✡Maria✡
Kinuha ni Jon ang tinidor niya at tinusok ang isang bulto ng cauliflower tapos nakatingin pa siya kay Gary.
"Oh! Tikman mo masarap kaya" wika ni Jon na tumingin sa kanya si Gary tapos sa ipinapasubo niya na nasa tinidor niyang kapit – kapit.
...
Shet!
>n<
Kahinaan ko...ang sweet nilang tingnan yemas naman oh! Imbis na sweet sila sa magiging fiance nila, naging sa kapwa nila anak ng putcha two days pa lang at isang taon daw ako dito.
"Lumapit ka kaya ang layo mo" utos na ni Jon na napangiti ako kaya tumalikod muna ako.
Kalma lang Maria...haaa...
Kinuha ko na lang sa refrigerator ang fries tsaka ako nagluto na habang nakalubog sa langis ay gumawa ako ng sawsawan ketchup with mayonaise. Kumuha ako ng malaking lagayan at matapos kumaen ng umagahan namin eh magsasagot muna kami.
Imbis na orientation talagang magsusulat sila this time, sabihin nating written exam dahil after a half year baka oral exam na sila ulit. Nakita kong ngumunguya na si Gary tsaka lang ako naupo na dating upuan ni Jack kahapon habang siya nasa kanang bahagi ko.
Matapos naming kumaen nainom na ako ng tubig at hinango ko na yung fries na niluluto ko at inaalis na lang yung langis. Hindi ko sinasadyang mapatingin na naman sa kanila may itinuturo si Gary kay Jon.
"Nasa baba mo enggot ka talaga" wika ni Gary kay Jon nang nakuha na ni Jon yung kanin sa baba niya tsaka siya tumango.
Napangiti ako sabay talikod ko ulit.
Kainis.
Sus kinikilig ako...tanga lang talaga ako...paano'ng hindi ako kikiligin eh fujoshi ako meaning isang babaeng kinikilig sa mga lalaking nagbrobromance or sa gay relationship.
"Darl, okay ka lang dyan?" tanong na nabosesan kong si Lester at tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.
Inihango ko na yung fries tsaka inilagay dun sa lagayan na mayroong gawa ko na sawsawan. Inalis ko muna yung ngiti ko tsaka ako umalis para kunin yung papel na ilalagay nila sa sagot.
Nadinig ko na lang ang tunog ng pinggan na iniimis pati ang tunog ng gripo na umaawas, pagkalabas ko ng kuwarto ni Darl doon ko lang nakita na siya ang naghuhugas ng pinggan habang si Ren ang nagpupunas ng lamesa.
Hmm bumaet yata.
Anyways si Kyle ang nagpunas ng tuyong basahan sa lamesa tsaka ko lang doon ipinatong yung mga papel.
"Magsasagot ulit?" tanong sa akin ni Jack na tumango lang ako hindi ko pa kase maialis sa isipan ko yung bromance nila Gary at Jon.
Umupo na ako si Lester naman matapos maghugas kinuha muna ang niluto ko tsaka niya ipinatong sa gitna ng lamesa at doon naupo na din.
"Number three continues pa rin tayo yung kahapon" wika ko na si Jack nakapalumbaba at akala mong kinulang sa tulog.
"Sasabihin pa ba namin tulad kahapon or isulat na lang?" tanong naman ni Gary na umiling ako.
"Isusulat nyo dyan sa papel so eto tanong...nakuhang hostage ang fiance mo ano ang gagawin mo?" pagkasabe ko nagsusulat na sila.
"Ika-apat na tanong, kung nakita mong hubo't hubad ang fiance mo at nasa kotse mismo ng dating matalik mong kaibigan...ano ang gagawin mo?" napansin kong kumunot ng noo si Jack ganun din sina Gary at Lester.
Masusubukan mo presence of mind at violence nila eh eh...
Napatingin ako kay Jack...guwapo katulad din nung anim pero may awra siyang iba na parang nahihigop ako. Para bang kapag nagkatabi kami hindi kaya maging drugs siya sa akin at malulong ako?
Nah! Hindi yan Maria binansagan ka nilang man-hater remember? Panindigan na nating man-hater tayo tutal bad boy naman ang kinababaliwan ng utak mo.
Matapos nilang magsulat kumukuha na ako sa niluto kong fries at ngumunguya paborito ko eh sino'ng hihindi sa juicy fries?
"Napangiti ka kanina, bakit?" tanong ni Jack sa akin na nagutla akong tumingin sa kanya.
"Ha?" tanong ko kay Jack na tonong gusto kong ulitin niya ang tanong niya sa akin habang kumukuha muli ako ng fries at ganun din siya nakikigaya sa akin.
"Napangiti ka kanina sabe ko" ulit niyang sinabi sa akin na pinilit kong ikunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya
"Kailan?" tanong ko na napansin kong halos matutunaw ako sa titig niya. Napalunok ako ng malalim dahil doon.
"Hindi lang ako nakakita pati si Lester" ani niya na tumingin ako kay Lester na slight na tumango.
Nakatingin na din sa akin ang lima na nag-aantay either sa sasabihin ko o sa sagot ko sa tanong ni Jack sa akin.
"Wala may na-alala lang" tugon ko sa tanong ni Jack na nadagdagan ang gutla ko nung tumayo siya at bumulong na...
'Kinikilig ka kanina dun sa bromance nung dalawa ano?'
...
Shet boses...
Jusko!
Boses niya bakit...yung kuryenteng naramdaman ng tenga ko umabot hanggang sa petchay ko? Tanga yata katawan ko or kinikilig ako? Wow pers taym Maria pers taym.
Tsaka lang umupo pabalik si Jack sa kanyang upuan at seryoso ang mukha ganun din ako.
"Mind your own" ani ko na kung saan hindi na sila nangulit pa.
My heart still beating so fast dun sa bulong niya sa akin, it's like gusto kong yumupyop sa dibdib niya at sabihing... 'Kras ko boses mo' kaso man-hater remember?' Haa...hirap.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Tutor or Suitor
General Fiction[BIRTHDAY 2022] 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘩𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥. Six men come together in the same house, just to learn how to be the perfect husband to their future wife.