ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟶

49 27 0
                                    

Lester

Maaga akong nagising at nakita kong nag-uunat pa si Maria sa pasilyo, nakasuklay na siya at bihis na din.

"Morning darl" bati ko sa kanya na tumango siya

"Morning darl" bati niya sa akin pabalik at nagtungo muna siya sa banyo na sumunod lang din ako.

"Aba darl nasa banyo pa ako medyo weird ka" nagutlang tonong wika niya

"Alam ko naman darl kitang kita kita" ani ko sa sinabi niya at kumunot ang kanyang noo

"Alam mo pala eh labas muna" utos ni Maria sa akin na naghahanda siya sa pagsisipilyo.

"Dba darl...darl kita?" diin ko sa salitang 'darl' iksi sa salitang darling.

"Meaning?" tanong ni Maria sa akin tsaka ko siya niyakap mula sa likuran

Tama naman ang ginagawa ko dba? Darl ko siya at darl niya ako.

"Dapat ang mag-asawa sabay malimit dba?" tanong ko sa kanya na hindi niya kinukurot ang kamay ko na nakayakap sa kanya pa.

"Fine gawin mo yung dapat pero yung batas kong inilagay doon masusunod o yayariin kita dyan" babalang paalala niyang sinabi sa akin.

Nagsipilyo na siya at ako umihi parang mag-asawa maliban na lang sa hindi siya nakatingin at nakatalikod naman ako. Matapos namin sa banyo lumabas kami pareha at wala pang gising na tiningnan ko ang relos na nasa itaas ng hambana ng pintuan ang oras ay alas sais pa lang ng umaga.

Nagbukas na siya ng painitan ng tubig tsaka kumuha ng itlog sa refrigerator at tinidor sa kabinet na nasa ilalim ng counter top. Nagsimula na siyang maggayat nung inabot na din niya ang sibuyas na nasa lagayan na kulay puti.

"May maitutulong ba ako?" tanong ko na itinuro na lang niya sa akin ang lagayan ng pinggan

"Maghaen ka na" utos niya na nadinig ko pang napahikab siya.

"Malikot bang matulog si Kyle kagabi at parang inaantok ka pa?" tanong ko dahil hindi ko alam kung ano'ng topic ang makakarelate siya.

Medyo tahimik itong titser naming si Maria kaya matapos kong iayos ang mga pinggan sa lamesa tumabi muli ako sa kanya.

"Nagpabango ka ba?" tanong ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.

"Hinde ah" takang tugon niya sa akin.

Idinikit ko ang buong mukha ko sa kaliwang bahagi ng kanyang buhok medyo mabango nga siya.

"Bango kaya" mahinang wika ko

"Yang ginagawa mo medyo wirdo sa akin pero nakikita ko yan sa telebisyon" ani niya sa akin na hindi siya tumitingin at hindi ako umaalis sa tagiliran niya.

"Na?" tanong ko na napatingin ako sa likuran wala pang gising alinman sa anim.

"Na ginagawa lang yan ng mag-asawa" wika niya sabay tangu – tango.

Hinawakan ko na ang likuran ng bewang niya na doon lang ako nagutlang...

"Ang alam ko no touch" seryosong wika ni Raymond.

"Araw ko ngayon" tugon ko at tumingin ako sa nagsalita nakasandal siya sa upuan na mismo at naka-upo.

"Eh ano kung araw mo? It doesn't mean na araw mo pwede mo na siyang hawakan" iritang sinabi niya at masama ang tingin niya sa akin.

Umupo ako pero hindi niya katabi sa ikalawang upuan sa bandang kanang bahagi niya at tumingin ako ng seryoso habang si Maria inabala ang sarili sa pagluluto.

"Nagseselos ka ba?" seryosong tanong ko kay Raymond

Umiling muna siya "Hinde" tugon niya sa tanong ko kakagising lang niya dahil halos sinusuklay pa ng kanyang kaliwang kamay ang magulong harapan ng buhok.

"Sa tono mo kase parang selos ka eh" singit kong sinabi sa kanya.

Nanahimik kaming pareha ng ilang segundo at bago pa ako magsalita dumating na ang apat si Kyle nag-uunat pa tsaka naupo sa tabi ko sa bandang kanan ko at si Ren sa kaliwang bahagi ko.

"Bawal ba tayong lumabas?" tanong na maktol ni Kyle kay Maria na tumingin ako sa kanya na para siyang walang narinig sa tanong ni Kyle.

Matapos magluto ni Maria tumayo ako at tumulong na sa kanya na ako na amy hawak na pot holder ang naglagay nung ulam niyang niluto at inilagay sa gitna, na mayroong nasa ilalim na makapal pang pot holder pero mas iba sa gamit ko.

"Hindi naman kami nakaen niyan eh" maktol na ni Gary.

"Ano bang kinakaen mo ha?" tanong naman ni Jon na katapatan niya sa upuan.

"Karne" sagot ni Gary na kinapitan na ang tinidor at tinusok ang ulam nanasa harapan na inilapag ko sa ibabaw ng lamesa.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon