LUMAPIT si Maria kay Jack gusto sana niyang lambingin kaso alam niyang pekeng pag-ibig lang ang ipinapakita niya sa kanyang mga tinuturuan, dahilan trabaho lang ito at walang halong emosyonal.
"Hal?" tawag ni Maria kay Jack na tumingin lang si Jack sa gawi niya tsaka sumubsob muli.
Kakausapin pa sana ni Maria si Jack nang kumakaway na si Jennica at tinatawag siya kaya lumapit si Maria sa barkada.
"Halika sa banyo dun tayo usap para walang maka-alam" tigil ni Jennica "Raca halika" tawag niya sa kapatid ni Jack na sumunod din sa kanya.
Pagkadating nila sa banyong tatlo nakabantay si Raca sa pintuan at hinarap ni Jennica ang kabarkada.
"Alam kong ngayon lang ito, bes" wika ni Jennica.
"Ano'ng ngayon lang?" tanong ni Maria.
"Ngayon lang nagkaganito ang kuya Jack kase tinawagan siya ni bebe ko ukol sa balak na naman ng nanay niya sa kanya" tugon ni Jennica na tumatango lang si Maria.
"Ano'ng meron?" tanong ni Raca.
Tumingin si Jennica kay Raca "Ipinorce marriage ulit ang kuya mo" tugon ni Jennica sa tanong ni Raca na umiling si Raca tsaka...
"Naku! Patay ulit yun kay kuya panigurado" ani ni Raca na nagkipit-balikat habang umiiling.
"Eh bakit pa tayo nag-usap sa banyo? Pwede namang sa labas?" tanong ni Maria na niyakap siya ni Jennica.
"Bes alam ko masakit ang magpigil ng nararamdaman dyan sa dibdib feel kita" wika ni Jennica na kumawala si Maria tsaka binatukan ang kaibigan.
"Gaga ka! Ano'ng pinagsasasabi mo dyan?" wika ni Maria na nakakunot ang kanyang noo.
"Bes, alam naman namin na kras mo din si Jack" wika ni Jennica na lumapit si Raca.
"No way! May kras ka sa as in ONLY kuya ko?" pagdidiin ni Raca sa salitang 'only' na tonong patanong kay Maria.
Umiling si Maria "Maniwala ka dyan kay Jennica" tugon ni Maria na tumingin si Raca kay Jennica.
"Sino'ng nagsisinungaling sa inyo?" tanong agad ni Raca.
"Basta ako wala akong nararamdaman sa kanila na malalim" seryosong wika ni Maria.
Bumugtong hininga na lang si Jennica na kumunot ang noo ni Raca sa gawi ni Jennica, at naunang lumabas si Maria.
✡Maria✡
Medyo masakit yun ha? Okay lang tama ang sinabi ko sa kanila, na ang ipinapakita ko na as in it's only for work walang emosyon kahit na meron ako...tsk dahil lang sa inalagaan niya ako inlab na Maria?
(≧ヘ≦ )
Bilis mafall eh eh tsaka...okay lang sa akin kahit na madumi na ang kamay niya I accept his flaws, kaya ba nafall ako?
Dumiretso muna ako sa kuwarto ni Jack tutal parang trip kong umidlip pagkapasok ko sa loob ng kuwarto naroroon si Jack nakadungaw sa bintana, at ako dumiretso na ako sa kama kulang na lang pumalakda ako.
"Hal?" patanong na tawag niya sa akin.
Nadinig ko kaso wala ako sa mood takte kasi itong si Jennica ka eh binigyan pa ako ng isipin. Ilang segundo naramdaman kong tumabi siya pero hindi ko sure kung paano'ng posisyon.
"Hal don't tell me tutulog ka?" tanong niya na umayos ako ng higa.
"Feel ko tutulog lang ako, napagod kakapaliwanag kay Ren" wika ko.
Naramdaman ko na lang na humiga siya at itinaas niya ang ulo ko tsaka ipinatong sa kanang baraso niya. Sweet, kaso hindi ko sasabihin sa kanya na may sinabi sa akin si Jennica para iwas conversation na dapat hindi ako ganito...pero dapat ganito ako, ang gulo noh? Kung sa fiance niya hindi dapat ganitong ugali ko kase kung gusto kong ayos ang relasyon namin walang sikreto kahit utot pa yan, pero dahilan sa hindi ko naman siya fiance...it's my right to remain silent.
✡Jack✡
Nagutla na lang ako'ng may tumunog sa kama na sa aking paglingon si...Maria sumubsob sa kama.
"Hal?" patanong na tawag ko sa kanya.
Pero hindi siya kumibo kaya medyo lumapit ako ng kaunti tsaka "Hal don't tell me tutulog ka?" tanong ko sa kanya at umayos siya ng higa.
"Feel ko tutulog lang ako, napagod kakapaliwanag kay Ren" tugon niya sa tanong ko.
Si Ren na naman...
Tinabihan ko siya na kung saan itinaas ko ng dahan – dahan ang kanyang ulo at ipinatong ko sa kanang likuran ng braso ko. Hindi siya humarap pero hinayaan niya sa gusto kong magyari.
"Ano'ng tinanong ni Ren nung may kausap ako sa selpon?" tanong ko pero nakatalikod pa rin siya.
"Kung ano daw pinagka-iba namin ni Mimi niya" tugon niya sa akin.
"Hal" tawag ko sa kanya.
"Oh?" tanong niya pero nakatalikod pa rin.
"Harap ka sa akin" utos ko pero nakatalikod pa rin.
"Iglip lang ako" wika niya kaya niyakap ko na lang siya mula sa likuran pero hindi nakadantay ang hita ko sa kanya tulad ng dati.
I can't even believe it na siya ang fiance ko...nakakatuwa kase we are meant for each other, na tulad ng sabi niya kanina kapag nagkakatagpo ang lahat sa inyong pangangailangan kayo para sa isa't – isa kaso...para kay Maria etong pagsasama namin is just a fake love.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Tutor or Suitor
General Fiction[BIRTHDAY 2022] 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘩𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥. Six men come together in the same house, just to learn how to be the perfect husband to their future wife.