ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸𝟽

34 17 0
                                    

Lumapit si Maria at katapatan na niya si Jack tsaka niya kinapitan ang parehang pisngi ng binatilyo, ikinagutla ni Jack ang ginawa ng dalaga na medyo kabado naman ang dalaga sa ginagawa niya.

"Galit ka?" mahinang tanong ni Maria kay Jack.

Kitang – kita ni Maria na halos hindi makatingin sa kanya ang binatilyo at walang sagot mula sa kanyang tanong.

"Hal?" mahinang tawag na tonong patanong ni Maria.

"Hindi ako galit" tugon na ni Jack pero hindi siya makatingin sa kausap.

"Sure ka kahit na nakita mo yung kausap ko?" tanong ni Maria.

Napalunok muna ng malalim si Jack tsaka tumingin kay Maria ng diretchahan "Slight pero may karapatan ba ako? Eh hindi pa kita asawa" ani ni Jack na napangiti si Maria.

"Wow yan dapat sweet ka kahit medyo bad boy ka tsaka dapat sa fiance mo yan sasabihin hindi sa akin" wika ni Maria na inalis na niya ang parehang kamay sa pisngi ng binatilyo.

Paalis sana si Maria nang hawakan ni Jack ang kamay ni Maria sa pupulsuhan tsaka itinulak sa pader na kuwartong pinanggigitnaan ng kuwarto ni Raymond at kuwarto niya. Kitang – kita ni Sarah at ni Jennica ang pangyayari sa pasilyo mismo sa gawi nila Maria.

"Alam mong kaya kitang upakan Jack pinipigilan ko lang sarili ko dahil parte ang pagiging inosente sa trabaho" wika ng dalaga na nakatingala sa pagkakatingin kay Jack.

Inilapit ni Jack ang kanyang mukha sa kaliwang bahagi ng mukha ni Maria tsaka bumulong na 'Mag-iintay ako na dumating ang araw na' tigil ni Jack na napalingon si Maria sa kanya.

"Na ano?" mahinang tanong ni Maria tsaka lumingon si Jack.

Doon sa pangalawang pagkakataon na isa na lamang ang lalapit upang magtagpo ang kanilang mga labi.

"Na maging akin ka" pagpapatuloy ni Jack sa bulong niya kay Maria.

Nagutlantang na lang silang pareha dahil sa tilihan nila Sarah na parang aabot hanggang sa kabilang bundok sa lakas. Nagising ang ilang lalaki sa tili ng mga dalaga na nakalayo na sina Jack at Maria sa isa't – isa bago pa maglabasan ang mga kasamahan. Bumalik si Maria sa mga kaibigan at binigyan niya ng tig-iisang batok.

"Ang inggay nyo aba" wika ni Maria.

"Ayiiieee~ so si kuyang sunget pala ang lab of your life" kilig na wika ni Sarah

"Hinde" seryosong tugon na lang ni Maria.

"Sus pigil ang feelings kase work LANG? Gurl halata ka" ani naman ni Yurie na nakangiti din.

"Haaa...maigi naman at hindi si Ren" singit na lang ni Mimi.

Tumabi si Sarah kay Maria na katabi ni Maria si Mimi "Pero pramis krung kahit katiting wala kang pagtingin kay shunget?" tanong ni Sarah na halata mong sa boses ay lasing na.

"Wala" seryosong tugon ni Maria.


Maria

"Ang inggay nyo aba" wika ko na pinilit kong alisin din ang kilig ko ng konti.

"Ayiiieee~ so si kuyang sunget pala ang lab of your life" kilig na wika ni Sarah sa akin.

Kung malalaman lang niya kung sino ang fiance niya...kaso hindi pa handa ang kupal kaya huwag muna.

"Hinde" seryosong tugon ko tsaka ako na-upo.

"Sus pigil ang feelings kase work LANG? Gurl halata ka" ani naman ni Yurie.

Haa...

Kulang na lang sabihin kong oo yung tipong wala na ngang spark kay Ilo eh si Jack na nakasindi nung kilig ko.

"Haaa...maigi naman at hindi si Ren" singit na lang ni Mimi.

Tumabi sa akin si Sarah tsaka nagtanong na "Pero pramis krung kahit katiting wala kang pagtingin kay shunget?" pagkatanong niya gusto kong aminin tutal tropa ko naman kaso...

Haaa...ang hirap pigilan nung damdamin mo na hindi maki-ayon sa pangyayari kaso ayon sa alam ko kapag nagmamahal ka na dapat responsibilidad mo ang mga kilos o salita mo.

"Wala" tugon ko sa tanong ni Sarah.

Matapos ng kasiyahan may natirang ilang titsirya na kinuha ko at itinabi nakita kong nawala ang antok ni Raymond na nagtimpla ito ng gatas na mainit. Doon ko siya tinabihan sa kainan at sa salas nakitulog sina Jennica na inabutan ko pa ng kumot at unan na kanilang magagamit.

"Gusto mo ng tulak?" tanong ni Maria na napatingin si Raymond.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya na napakunot ang kanyang parehang kilay.

Napabugtong hininga ako tsaka "Ganito sabihin mo sa kanya" tigil ni Maria.



HABANG si Raymond ay naka titig sa dalaga patuloy na binibigyan ng payo ng dalaga si Raymond ukol sa sasabihin sa kras niyang si Jennica. Matapos sabihin ni Maria tumayo siya tsaka nagtungo sa kuwarto ni Ren at hindi naman ito nagutla na tumabi si Maria bagkus ay niyakap pa siya nito pabalik na nakatalikod si Maria sa kanya.

Sa ilang oras na nakatulog si Maria hindi siya iniwanan ni Ren at inantay siyang magising.

"Morning cupcake" ngiting bati ni Ren kay Maria.

"Morning, ano'ng oras na?" tanong ni Maria kay Ren.

Medyo nagutla ang dalaga dahilan sa magkaharapan silang dalawa ni Ren.

"Mga alas siete pa lang ata" tugon ni Ren sa tanong ni Maria na hinawi niya ang buhok na nasa harapan ni Maria.

Nagutla ang reaksyon ng dalaga sa kanya kaya't bumangon na siya ngunit kinapitan siya ni Ren sa pupulsuhan, at hinigit pabalik na ikinamuntikang mapahalik si Maria. Maigi na lamang at tinakpan agad ni Maria ang kanyang labi pero nakakunot ang kanyang kilay. Lumayo muna si Maria kay Ren tsaka niya inalis ang takip sa kanyang bibig.

"Gago isa pang gawin mo ito, bubugbugin kita dyan kahit fiance mo pa si Mimi" ani ni Maria na nagseryoso lang ang mukha ni Ren.

"Sana ikaw na lang ang fiance ko" wika ni Ren at umiling na lang si Maria.

"Mas worth it si Mimi kesa sa akin" tugon ni Maria tsaka siya umalis ng kama.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon