✡Maria✡
Nadinig ko ang away nila dahil bago pa makatapos si Jack na ipagluto ako muli ng bago kaya heto ako sa kuwarto naka-upo inaantay siya. Dahil walang air con sa kuwarto naramdaman ko na ang pag-iinit ng katawan ko.
"Oh hindi na chicken flavor" ani ni Jack na inilapag na ang tray sa kama ko.
"Nagkagalit kayo ni Lester dahil ayako ng chicken?" tanong ko sa kanya at tumingin lang siya sa akin kaya kumaen na ako.
"Don't tell me sinilip mo pa kami ha?" tanong niya na hindi ko sinasagot malamang nakaen ako.
Inantay niya ako makatapos at inilapag niya muna ang tray sa ibaba na kung saan hindi malamig ang tubig na ininom ko. Matapos kong uminom kinuha na ni Jack ang baso ko at itinabi sa tray na kinalalagyan ng mangkok na pinagkainan ko.
"So ano'ng nararamdaman mo na ngayon?" tanong niya sa akin habang nakapatong ang parehang baraso niya sa ibabaw ng kama at naka-upo siya sa sahig.
"Okay lang magpapahinga na lang ako" ani ko na tumalikod sa kanya tsaka ako nahiga.
Kinakapa ko kung nasaan yung kumot niya nang naramdaman ko na lamang na hinigit niya kaya ikinatingin ko sa kanya.
"Aba malamig ha" reklamong wika ko na nakangiti siya sa akin.
"Kelan kaya kita maida-date?" mahinang tanong niya at ilang segundo na nakatingin ako dahil nag-iisip ako ng isasagot sa kanya.
"Huwebes ngayon diba?" tanong ko pabalik sa kanya na tumango siya bilang sagot.
Tsaka ko...
MATAPOS ilagay ni Jack ang pinagka-inan ni Maria sa lababo nakita niya ang pinsan niya na kasama nung anim at tinawag siya. Pagkalapit niya seryoso ang mukha ni Jack.
"Sorry kanina" wika ni Lester na tumango na lang si Jack.
"Nag-uusap-usap kami dito insan ukol dun sa bakit wala tayong selpon at bakit hindi pwede pati telebisyon" ani naman ni Raymond.
"Hm, alam ni Maria ang nangyari sa atin Lester" wika ni Jack na hindi pinansin ang sinabi ng pinsan.
Nagutla silang lahat "Teka paano na yan?" tanong pabalik ni Ren.
Nagkipit-balikat na lamang si Jack "Feel ko kaya naman natin si Maria na hindi masunod dba?" tanong ni Lester na si Kyle ang bumatok.
"May pagkagago ka talaga ano?" inis na ani ni Kyle kay Lester at tumingin kay Jack.
Tumingin muna si Lester kay Kyle "Nag-iisa siyang babae at pito tayo dito" ani ni Lester.
Umiling si Raymond at Jon "Ayakong dagdagan pa ng problema ang pamilya ko sa plano mo" ani naman ni Jon.
"Ayakong masapak ng pinsan ko sa plano mo Lester" ani naman ni Raymond.
"As if in ako sa plano mo" iritang wika ni Jack.
"Nako hindi ko gusto yan hindi ako sang-ayon" wika naman ni Gary na iiling – iling.
"Gusto nyong mag physical education?" tanong ni Maria na ikinagutla nung pito na nasa likuran na nila ito at nakapamewang sa kanila.
"Bakit ka bumangon baka mabinat ka" wika ni Jack.
"Magaling na ako" tugon ni Maria kay Jack na ngumuso ito at nakakunot ang noo.
"Ginagawa mo akong beybi" dagdag pang sinabi ni Maria.
"Malamang ikaw ang titser dito" tugon naman pabalik ni Jack.
"Palusot mo lang insan nagwoworry ka lang ihh" ani naman ni Raymond na binigyan na lang siya ni Jack ng sama ng tingin, at napalunok ng malalim na lamang ang pinsan.
"Ano gusto nyo ba?" tanong muli ni Maria na umiling silang lahat maliban kay Lester.
Kaya lumapit si Maria at kinuha ang kanang kamay ni Lester na nagutla ang binatilyo sa kanya.
"Teka bakit?" tanong ni Lester.
"Ikaw lang ang hindi umiling nung nagtanong ako, so halika" ngiting wika ni Maria.
Tumayo si Lester pero kinapitan ni Jack ang pupulsuhan ni Maria "Paano kung mabinat ka ha? Ano'ng gagawin ko saiyo?" babalang tonong tanong ni Jack kay Maria.
"Magaling na nga ako" nakukuklitang tonong wika ng dalaga.
Nakatitig lang si Jack kay Maria at doon lang binitawan ni Maria ang kamay ni Lester, tsaka lang inilipat ni Jack ang pagkakakapit niya sa parehang balikat ng dalaga at patulak niya'ng inaalalayan pabalik.
"Don't tell me natakot si Maria kay Jack?" tanong ni Jon na umiling si Kyle.
"Imposible, baka naman alam niyang mabibinat siya" singit na sabi naman ni Gary.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Tutor or Suitor
General Fiction[BIRTHDAY 2022] 𝘛𝘦𝘢𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵 𝘩𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥. Six men come together in the same house, just to learn how to be the perfect husband to their future wife.