Kinagabihan nagshower muna si Maria dahil Lunes ng gabi si Kyle ang kanyang katabi suot niya ang night gown na kulay itim pero hindi manipis tsaka panjamang kulay pula. Sa paglabas ni Maria naroroon si Jack seryoso ang kanyang mukha.
"Ah hal bakit?" tanong ni Maria.
Halos nakatitig lang sa kanya si Jack na bumugtong hininga lang ito tsaka inikot ang kanyang dila sa loob habang nakatingin sa dalaga. Paalis na dapat si Maria nang kapitan ni Jack ang kanyang kanang braso tsaka idinikit ni Jack ang kanyang mukha, sa bandang leeg at baba sa tagilirang mukha ni Maria
'May gagawin ka kutob ko' bulong ni Jack sa dalaga.
Medyo napalunok si Maria ng malalim tsaka umiling "Wala ah" ani na lang ni Maria kay Jack.
Doon lang binitawan ni Jack si Maria at pumasok na si Maria sa kuwarto ni Kyle.
Pagpasok ni Maria sa kuwarto napakunot ang noo ni Kyle "May problema ba beb?" tanong ni Kyle na umiling lang si Maria at ngumiti.
"Mayroon kang problema dahil medyo feel ko awra mo iba, gawa ba ni Jack? Nakita ko kase siya sa pasilyo bago ako pumasok sa silid ko" ani ni Kyle.
"Nagutla lang ako sa presensya ni Jack" mahinang wika ng dalaga na napangiti si Kyle.
"Mukhang ginigisa mo sarili mo sa sarili mong mantika ah" tonong pang-aasar ni Kyle kay Maria na ngumuso tsaka nakakunot ang noo ni Maria na nakaharap kay Kyle.
"Hindi ah!" maktol ng dalaga.
"Kunwari ka pa feel naman namin ni Gary na may pagtingin ka na kay Jack" wika ni Kyle.
"Eksyus me nagtatrabaho lang ako" tugon ni Maria kay Kyle.
"Oo na work lang tulog na tayo beb" wika ni Kyle tsaka tumango si Maria.
✡Lester✡
Araw ng Martes maaga ako'ng nagising para maibabad na ang mga labahin at kami ni Gary ang nakatoka sa paglalaba dapat ay Linggo pero naisipan namin na maaga kaming maglalaba. Tumingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng harapang pintuan 5:30 na ng umaga na kung saan nakita ko si Kyle na nakapalumbaba at nag-iisip.
"Aga mo ah morning" bati ko sa kanya at halos reasksyon niyang nakabasag siya ng limang plato sa takot na takot na mukha.
"Ano'ng meron?" tanong ko na nakita kong napalunok pa siya ng malalim.
"May problema tayo" wika niya na lalo ako'ng nagtaka kaya naki-upo ako sa katabi niya at nakapokus sa kanyang sasabihin.
"Ano'ng problema?" tanong ko at tumingin pa siya sa kapaligiran na baka may gising na tsaka tumingin sa akin.
"Hindi ko na katabi si Maria pagkagising ko" tugon niya na medyo isinandal ko pa ang katawan ko sa kina-uupuan ko.
"Baka lumabas lang?" tanong ko na umiling siya.
"Tanga ka talaga dba malimit yun nasa salas o kusina? Kaso hinaluglog ko lahat pati gamit niya nawala" wika ni Kyle na napatingin ako sa puwesto ng kanyang gamit sa tabi ng salas eh wala doon.
Medyo nagdadalawang isip ako...baka nilayasan na kami ni Maria ah.
✡Jon Bryan✡
Nagising ako at nagpalit muna ng damit na paglabas ko ng aking kuwarto nasa pasilyo silang lahat maliban kay Maria.
"Ano'ng meron?" tanong ko na lahat sila'y tumingin sa gawi ko.
May sumilip na isang babae...si Maria? Nagpastraight? Teka...bakit iba kulay ng buhok?
"Ano mag-iistart na ba tayo?" tanong niya sa amin suot niyang nakalong sleeve na kulay asul at may hati sa kaliwang bahagi ng balikat habang ang suot niya sa pang-ibaba ay panjamang itim at nakatsinelas na puti.
Bumalik tingin ako sa kanila na nagkipit – balikat lang sina Lester at Ren, habang na-iling na lamang si Kyle pero nung tumingin ako kay Jack nakakunot na ang noo niya at paniguradong ayaw niya sa babaeng nakikita namin.
"Huy" tawag niya muli sa amin medyo maganda siya ngayon as in...
"Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko
"Anu ka ba sweetheart, bawal bang magpaganda muna?" tanong niya sa akin at pati labi niya may lipstik?
Natahimik kaming lahat pati ako hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko or tanungin ko ng tanungin at baka magsabi ng totoo sa kakatanong ko.
"Hindi naman kaso hindi kami sanay" tugon ko na ngumiti siya.
"So ibig sabihin kapag nagpaganda ang mga fiance nyo hindi na sila agad?" tanong niya sa amin at bumugtong hininga siya tsaka umiiling na kung saan seryoso ang kanyang mukha.
✡Mari Ria✡
Heto ako magtuturo sa kanila habang nagbabakasyon ang kaibigan ni Lady Monster na si Yurie, kamukha ko kase ang Aling Maria tapos kaboses ko pa pero hindi kami magkapatid o pinsan parang kadoppelganger ko siya ang totoo nyan; dahil ayako sa mukha ko nagparetoke ako bilang siya dahil kilala siya kahit tahimik dati nga inggit ako sa kanya eh kase parang dependent siyang babae. Tapos iginagalang siya kase over baet. Pati sina Lady Monster pinagkakatiwalaan siya ngayon ako na napagkatiwalaan nilang pareha kaya masaya na din ako.
Medyo kinakabahan lang ako sa binabala sa akin ni Maria na si Jack...
Kahapon Lunes sinabihan siyang alam nitong bad boy Jack na ito na may balak si Maria at tama naman pero kutob pa lang ni Jack. Ang sabi sa akin pati ni Lady Monster na si Jack ay si Dincht isa sa pamilyang kilala at solong anak, pero ang pagkaka-alam ko marami siyang kapatid sa labas nga lang kaya siguro hindi kinikilala o ipinakikilala ng pamilya.
"Anu ka ba sweetheart, bawal bang magpaganda muna?" tanong ko kay Jon Bryan ayon kay Aling Maria na tahimik ang isang ito kaya hindi ko ekspekted na siya ang nagtatanong.
"Hindi naman kaso hindi kami sanay" tugon niya tsaka ako ngumiti.
"So ibig sabihin kapag nagpaganda ang mga fiance nyo hindi na sila agad?" tanong ko pabalik mukhang tinuturuan nga ang mga ito.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Tutor or Suitor
Narrativa generale[BIRTHDAY 2022] 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘩𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥. Six men come together in the same house, just to learn how to be the perfect husband to their future wife.