ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟹

41 21 0
                                    

Maria

Tumingin ako sa relos na nasa ibabaw ng maliit na lamesita sa kaliwang bahagi ng kama nakaturo ang mahaba sa six at ang maiksi sa four. Four – thirty pa lang aga kong magising at kaharap kong binabasa ang sagot nung pitong lalaking estudyante ko kahapon.

Napahawak tuloy ako sa sinus ko dahil tumitibok na at feel ko din na magkakasakit ako, argh! Hindi pwede Maria!!! Ilang araw pa lang ang lumilipas pagod ka na? Hina mo gurl!!!! Kausap ko ang aking sarili sabay mahinang tampal sa parehang pisngi. Isipin mo sakit lang ng ulo yan...

Naramdaman kong may umamoy ng buhok ko na sa aking pagtingin sa likuran nagising si Lester.

"Aga pa darl, bakit gising ka na?" tanong niya sa akin na medyo mahina na ikinatingin ko sa katawan niyang walang saplot!

(°o°:)

Anak ng pinagong...

Weakness ko!

Maria ehem...uhh

"Darl magbihis ka baka lamigin ka ng likod" pag-eeksyus ko jusko puso ko napakapit ako sa dibdib ko dahil dinig ko huwag sana na madinig ni Lester.

"Sige bihis lang ako pero sunod ka sa kama ha?" mahinang tanong niya na nagutla muli ako sa bandang kanang bahagi ko ang nagsalita.

"Aba umaga na noh at may gana ka pang lamutakin si Luv" wika ni Gary na nakasadal sa hambana ng pintuan at wala ding saplot ang pang-itaas. Jusko abs patikim...

(,,꒪꒫꒪,,)

Mamamatay yata ako ng maaga nito sa mga ito...nananadya ba sila?

"Daya maaga lang nagising si Darl eh" maktol ni Lester na napansin kong sa likuran ni Gary gising na yung dalawang magpinsan.

Bitbit lang ni Raymond yung susuutin niyang tshirt na kulay puti at may pagtatalong nagaganap sa pagitan niya at ni Jack na...langya half naked din.

(*_)*

Langyang yan...

Nahinga pa ba ako?

"Luv?" napabalik realidad ako sa tawag sa akin ni Gary, tumingin ako sa kanya at ganun din sina Jack sa akin.

"Bakit hubad kayong tatlo ha?" inis kong tanong sa kanila na nakita kong nagmadali si Raymond na magsuot ng damit. Tumingin ako kay Lester na nasa kabinet na niya at naghahanap na rin ng damit na masusuot.

Bumalik tingin ako kina Gary tsaka tumayo "Bakit ang aga nyong magising ha?" inis kong tanong na napakamot lang si Raymond habang si Jack nakaturo sa pintuan.

"Kanina ko pang sinasabi sa kanila na wala akong naririnig eh" maktol ni Gary na tonong sumbong sa akin.

"Dalawa na kami nakarinig" singit ni Jack at tumingin sa siya sa akin ganun din si Raymond na may damit na.

"Magbihis ka nga hal" utos ko kay Jack pero hindi niya pinansin yung sinabi ko kaya... "Guni – guni nyo lang yun" dagdag kong sinabi na babalik sana ako paloob kaso nagutla akong kapitan niya ako sa bewang at hinigit sa kanya.


"Raymond kunin mo nga yung mga tsinetsekan ni hal at Gary istek mo kung sino'ng nasa pintuan" utos niya na para siya ang asawa ko for the day at anak niya ang mga inutusan.

Ibang klase itong lalaking ito aba. Ang nakakapagtaka sumusunod naman tinamaan ng galing.

Itinutulak ako ni Jack hanggang sa unahan ng pintuan at sa pagbukas ni Gary isang babae ang naroroon, nakaspaghetti na kulay puti at maiksi ang suot na may bahid na dugo ang kanyang kasuotan.

"Hala ano'ng nangyari saiyo?" tanong ko agad at pina-upo sa sofa.

Kumuha na ng kusa si Gary ng tubig at good to know na may care siya maliban dito kay Jack na nakayakap pa sa aking likuran. Mahaba ang buhok na kulay brown at may dimple sa pisngi ang babaeng ito medyo may kutob ako na iba sa kanya.

"So ano'ng nangyari saiyo?" panimulang tanong ko pero hindi ako umupo at nasa right side lang niya ako. Habang si Gary nasa tabi ni Jack na maigi at binitawan na ako ng kupal.

"Yung eks boypren ko kase pinatay yung bestie ko eh" tugon niya sa tanong ko medyo iba na sinasabi nitong isang ito.

"Tapos?" tunog tanong ko para lang mawari niya na interesado ako sa dahilan niya.

"Sabi niya bago mamatay andito daw si Kyle yung boypren kong matagal ko nang hinahanap" ani niya na nakatitig lang siya sa ibaba at sa tingin ko nagsisinungaling na ang isang ito maganda pa man din.

"Alam mo ba kung ano'ng oras na?" tanong ko sa kanya na tumango siya at nagpakyut epek pa!

"Emergency lang at baka lumabas anytime ang bata!" hiyaw na niya at tumayo na napatingin ako sa kanyang tiyan.

Maliit ang kanyang tiyan at sabi niya lalabas ang bata niloloko ba ako ng isang ito? Dahil itsura ng tyan niya mukhang kabag lang na napatingin ako sa gawi niya at umiiyak na siya.

"Kung hindi ka gising hal papatayin ko na ang isang yan" wika ni Jack na nakita kong wala na si Gary sa tabi niya.

"Si Luv na saan?" tanong ko na hindi muli niya ako pinansin at naupo na sa bangkuan sa lamesa.

Ilang minuto nang dumating si Gary kasama nung lima mga nakabihis maigi naman...

"Ano'ng ginagawa mo dito?" inis na tanong agad ni Kyle

"Panagutan mo ang batang nasa tyan ko!" hiyaw nung babae na lumapit kaso si Ren ang pumigil na hindi ito makalapit kay Kyle.

"Bakit ko pananagutan yan na hindi naman ako ang gumawa?" inis pabalik na tanong ni Kyle sa babae habang itinuturo ang tyan ng dalaga.

"Tsaka hangin at tae lang laman ng tyan mo bakit mo pananagutan yan ha beb?" wika ko na napatingin ang babae sa gawi ko.

"Totoo sinasabi ko buntis ako!" hiyaw muli niya at sa tono eh galit na siya.

"May tono ka pang magalit? Ano'ng akala mo sa akin? Hindi nagnars? Kahit hindi ako naka-uniporme yang tyan mo hangin ang laman, kabag ka lang" pagdidiin ko sa salitang 'kabag' at sa 'tyan' na kung saan lalapit sana siya sa akin nang tumayo sa pagkaka-upo niya si Jack at masama ang tingin sa babae.

Jusko ano'ng gagawin ko sa sitwasyong ito?

"Hala maupo ka muna at pag-usapan natin yan" wika ko na kinuha ko ang upuan sa kainan at naupo naman siya.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon