ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟻

53 29 0
                                    

Jon Bryan

"Hindi ko alam ang ipinapasok mo sa kokote mo Jon!" galit na tono ng tatay ko sa akin. Habang nakayakap lang sa likuran niya ang mother ko at dalawang ate ko na parehang modelo sa isang sikat na agency.

"Nag-aral ka naman at hindi naging pabaya ang nanay at dalawang ate mo sa pangaral" medyo mahinahon na ang boses ng tatay ko sa pagkakasabi niya, na nakayakap na ang isa kong ate sa baraso niya na parang pinipigilan siyang hindi makagawa ng kung ano sa akin.

Bunso ako at may dalawa akong ate, mayaman, talented at higit sa lahat guwapo kaso...dahil sa naging kasintahan kong si Eun ayun ginamit niya ako para lang maawa ang tao sa kanya at magalit sa akin. Kinaselosan niya ang ate kong seksi at maganda pa sa kanya na ginamit naman niya na ipinagpapalit ko siya.

How could she?

"Imbis na nagpokus ka na lang sa pag-aartista at hindi na umibig hindi magkakaganito ang buhay mong bata ka!" nag gugumigil ang tatay ko sa akin nag-iisang lalaki kaya ganito siya galit na galit.

Hindi ko na sigurado kung heartbreak ako kay Eun pero alam ko nasaktan ko pamilya ko at hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanila.

"Bunso" dinig kong sabay na tawag ng dalawang ate ko sa akin

I know I'm crying in front of them mapipigilan ko ba ang luha kong gusto ko pang iluha? Tsaka iisipin na lang nila na arte lang ito at artista ako; isang sikat na artista syempre dala ko ipelyedo ng tatay ko malamang lamang na binigo ko siya. I'm already 31 at kahit apo hindi ko siya mabigyan – bigyan.

Nagutla ako nung niyakap na ako ng tatay ko na nakiyakap na din ang whole family ko, it looks like a dramatic movie pero deep inside masaya ako kasi they still love me kahit na nakagawa ako ng mali.

"Sorry Pa" mahinang wika ko

"You should learn anak sa mga mistakes mo at hindi lahat ng babae katulad ng unang naging girlfriend mo" ani niya habang pinipispis ang likuran ko tsaka niya ako pinakawalan sa yakap.

Ngumiti silang lahat habang pinapahid namin ang aming mga luha ang tatay ko ang walang tigil na kakapispis sa likuran ko.

"May kilala nga pala ako" singit ng panganay kong ate na si Ate Jhairra

"Ano na naman yan ate?" tanong naman ng sumunod na ate ko na si Ate KC

"Pa kung papayag kayo may nagrekomenda sa akin na kaibigan ko" wika ng ate Jhai at tumingin sina Mama at Papa sa kanya pati ako. Mahaba ang buhok niya na kulay hazelnut habang si ate KC naman ay kulay gold ang buhok pero maiksi.

"Don't tell me iaareglo mo kuya mo sa isang babae na naman?" medyo inis na tono ng tatay namin na tanong kay ate Jhai pero umiling si ate Jhai sa tanong ng tatay namin

"Hindi Pa...ten thousand per head at everyweek ang bayad tapos titira siya dun sa mismong learning place" ngiting wika ng ate Jhai ko at nagutla ako sa sinabi niya.

"Teka anak eh sino yung magtuturo?" tanong ng nanay ko na medyo shock pa ako sa sinasabi ng kapatid ko at pabalik – balik lang ako ng tingin.

"Kaklase ko nung grade five" sagot ng ate Jhairra ko na may ngiti sa kanyang labi

"Babae ate?" tanong naman ng ate KC ko at tumango lang ang ate Jhairra ko.

"Teka ilan daw sila doon?" tanong naman ng tatay namin pero sa tono ng tanong niya hindi siya naiinis o galit.

"Pito po silang lalaki doon Pa" tugon ng ate Jhairra ko na napa-ani na lang ang ate KC ko na 'What?'

"Aba paano ang proteksyon nung babae?" tanong naman ng nanay namin na tono niyang nag-aalala para sa babaeng guro na magiging kasama naming pitong lalaki.

"Pa hindi nyo kilala ang kaklase kong iyon" ngiting wika ng ate Jhairra ko na kita sa reaksyon niya na hindi ordinaryong babae ang tinutukoy niyang magiging guro namin.

"Paano mo na sabi?" tanong ko sa kanya na tumingin siya sa akin

"Bunso lagi mong tandaan na kahit kailan huwag mong huhusgahan ang isang panglabas na anyo ng isang tao" wika niya sa tanong ko at medyo malalim ang sinabi nya pero nakuha ko ang ibig niyang sabihin.


Maria

Umuwi ako sa amin sa kadahilanan yun ang teks sa akin ng aking ina nakita ko na si tita Jonalyn ang kapitbahay naming bata ang mukha pero dalawa na ang anak, pero maliban sa kanya may nakaparkeng isang van na kulay puti. Pagpasok ko sa loob ng bahay namin hinubad ko muna yung sandals na bili sa akin ng nanay ko at inimis sa tagiliran ng aming pintuan.

"Hi! Classmate" bati sa akin na may ngiti sa kanyang labi at na alala kong nakita ko siya last time...nakalimutan ko kung kelan si Jhairra kaklase ko noong elementarya pa kami

"Hi" tipid kong bati sa kanya.

May kasama pa siyang isang babae at isang lalaki dahil halata naman ang dalawang matanda na nanay at tatay niya, nakakapagtaka kung bakit kasama ang mga magulang niya. Dumiretso na ako sa loob para makapagpalit na lumapit ang tiyahin ko sa akin na kakadating lamang niya na si Tita Librada; tiyahin ko siya pero nanay ang tawag ko.

"Mukhang yung guwapong lalaki sa labas isa sa tuturuan mo ah, titser Maria" ngiti niya na tonong may pang-aasar sa akin na sinabi ng tita Librada ko.

"Nanay naman marinig kayo dyan ihh" wika ko sabay dutdot sa kanang bewang niya na may kiliti siya doon pero tumatagilid lang siya hanggang makalayo sa akin na may ngisi sa kanyang labi.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon