Araw ng Lunes.
Nakalipas na ng isang buwan buwan ng Pebrero dumating ang tita nila Raymond na si Rachel inabot ang kanyang kasunod na sweldo, malimit na inilalagay ni Maria sa maliit na bag at nasa kuwarto ni Jack dahil mas napagkakatiwalaan niya ito dahil yun ang sabi din ni Raymond bago siya tuluyang sinundo ni Tita Jonalyn.
Dahilan sa open ang araw ng linggo eh araw ng pahinga ni Maria ang araw na yun, na na-isipan ni Maria na ilabas ang anim na binatilyo mostly nakamask sila at nakahoodie ang suot.
Masyado daw abala ang grocery na magpadeliber lalo pa't na-ospital ang mismong drayber kaya kapag Lunes nalabas na sina Maria para lang kunin ang kanilang grocery.
Dahil halos kapansin – pansin ang kanilang disguise halos ang mga tao sa kanilang gawi nakatingin. Iniabot ng isang clerk doon ang kanilang groceries at dahil lahat sila kasama lahat may bibitbitin.
Ang kasuotan lang ni Maria na ikinatataka ng anim ay nakabestidang kulay pula na akala mong nasa victorian era na halos ang daming laces sa damit.
✡Gary✡
Katuwa naman itong si Maria aba bakit nakaganito hindi ba siya na-iinitan sa suot niya? Na lalong ikinatutuwa si Jack dahil kunot ang noo niya at malimit niyang sinasabi kay Maria na...
'Magpalit ka kaya'
Tapos si Ren naman natahimik ever since na sigawan siya ni Maria.
Matapos namin ilagay sa bakal na cart ang mga groceries may mga taong nagdagsaan at halos hinihiyawan sina Ren at Jon Bryan.
"Ano'ng meron?" tanong ko na medyo irita ang mukha nila Kyle at Lester.
"Mga hater nagtipon – tipon" tugon ni Jack sa tanong ko pero wala lang para kay Maria.
SANA MASAGASAAN KA!!!
WALANG AWA KA KAY EUN!!!
KAPAL NG MUKHA MO MAGPAKITA!!!
Halos nakikita kong humihiyaw ng masasakit na salita ang mga babae pero may ibang babae akong napansin na nakikitipon lang pero hindi nakikihiyaw. Ilang minuto pa ang lumipas nagutla kaming lahat na may lumagutok pero hindi tinamaan sina Jon or Ren...ang masaklap na tinamaan na ibinato ng nangbato ay isang delatang maliit.
Kinukuskos ni Maria ang tinamaang parte si Jack naman kinuha ang frozen food na balot tsaka ipinatong agad sa ibabaw ng tinamaang parte, ang sweet eh...kung wala akong fiance ha! Paniguradong bago nakisweet na din ako at kung hindi kras ni Jack ang titser namin.
"Okay lang ako" nadinig kong wika ni Maria.
Ang tapang niya aba...sana fiance ko katulad niya...yung palaban na hindi basta – bastang babae hindi katulad ng henerasyon ngayon, halos ng mga babae kase ngayon konting pagkakamali mo lang hihiyawan ka na. May ibang babae naman na may kasama ka lang babae makikipaghiwalay na saiyo eh pinsang maganda mo lang ang kasama masyadong judgemental ang mga ilang babae ngayon aba.
Open minded si Maria bago pumutok ang bulkan niya nakikinig muna siya sa parehang panig.
NAKAHARANG KA KASE!!!
SIYA YUNG KABIT PA KAPAL NG MUKHA!!!
Si Maria yung tipong babae na kapag nagalit alam na ni Jack ang gagawin halos nagpanik kami muli nung nagkasakit siya. Tsaka kung wala akong fiance tapos makakakrasan ko siya? Paniguradong kawawa siya kapag umoo siya na ikasal sa akin, bakit? Workaholic ako tapos naiiwan ko siya sa bahay.
"Luv ang sakit ng ulo ko" maktol na ni Maria at hinayaan pala ni Jack na lumapit sa akin.
"Hala pagbalik natin pahilot ka kay Jack" ngiting wika ko.
"Ayako sadista yan dinidiinan pa kung saang masakit" maktol muli ni Maria na parang bata, kakatuwa at alam kong ngumiti ako sa kanya.
"Kapal naman ng mga mukha nyo para batuhin nyo ang pinsan ko at sa ulo pa!" nagutla akong may isang babaeng nagstand up para kay Maria.
Maganda, seksi, mahaba ang buhok at medyo namumula ang labi hindi ko alam kung nakakaen siya ng letchon dahil sa pula. Tinabihan siya ng isa pang babae na ganun din ang labi pero iba ang kasuotan nito ay halos akala mong lalaki, dahilan at nakajacket pa siya na kulay berde na disenyong pang sundalo.
Naglabas ang babaeng nakasundalong disenyong suot ng dalawang maliit na baril na kapit – kapit niya ng dalawang kamay at itinutok sa random na babae, ikinahiyaw na may ilan na humihingi ng tulong. Pero lalo kong ikinagutla pati nila Jon eh maraming nakapalibot sa aming lahat pati sa likuran ni Maria na siya itong parang wala lang ang pangyayari ngayon.
"Tol kikilos ba tayo o hihimpil na lang?" tanong sa akin ni Lester na nagkipit – balikat na lamang ako sa kanyang tanong dahil kinakabahan ako.
Hindi naman ako lumaki sa ganitong environment halos ang tingin ko sa mga ganito baka nasa set lang or yung bang away lang ng mga nene, kaso sa nakikita ko parang nasa realidad ako ng isang gang war dahil sa teritoryo.
Nakakatuwa lang si Jack habang nag-uumarte itong si Maria na masakit ang pagkakatama ng hater ng lata sa kanyang ulo, eh hinahabol siya ni Jack ng nakaplastik na frozen goods at inihihimpil sa kanyang tinamaan.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Tutor or Suitor
General Fiction[BIRTHDAY 2022] 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘩𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥. Six men come together in the same house, just to learn how to be the perfect husband to their future wife.