don't tell me" tigil ko at hinarap niya ako.

"Basahin mo yung nasa harapan sa tapatan ng salas" utos niya sa akin at binasa ko nga ang nakapaskil doon.

Nakita ko ang nakapaskil mga bawal so yun ang work niya.

Tumingin ako sa kanya "Ganun ka ba talaga kadesperadang makakuha ng work?" tanong ko na nagkipit-balikat niya.

"Nilinlang ako'ng magtuturo ako pero hindi sinabing matatanda na" tugon niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Grabeh gusto na talaga ni titang magka-asawa ka noh!" wika ko na tumango lang siya at nagtungo na siya ng kusina.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon