FIVE
Kasalukuyan akong nagsusulat ngayon nang may ingay akong narinig.
"Andrew," Rinig kong tawag ni Trix. "May extra ballpen ka?" Halos mapa-irap ako sa hinahanap ni Trix.
"Wala," Tanging sagot nito. Baritono rin ang boses niyo gaya ng mga kaibigan niya. Tuluyan na talaga itong nagbinata o nauna pa sa kanilang puberty marahil sa malalapad nilang balikat at matipunong pangangatawan.
"Err, I need ballpen!" Pagmamaktol ni Trix. Naramdaman ko ang pagkalabit nito sa'kin. Agad akong kumuha sa pencil case ko at inabot ito sa kanya para hindi na mangulit.
Actually, kanina pa ako natapos sa pagsusulat. Nag-drawing ako ngayon ng mga bulaklak. Nakakatamad kasi kumopya kaya nagdrawing na lamang ako.
"Wow, magaling ka pala magdrawing?" Rinig kong tanong ni Chris. Hobby ko ang painting. "Marunong din ako!" Sambit nito at pinakita ang mga drawing niya. Magaganda nga ang mga ito. Pero hindi ko pinansin kasi busy ako. "Patingin nga ako," Aniya at lumapit sa'kin dahilan para mabangga ang balikat ko at lumagpas ang drawing ko. Iritado akong tumingin sa kanya at pinandilatan siya. Nanlaki ang mga mata niyang tinititigan ang mga akin.
"Your eyeballs are purple," Bulong nito. Napakurap ako at nag-iwas ng tingin.
"Contact lenses 'yan," Sambit ko. My eyes are natural purple. Namana ko ito sa'king ina. Apat kaming magkakaibigan na may kakaibang kulay ang mga mata na nakuha na'min sa parents na'min. Kwento ni Daddy ay isa ito sa mga rason kung bakit naging magka-ibigan silang lahat. Harley's eyes are gray kaya mas lalo siyang nagmukhang manika idagdag mo pa ang boses nito. Belle's was honeycomb, kakaiba ito marahil hindi lang ito basta brown, medyo naninilaw ang eyeball nito. While Trix's was light blue-green.
"Talaga? Nagsu-suot ka ng contact lenses?" Tanong niya. Ngunit hindi na ako sumagot nang magring ang bell ay agad akong tumayo. Nagulat ako ng kinuha niya ang drawing ko sa bouquet ng flowers, "Ako na ang magtutuloy," Hindi ako nakasagot dahil napukaw ng atensyon ko ang sinabi ni Xander.
"Gail, dalhin mo na ang bag ko." Sambit nito. Agad na kumunot ang noo ni Harley, nako delikado ang kilay mo.
"Bakit? Pumayag ba ako--" Hindi natuloy ni Harley ang sasabihin nang ihagis ni Xander ang bag dito at hilahin ang kamay palabas. Lumingon na lamang si Harley sa'min bago naglaho ang anino niyo. Kunot-noo akong nanatiling nakatingin sa pinto. Nagbulong-bulungan muli ang mga kaklase na'min.
"Ah, pilit na ginawang personal assistant ni Xander si Gail, eh. Pasensya na, hindi na'min mapigilan si Xander." Pagpapaliwanag ni Chris. Nagkatinginan kami nina Belle at pare-parehong natawa.
"Please 'wag lang masyadong mabigat na gawain," Naka-ngiwing sambit ni Belle.
"Makakarating!" Sagot ni Charles.
"Sumabay na kayo sa'min," Anyaya ni Chris. Tumango tutal ay susundan naman na'min si Harley.
Sa hindi kalayuan ay nakita na'min si Harley at si Xander na nag-uusap.
"Hindi pa kayo aalis?" Tanong ko kay Chris nang nanatili silang nakatayo sa tabi na'min.
"Ah, ito na nga. Bye!" Sambit nito at sumakay sa isang sports car, gano'n din ang dalawa. Well, may sports car din naman kami nina Harley.
Hindi nagtagal ay umalis na rin si Xander kaya naman dumiretso kami kay Harley na iritang-irita ang mukha.
"Oh, mag-ingat! Ang kilay mo, aba. Hindi pwede sa'yo ang ganyan," Komento ko nang makalapit. Umirap lamang ito at naunang naglakad sa'min.
BINABASA MO ANG
Damsel in Disguise
FanfictionIf you realized that your world isn't like any other and that the way people walk and move into their lives wasn't the same way as yours, what would you like to do? To finally open our own eyes and see what reality is, just made us do something we...