✡Maria✡
Nagising ako kaharap ko si Jack tulog na inilibot ko pa ang aking paningin halos maliwanag ang paligid. Natigilan ako at kinapa ko ang sarili kong leeg...medyo mainit pa pero walang magluluto kaya't bumangon ako ngunit may kumapit sa kaliwang pupulsuhan ko.
"Mabibinat ka kung iniisip mong magluluto ka ngayon" ani ni Jack na tumingin ako sa kanya dilat lang ang kaliwang mata niya at isa'y pikit pa.
"Gawain yun ng asawa" tugon ko na marahan siyang umiling.
"Araw ng Huwebes ngayon Maria akin ka ngayon nangangahulugan na dito ka sa tabi ko maalam si Raymond magluto siya ang magluluto sa lima" wika niya sa akin na bumalik muli ako ng higa.
Iniharap niya ako sa kanya tsaka niyakap "Sabe ko walang hawak tigas ng ulo mo" ani ko na hindi man lamang siya nagreak sa sinabi ko.
At kahit ipagtulakan ko siya wala din akong lakas maigi nga yung kagabing ginawa niya hindi niya ako napagdiskitahan ihh...
"Hal" tawag ko na tumingin pa ako sa mukha niya na umabot lang ang tingin ko hanggang baba niya, matangkad ang isang ito aba o sabihin nating mahaba.
"Hmm?" himig niya pero hindi siya tumingin sa akin.
Gusto kong itanong na baka lumalabag na siya kung oo panu na? Kung hindi maigi at hindi kahit masakit sa dibdib...oo assuming ako. Hindi ko sure kung itatanong ko pa o hindi na.
"Bakit?" dinig ko ang boses niya na nagtanong.
Inalis ko ang tingin sa kanyang mukha at sumubsob na lang ako pakyut pero arte lang oo isang pag-arte lang ang lahat, yang ang isinisingit ko sa aking kaisipan.
Nagutla ako nang hawakan niya ang baba ko at sapilitang itiningin sa kanya na kung saan nakatingin siya sa akin.
"Bakit?" serysong ulit niyang tanong sa akin.
Dama ko ang pagkabog ng dibdib ko na para akong isang tinedyer na nakaface to face at eye contact si kras. Dama ko din ang sinasabi nilang kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan, na para bang gusto mong baliwalaen ang batas kong ginawa pero hindi pwede.
Kaya nga sabi nila masarap magmahal dahilan sa andun yung kilig tsaka pagkabalisa ng puso mo kapag andyan siya sa tabi mo nginit agad kong pinilit ibaba ang aking ulo, pero hindi pa niya binibitawan ang baba ko na napansin kong medyo mahabang ang suot ko na supposed to be hindi ito ang suot ko.
Tumingin muli ako sa kanya "Binihisan mo ba ako?" tanong ko at nakatingin lang si Jack sa akin. Napansin kong nakasuot na siya ng kulay itim na jacket tsaka siya ngumiti.
"Nagpawis ang likuran mo kagabi at irita ka pa kaya oo binihisan kita" mahinang tugon niya.
Napabugtong hininga ako.
"Jack sa asawa mo lang pwedeng gawin ang pagbibihis hindi sa akin" wika ko na kinabahan ako dahil wala ako'ng maalala nung binihisan niya ako.
Habang nakatingin pa ako sa kanya medyo tumango siya bilang pag-intindi sa sinabi ko na nagutla muli ako nang kapitan niya ang noo ko.
"Pagaling ka kung na-iilang ka na may humahawak saiyo" ani niya sa akin at tinalikuran ko na lamang siya.
Tulad nga ng sabi niya ipinikit ko ang mga mata ko para makapagpahinga.
✡Jack✡
Tinalikuran niya lang ako na maigi hindi niya tanda ang nangyari halos nabulabog kaming lahat sa ginawa niya aba nasisi pa ako ni Gary at maigi na lang andyang ang pinsan ko.
Mamaya ko na lang siguro ikukuwento tutal baka mabinat pa lalo na medyo mainit na lang siya na sana'y hindi na tumaas pa.
Ano bang ginawa niya kagabi?
Well...
Bakit mo ako katabi! – Maria
May lagnat ka – Jack
Lagnatin mo mukha, demonyo! – Maria
Tol ano'ng nangyari? – Lester
Bakit nasigaw na yan? – Gary
Mga demonyo! Lumayo kayo sa akin! – Maria
Ano daw meron? – Ren
Mataas ang lagnat – Jack
Bakit hindi mo pa gamutin ha? – Gary
Walanghiya ano'ng akala mo sa pinsan ko mahikerong duktor? Na isang lagay lang niya sa noo ng basang face towel gagaling na agad si Maria? – Raymond
Oo nga naman Gary – Kyle
Ano'ng kailangan nyo sa akin?! – Maria
Ikaw kung hindi ka matutulog papatayin ko buong pamilya mo – Jack
Demonyo ka talaga! – Maria
Heh, oo demonyo ako at gagahasain kita dyan kapag hindi mo ipinikit ang mga mata mo at naabutan pa kitang gising – Jack
.... – Maria
Yung tipong ayakong maalala pero napatawa na lang sina Lester at Kyle na ayos daw ang pananakot na ginawa ko kay Maria kagabi. Natulog naman si Maria na napalitan ko na siya ng damit medyo nagwala lang siya nung naiinitan siya sa isinuot ko sa kanyang jacket.
Si Raymond ang nagtaas ng temperatura ng air con ng kuwarto ko kaya mahimbing ang tulog ni Maria hanggang sa naramdaman kong paalis siya ng kama at maigi doon ko siya napigilan sa gagawin niya.
Noong una medyo irita ako sa plano ng pamilya ko pero ilang lectures pa lang ang ginagawa ni Maria...nabighani ako, sabihin nating naging kras ko na eto lang ang kauna – unahang sa kanya lang ako umibig.
Yung feeling na kapag tumitingin siya sa akin gusto ko siyang halikan tapos magkatabi kami parang ayakong aalis siya. Hindi ako sigurado kung eto ang tinatawag nilang pag-ibig.
Nakita kong sumilip si Raymond sa pintuan at para hindi mainggay sumenyas na lang siyang kakain na na kung saan nakanganga siya, at itinuturo niya ang kanyang bibig na bukas. Tumango na lang ako bilang sagot pero aantayin ko lang humimbing ang tulog ni Maria tsaka ako aalis.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Tutor or Suitor
General Fiction[BIRTHDAY 2022] 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘩𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥. Six men come together in the same house, just to learn how to be the perfect husband to their future wife.