ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟹𝟶

33 21 0
                                    

"Huwag ka ngang malikot!" inis na wika ni Jack na itinuktok sa ulo ni Maria na lalo itong umarteng bata.

"Uhh guys?" tawag na patanong ni Jon na medyo kabado na siya.

Ilang minuto na pinapalayo ng mga babaeng may mga armas ang mga haters nila Ren at Jon ay doon lang pumasok ang dalawang pulis.

"Nako mamang pulis tingnan nyo oh may mga baril" turo ng isang hater na maiksi ang buhok at kulay brown na inilabas na ng dalawang pulis na lalaki ang kanilang posas na lahat ng mga hater ang mga pinosasan ng mga pulis.

"Teka bakit kami?" tanong ng isang hater

"Teritoryo ito ng mga babaeng nakikita nyong may baril meaning na labag kayo sa batas ng lugar na ito" paliwanag ng pulis na nagpupumiglas ang iba.

May mga hater na nagtaka sa sinabi ng pulis may iba na ayaw pumayag na nakakabato pa may iba ang bababa at may ilang nakakataas pero hindi natama. Lumayo na sina Kyle sa mga hater ng dalawang kasamahan at halos walang pake ang mga taong nakakakilala sa mga binatilyo.

Matapos nilang mamili imbis na magtaxi sumakay sila sa isang bus na ikinatataka ng mga binatilyo walang sakay. Sa kanilang pag-upo medyo nawirduhan si Kyle sa drayber kaya medyo malapit siya sa drayber umupo, habang ang iba kanya – kanyang upo bitbit ang kanilang groceries.

Si Jack naman katabi si Maria at hindi binitawan ang panibagong malamig na frozen food na nakapatong sa ulo ng dalaga, napatawa na lang si Gary sa nakikita na medyo umiling pa tsaka nagsalita na...

"Binebeybi ka talaga ni Jack luv ah" wika ni Gary na katapatan niya sa upuan si Jon Bryan.

"Kaines nga eh" ani naman ni Maria na parang bata lang at ngumuso pa.

Itinuktok ni Jack yung hawak – hawak niyang frozen food na nasa plastik pa na nakapatong sa ulo ni Maria "Likot" inis na wika ni Jack.

"Ayos na kasi" maktol ni Maria na itinulak ang nasa ibabaw ng kanyang ulo nang inalis ni Jack ang frozen food at ibinalik sa bitbit niyang brown paper bag.

"Pero pramis bakit tayo lang dito sa bus parang arkilado natin ah" wika ni Ren.

"Maria, arkilado ba natin ang bus?" tanong ni Lester.

"Galit ka Les? Bakit ngalan ang tawag mo ha?" tanong naman ni Kyle na napatingin sa gawi nila dahil nasa unahan siya at malapit sa drayber.

"Ah...teka nalimutan ko pasenya" pabalik na sinabi agad ni Lester.

"Jerry idiretso lang tapos kakanan" wika ni Maria na tumango lang yung drayber na ikinakunot ni Kyle.

Medyo natahimik ang mga lalaki sa reaksyon ng drayber na si Jerry na hindi naman mabilis ang patakbo ng bus kung hindi normal lamang.

"So arkilado ba natin ang bus?" tanong muli ni Ren na binatukan na siya ni Jon.

"Hindi ba halata? Tangi ka lang ihh" maktol na tono ni Jon habang pinipispis ni Ren ang batok niyang binatukan ni Jon.

Nakarating sila sa mismong bahay na naunang bumaba si Kyle pero nagpa-iwan si Maria.

"Aling Maria" mahinang tawag ni Jerry.

"Sige una na kayo" wika ni Maria.

Pagbaba ni Jack iniabot niya kay Lester at Gary ang kanyang pinimili dahilan at wala ang pinsan na mauutusan yung dalawa na malimit niyang utusan. Nakatayo lang si Jack sa labas ng bus habang inaantay si Maria.

"Bakit?" tanong ni Maria.

"Anak ng Dincht yung isa ah" ani ni Jerry na tumango lang si Maria.

"Ano'ng meron?" tanong muli ng dalaga.

"Ingat lang iba ang pagpapatakbo ng pamilya niya" wika ni Jerry at yumuko na lang.

"Okay ingat ka" ani ni Maria tsaka bumaba ng bus na nakita niyang naroroon si Jack at inantay siya.

"Sweet inaantay mo talaga ako?" ngising tanong ni Maria na kinuha na muli ni Jack ang isa pang share niyang bibitbitin tsaka pumasok sa loob, sinabayan na lamang siya ni Maria na may bitbit din.

Naka-upo sina Ren, Jon at Lester sa sofa habang magkatuwang sina Gary at Kyle na ayusin ang ilang grocery na kinuha nila sa supermarket. Isinarado ni Maria ang pintuan tsaka hinubad ang suot, na kung saan nasweat short siyang kulay grey na may lime color sa garteran habang sa pang-itaas naman nakasports bra siya na kulay lime green din na sa pangloob ay gray.

Tiniklop ni Maria ang suot niya na may mga lamang 'just in case' na mga gamit pang protekta. Tumulong na si Maria kina Kyle at Gary na kung saan nakikitulong na din si Jack sa pag-aayos ng grocery maliban dun sa tatlo na nagkukuwentuhan sa sofa.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon